Chapter 49

5.6K 263 21
                                    


Gusto sana niyang ulitin ang sinabi niya dahil tila hindi narinig ni Thomas. Nasa kanya ang mga mata nito pero mukhang tagusan ang titig sa kanya. Nang ilang segundo  pa ang nakalipas pero  wala pa rin itong reaksiyon, minabuti niya na lumabas na ng silid. She is expecting him to follow her but he didn't. She erased the  disappointment she felt. Ipinanalangin na lang niya  na finally ma-realize ni Thomas na malaking pagkakamali ang pag-aya nito ng kasal sa kanya. Pagkalabas niya ng bahay, nakita niya ang driver ng asawa na nagpupunas ng kotse pero nang mapansin siya nito, itinigil nito ang ginagawa at pinagbuksan siya ng pintuan. Kumunot ang noo niya.

"Mag-tataxi lang ako," sabi niya dito pero nagkamot ito ng ulo.

"Ma'am kakatawag lang po ni sir, ihahatid ko daw po kayo sa bahay ng nanay niyo at hihintayin."

Bumunot siya ng malalim na hininga. Hindi nga siya sinundan nito pero sinigurado nito na may bantay siya. Nainis na naman siya rito.

"Importante po sa akin ang trabaho ko ma'am. May tatlo po akong anak," malungkot na sabi nito nang mapansin siguro na mukhang nagdadalawang-isip siya.

Hindi naman niya gusto na dahil  sa gusto niyang magrebelde sa asawa, mawawalan ito ng trabaho. Tumango na lang siya at sumakay sa kotse kahit gusto niya sanang suwayin si Thomas. Alam niyang mananagot ang drayber kapag ginawa niya 'yon.

***

Napatigil siya sa pagpasok sa pintuan nang marinig niya ang boses ni Aling Carmen at Maritess. Umatras siya nang bahagya para maikubli ang sarili. Gusto niyang marinig ang usapan ng mga ito.

"Iba ka na talaga ang nakaluwag-luwag Aling Carmen! Sa tagal nating magkapitbahay ngayon mo lang ako inambunan!" tuwang-tuwang sabi ni Maritess.

"Paano kita aambunan dati eh kulang na kulang pa nga ang binibigay ni Kim. Tapos ngayong nakapag-asawa nga ng mayaman doon naman lalong  naging madamot! Manang-mana sa pinagmanahan! Umasa pa  naman  ako na mapapakinabangan ko! Pwe!" 

"Naku akala ko naman dati malaki ang ini-intrega ni Kim sa inyo. Aba'y kung titignan mo eh parang napakasipag magtrabaho!  Bilib  na bilib nga ang mga kapitbahay natin dahil siya ang bumuhay sa inyo nang iniwan kayo ni Mang Nardo!"

"Asus! Kung hindi pa ako magtatrabaho kina Akong noon eh nganga kami madalas! Kagaling lang talagang magpanggap na akala mo ay napakabait na anak at kapatid pero nasa loob ang kulo!"

Naikuyom niya ang mga palad pero pinigilan pa rin niya ang sarili na komprontahin ang nakagisnang ina.

"Kung hindi kay Kim galing ang grasya niyo, kanino?"

"Naku eh di  doon sa mayamang mestisa na patay na patay sa asawa ng malditang Kim na 'yon! Mabuti pa 'yon kahit mukhang masama ang ugali hindi madamot!"

"Naku ito namang si Aling Carmen, naabutan ka lang eh pinuri mo na!  Masama naman talaga ang ugali eh! Ka-ganda ng mukha pero  napaka-matapobre! Kung makatingin sa amin diyan sa labas parang diring-diri sa amin! Kung hindi nga lang sa'yo matagal ko ng pinaturuan  ng leksiyon sa mga tambay ang babaing 'yon eh! Pero huwag kang masyadong matitiwala doon! Kaya ka lang naman pinupuntahan noon at  inaabutan ng pera dahil kumukuha lang ng impormasyon sa'yo eh!"

"Naku wala  naman akong pakialam  at alam ko naman 'yon! Ang importante ay kahit papaano pinagkikitaan ko si Kim nang  hindi niya alam. Ang hindi niya kayang ibigay, si Francheska na lang ang magpupuno!"

Tila nahirapan siyang huminga sa mga narinig niya kaya nagpasiya na siyang umalis. Hindi ito ang tamang oras para kausapin si Aling Carmen.  Nagdadagan pang lalo ang sama ng loob niya dito at baka kung ano pa ang masabi niya na pagsisihan niya sa huli. Pagpipiyestahan lang  din sila ng mga kapitbahay nila lalo at nandoon si Maritess. Pagkasakay uli niya ng kotse, tatawagan  niya si William. Marami siyang gustong itanong rito tungkol kay Francheska.

***

"You better find out who did it as soon as possible!" maawtoridad na sabi ni Thomas sa cellphone matapos ibaba ito. "Okay na ang lahat?" kausap naman nito kay William. 

"Ayos na lahat. Sinabihan ko na rin ang mama. Pero sigurado ka ba bro na ito talaga ang solusyon? "naiiling na tanong ni William na nakaupo sa single seater.

Sumandal si Thomas sa swivel chair at humugot ng malalim na hininga. Sasagot sana ito pero nag-ingay ang telepono ng kapatid.

"Kim?" tanong nito  kaya napalingon uli si Thomas dito na kunot na kunot ang noo.

"Sige... sa Cafe Adelle alam ng driver 'yon...papunta na ako," sagot nito na nakatingin rin sa kapatid.

"Why the hell is my wife calling you?" hindi pasigaw  pero mariiin ang bitiw ng bawat salita na tanong nito. 

"May gusto daw siyang itanong tungkol kay Franchesca."

Umalis sa pagkakasandal sa upuan si Thomas at nagmura ng mahina. He angrily rose from the chair.

Out of instinct tumayo rin si William and held his hands in front of him. "Bro hayan ka naman!  Ako 'to, kapatid mo!" may himig pagbibiro na sabi ni nito pero may pag-aalala rin sa tono nito.

Hindi naman  nagsasakitang ang mga ito at si Jake  kahit noong mga bata pa ang mga ito pero ramdam nito ang kinokontrol na galit ng kapatid dahil sa selos.

When Thomas was a few meters away from him, he halted only to say in a chilly voice, "I don't know how  often  you talk to my wife or meet her behind my back. She might be your sister-in-law and in the family, you're the one she trusts the most but I don't like it William. I will let this slide but this would be the last and don't you dare cross me!" banta nito.

Tumango-tango naman ito. "Stop thinking that way for Pete's sake bro! Ngayon lang naman niya ako tinawagan at kikitain. Kung tutuusin pwede namang hindi mo malaman na siya ang nasa telepono pero ipinarinig ko sa'yo na siya ang kausap ko. Hindi ka naman kasi dapat magselos. Kapatid lang din ang turing ko sa asawa mo."

"Dapat lang! But regardless of what you said, ito na ang huli!"

"Got it bro!" sagot nito na sumaludo pa.

"I wonder why she wants to ask you about Franchesca?" Thomas asked as if to himself and William shrugged his shoulders. He then  straightened and flexed his neck muscles. "Let's go then," aya nito at nagpatiuna ng lumabas.

"Teka bakit sasama ka?!" gulat na tanong ni William.

***

Nag-order lang siya ng iced coffee habang hinihintay si William. Malapit lang naman ang  Herrera Building sa cafe. Ang hirap magpigil ng damdamin pero kotang-kota na siya talaga kay Aling Carmen at lalong-lalo na kay Franchesca.

"Excuse me? I think I know you." 

Napaangat ang ulo niya at tinignan ang babae na nakatayo sa harapan niya. 

"May I?" Tinignan nito ang upuan sa tapat niya.

Kahit nalilito, tumango na lang siya. Mabilis naman na umupo ang sosyal na babae. Chinita ito at maputi. 

"You're Kim right?" tanong nito na nakangiti.

Tumango siya. "Saan tayo nagkita? Pasensiya na pero hindi ko maalala," may tipid na ngiti na sabi niya.   

Sumandal ito sa upuan at inilapag ang shoulder bag sa bakanteng upuan. 

"I've seen you but it's your first time to see me.  Sorry but I  don't want to beat around the bush. I want to ask you directly  how long you think before Thomas Herrera will get tired of you? You are breaking the record to be honest and  my friends aren't happy about it." 

Napakurap siya sa tanong nito.

"I apologize for being  blunt but I am dying of curiosity.  Did you use a love potion?  We have a group chat and you and Thomas are the topic. We were shocked to know that  Thomas even orchestrated a fake wedding just to get you in his bed."

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi nito.







Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon