Chapter 18

8.2K 344 30
                                    


Mabait pa rin talaga ang tadhana sa kanya. Kung hindi niya nalaman  ang maitim na plano ni Thomas malamang nahulog na siya dito. Kagaya ngayon, kung makatitig ito sa kanya habang kumakain sila ng hapunan  sa romantic table na ihinahanda nito,  aakalain niyang totoo na gusto siya nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso bago tumingin dito ng deretso. Kaya na niyang makipagtitigan dito na hindi nararamdaman na para ba siyang matutunaw. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong pustahan ng mga ito pero sapat na 'yong narinig niya ang pangalan niya.  At malinaw na sa kanya kung bakit parang nag-iba ang pananalita at mga kilos nito mula nang dumating sila dito.Kung aakalain man nito na nanalo ito sa pustahan dahil pumayag siyang maging nobya nito, okay lang. Mas matindi ang gagawin niyang pagbawi. 

"You are beautiful darling," nakangiting sabi nito.

Alam ko! - gusto sana niyang isatinig pero sa sarili lang niya sinabi habang ginawaran niya ito ng matamis na ngiti. Lahat ng sasabihin at gagawin niya mula ngayon puro pagpapanggap. 

"Kung tutuusin nga pala hindi mo man lang ako niligawan," sabi niya na kunot ng bahagya ang noo.

Thomas brows knitted. He leaned forward and took hold of her hand.

"Darling you can't take back what you said. I promise I will shower you with gifts kahit tayo na and we will go out on dates," he said with a grin before he kissed her palm.

Gusto sana niyang bawiin ang kamay pero hinayaan na lang niya.  She even let him hold it while they chatted. Hanggang doon lang ang hahayaan niyang gawin nito sa kanya.

"Hanggang kailan pala tayo dito?" tanong niya.

His eyes glinted. "Until tomorrow. I don't need to worry now that you are mine."

Muntik na niyang tusukin ang kamay nito sa hawak niyang tinidor. Syempre babalik na sila kaagad dahil ipapakita na nito sa mga kapatid na sila na para makuha nito ang premyo. Lalong lumaki ang galit niya  sa naisip. Sa yaman ng mga ito, hindi na nila kailangan ng pera o ano pang mamahaling bagay. Kumbaga trip lang ng mga ito ang paglaruan ang ibang tao. 

"At bakit ka naman  mag-aalala?"

Hinalikan uli nito ang kamay nya bago pakawalan dahil dumiretso ito ng upo. Sumandal ito sa upuan at pinag-krus ang mga braso sa dibdib. 

"I don't want you  talking to Derek," maiksi pero malamig na sabi nito.

Tumaas  ng bahagya ang kilay niya. "Bakit? Pinsan mo siya hindi ba?"

"Just do what I say darling para wala tayong problema."

Halatang hindi nito kayang magtago ng damdamin. May pumintig na muscle sa panga nito at medyo naningkit ang mga mata. Nagkibit balikat na lang siya ipinagpatuloy ang pagkain.

"How did you meet him by the way?" biglang tanong nito at muntik na siyang mabulunan.

Hindi agad siya nakasagot dahil hindi niya gusto na malaman nito na crush niya si Derek. Mas tamang sabihin na pinangarap maging dyowa. Natigilan siya sa naisip. 

Pinangarap? As in past tense? Hindi na pinapangarap? tanong niya sa sarili.

"Darling I asked you a question," may lakip na inip na tanong ni Thomas.

She cleared her throat bago tumuwid ng upo. 

"Nakita ko lang siya ng isang beses sa mall," pagsisinungaling niya.

"Are you sure isang beses lang? Layla's reaction  says a different story," malamig na sabi nito.

Sinalubong niya ang mga mata nito. "Baka naman kaya iniwan ni Derek ang babae na 'yon dahil napakadumi ng isip. Baka nasakal ang pinsan mo?" tanong niya bago ipinilig ang ulo at ibinalik ang mga mata sa plato. "Hindi ko gawain ang magsinungaling. Bahala ka kung sino o ano  ang gusto mong paniwalaan."

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now