Chapter 17

8.7K 327 32
                                    


Hindi niya maipaliwanag ang halik ni Thomas. Ito pa lang ang nakakahalik sa kanya ng ganito pero ramdam niya na ito ang pinakamasarap.  Dahan-dahan ang paghagod ng dila nito sa dila niya at  kinakagat-kagat din nito ang mga labi niya. Napakapit siya sa mga braso nito. Hindi niya napigilang hindi umungol nang lalong nagpainit sa katawan niya nang maramdaman ang matigas na muscle nito.  Against her lips he repeatedly murmured her name. 

"Thomas!" nasambit niya nang dahan-dahang bumaba ang mga labi nito sa baba niya pababa sa leeg.

He arched her back to expose her neck to him. She could feel his wet tongue on her skin and she was on fire. Namalayan na lang niya na nakasandal na pala ang likod niya sa kitchen counter. 

"Darling...I...have...to...get...the...door..." dinig niyang sabi nito  pero patuloy pa rin ito sa paghalik sa gilid ng leeg niya.

Doon siya napamulagat. Sinubukan niyang kumawala dito pero mas hinigpitan nito ang pagkakahapit sa baywang niya at ibinalik ang mga labi sa labi niya.  She protested against his lips nang tumunog ulit ang doorbell na ngayon lang niya narinig. Napakurap siya nang sa wakas itigil nito ang halik. Isinubsob nito ang noo sa noo niya habang humihingal na nagsalita.

"I'll be back darling," sabi nito habang may pilyong ngiti sa labi.Ginawaran pa siya nito ng isang mariin pero mabilis na halik uli bago ito tumalikod. 

Natakpan niya ng kamay ang bibig habang nanlalaki ang mga mata. Napalunok siya ng ilang beses. Sa sobrang sarap ng halik ni Thomas, ni hindi niya narinig ang tunog ng doorbell.

Ano ka ba Kim?!- galit na tanong niya sa sarili. 

Mabilis na kumuha siya ng baso at kumuha ng tubig  para  uminom. Paano  na ngayon? Hindi niya maikakaila na may mag-iiba matapos ang nangyari sa kanila ni Thomas. Papayag ba siya sa sinabi nito na totohanin na nila ang relasyon nila?

"Darling!" tawag nito sa kanya.

May matamis na ngiti ito at napaka-intense ng pagkakatitig sa kanya. May dala itong  dalawang malaking paper bag na inilapag nito sa lamesa bago lumapit sa kanya. Gusto man niyang alisin ang mga mata dito pero hindi niya kaya. Sinampal na siya ng katotohanan na   hindi pala siya talagang  immune sa kaguwapuhan nito.

"It was delivery," sabi nito bago ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito para itingala.

Napalunok siya. Mukhang hahalikan na naman siya  kaya kunway intresado na nagtanong siya.

"A-ano ang dineliver?"

He grinned. "Your clothes and some other stuff  and our food for a few days."

Napaawang ang bibig niya at sinamantala naman nito. His lips came down on hers and his tongue devoured her mouth. Pero dahil sa narinig, nakahugot siya ng lakas para magprotesta. Hinawakan niya ang mga kamay nito  na nasa gilid ng mukha niya. Nang maramdaman nito na gusto niyang umalpas, he ended the kiss but he didn't release her face.

"What's wrong darling?" kunot noong tanong nito.

Tinulak niya ito para pakawalan siya which thank goodness he did eventually. Mabilis siyang lumayo dito. 

"Sabi mo damit ko  at mga gamit at pagkain natin for a few days? Anong ibig mong sabihin?" manghang tanong niya habang lukot ang magandang mukha.

His frown disappeared and a devilish grin appeared. Sumandal ito sa kitchen counter and crossed his arms on his muscled chest. Awtomatikong napatingin siya sa magandang  katawan nito. This man is a temptation! Naipilig niya ang ulo dahil malamang  mawala na naman siya sa katinuan kapag nagpadala siya sa tukso.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now