Chapter 31

8.1K 319 25
                                    

( SPG ALERT!)

She's almost at her wits' end. She has to let off steam before she explodes.  Ipinikit niya uli ang mga mata at kinalma ang sarili. Hihintayin niyang bumaba si Chelsea. Mabut na lang at hindi naman niya kinailangan maghintay nang matagal. Huminto ang sasakyan matapos ang ilang sandali pero  nanatili siyang nakapikit. Ayaw na niyang kausapin pa siya ng babae.  Dinig  niya na bumaba si William para pagbuksan ito ng pintuan. Ilang segundo  pa ang nakalipas.

"You can open your eyes now and sit here Kim,"  William said with a hint of amusement in his  voice.

With a knowing smile, she opened her eyes. He is outside while  holding the door open  for her.  Nakangiti pa rin na  umibis  siya ng sasakyan. She really likes Thomas' younger brother. Mas magaan itong kasama at kausap because he is easygoing. At kahit obviously playboy rin, at least he  understands women and knows how to treat them.

"William gusto kong uminom. I feel so stressed lately," deretsahang sabi niya.

He seemed to have hesitated a few moments but he simply  said yes and asked her where she wants to  go.

"Kahit saan. Huwag lang sa unit ni Thomas."

"Okay. I know a good place."

She settled more comfortably in her seat. Naapreciate niya na hindi madaming tanong ito. 

***

The alcohol is starting to kick in. She found herself talking a lot after a few drinks. Kaninang  naka-tatlo  na siyang  baso ng pina colada  na nirekomenda ng bar tender, sinubukan siyang awatin ni William pero sabi niya kaya niya kahit ang totoo, hindi siya sanay uminom.

"Ang tahimik ng buhay ko nang pumunta ako dito sa Davao pero ngayong bumalik ang kapatid mo nagkagulo-gulo  na naman," naiiling na sabi niya  bago humingi uli ng isa pa.

"Ma'am baka gusto niyong subukan din ang peach keen,"  mungkahi ng bartender.

Itinaas  niya ang  isang kamay at ikinumpas, "Sige! Gawin mo agad dalawa para hindi ako hingi ng hingi," nakangiting sabi pa niya dito.

Tumikhim si William. "John,  palagay ko mas mabuti  kung bigyan mo na lang kami ng tig-isang shot ng espresso. 

Kunot ang noo na lumingon  siya dito. "Ayaw ko ng kape.  Kaya nga nag-aya ako dito kasi alak ang gusto kong inumin.  Kung gusto ko ng kape 'di sana sa coffee shop na lang tayo," angal niya.

"Hindi ako pwedeng makarami kasi ihahatid pa kita. Tama na ang isang shot ng  vodka sa akin. Isa pa baka magalit si Thomas kapag iniuwi kita ng lasing."

Natawa  siya. "Palagi namang galit 'yon. Wala ng  bago kaya hindi na ako nasisindak," iniangat niya ang mga namumungay na mata sa bartender, " Please John, dalawa pa. Promise, okay lang ako at kaya ko pa," sabi pa niya na nakangiti.

Ginantihan naman ng  bartender ang ngiti niya na nagpalabas sa mga dimples nito.

"Kahawig mo si Zoren Legazpi," she complimented him na lalong nagpatamis ng ngiti nito.

Nailing  na lang si William. "Lagot na naman ako nito," bulong nito sa sarili.

(After half an hour)

She could hardly understand what William is saying but she mumbles something from time to time with her head  slightly bent down. Sinusubukan niyang i-focus ang mga mata sa baso na nasa harapan niya.  Inaantok na siya  at gusto niyang mahiga.  Ang bigat ng ulo niya. Nahihiya naman siyang magsabi kay William na alalayan siya nitong tumayo at maglakad para maihatid na siya sa unit ni Thomas.

"What the f*ck is going on?!"

Kumunot ang noo niya nang marinig ang pamilyar na boses. Sinubukan niyang iangat ang ulo para tignan ito pero hindi niya kaya. 

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now