Chapter 48

6.2K 282 21
                                    

Nakahinga siya ng maluwag dahil milagro ng mga milagro hindi siya pinilit ni Thomas na  may mangyari sa kanila. Kung ano man ang naganap  o kung may nakausap man ito habang nasa banyo pa rin siya, nagpapasalamat siya. Mukhang nawalan ng gana ito kahit nang humiga  na sila sa kama. He just said goodnight and even turned  away from her. She at least could sleep in peace. Kailangan niya ng enerhiya dahil balak niyang puntahan ang nakagisnang ina na hindi naman nagpaka-ina sa kanya bukas na bukas. Gusto lang niyang malaman kung sino ang totoong nanay niya. Hanggang doon lang. Wala siyang balak na hanapin ito.

Maaga siyang nagising. Pagkadilat ng mga mata niya ang una niyang  hinanap ay si Thomas. Medyo kumunot ang noo niya nang wala ito sa kama. She checked the time. It's half past six. Nawala ang kunot sa noo niya nang maalala na malamang ay nag-jogging ito o nasa mini-gym ng bahay. Nabanggit kasi dati nito na bago pumasok sa opisina, he usually runs or does exercises in his gym. Hindi lang naman nito nagawa ang usual morning routine nang dumating sila mula sa Davao. She stretched her body and decided to take a shower and get ready. Mas maaga siyang makapunta sa bahay nila mas may tsansa na madatnan niya si Aling Carmen.

Nakatapis lang siya ng puting tuwalya  at nagpapatuyo  ng buhok gamit ang hair dryer ng bumukas ang pintuan. Napatigil siya sa ginagawa at nakipagtitigan kay Thomas ng ilang segundo sa salamin. Her back is on him as she is facing the mirror.   Mukhang maliligo rin ito dahil hubad-baro ito. Obviously nag-exercise nga ito. His magnificent upper body is glistening with sweat.

"Where the hell are you going?" matigas na tanong nito.

 Pro Dryer 2000 ang gamit niya kaya hindi ito maingay kagaya ng mga ordinaryong dryer pero ipinagpatuloy   niya ang pagpapatuyo ng buhok na para bang hindi niya ito narinig.

"We don't have to be at the office  before 10 today. It's barely 7 a.m." he added  in a very cold voice.

"Pupunta ako sa nanay ko."

He furrowed his brows. "What for? You two talk on the phone right? Why do you have to go there?"

Humugot siya ng malalim na hininga at pinatay na ang blow dryer. Humarap siya dito.  Naningkit ang mga mata niya nang bumaba ang tingin nito sa cleavage  niya. Pinigilan niya ang sarili na itaas ang mga kamay at takpan ang dibdib sa ilalim ng tuwalya. Imbes gawin 'yon sinamaan niya ito ng tingin.

"Pati ba naman ang pagdalaw ko sa pamilya ko pagdududahan mo pa rin?" may lakip na inis na tanong niya.

Bumalik sa mga mata niya ang tingin nito. "You know the deal. You think after what happened yesterday I will let you go  alone somewhere just like that?" he asked with a dry tone.

"So anong gusto mo? Ikuha ako ng bodyguard? O magpapasok ka  ng gps tracker sa loob ng katawan ko?" sarkastikong tanong niya. Gusto niyang bawiin ang sinabi nang ngumisi ito.

"Good idea darling. But  I can't find a female bodyguard this early  so  that is out of the question today. And I don't want anything entering your body except my member, so scratch out  the second option permanently," nakakalokong sabi pa nito as he folded his arms on his broad chest.

Hindi niya napigilang hindi magtagis ang mga bagang sa inis na nararamdaman.  Isinandal niya ang ibabang bahagi ng likod ng  bahagya sa lababo at inihawak ang mga kamay sa gilid nito. Kapag hindi niya ginawa ''yon baka makalmot pa niya ang mukha nito sa inis. 

"Kay Shaira ako nakipagkita kahapon. Nagkataon na dumating si Ryan," napatigil siya nang magmura ito at tumalim ang titig sa kanya sa pagbanggit niya sa pangalan ng dating manliligaw," nang makita ko siya tumayo na ako para umalis. 'Yong nakita mo sa larawan, paalis na ako noon at kinailangan kong dumaan malapit sa kanya."

Nagmura nang mas malakas ito na ikinagulat niya. Before she knew it, he was in front of her. She raised her face  and his  lowered one  is almost just an inch away.  He is breathing in gasps as his hands went on the sink on either side of her. He trapped her.

"That bastard deliberately didn't move to be close to you! Didn't you think about that at all?! I don't care if you had to go around that place to avoid a close contact with that trash but  that was what you should have done ! The restaurant was huge for God's sake! Why did you have to go past him at such a  close range?!" gigil na gigil na sabi nito.

Doon naman tila uminit na rin talaga ang ulo niya. Buong lakas na itinulak niya itong palayo sa kanya gamit ang dalawang palad sa matipunong dibdib nito. Alam niyang hinayaan lang siya nito sa gusto dahil kung papairalin nito ang lakas laban sa kanya, hinding-hindi niya matitinag ito.

Mabilis siyang lumabas ng banyo. Pumwesto siya sa malayo sa pintuan dahil alam niya na kasunod na niya ang asawa.  Hindi naman niya balak na lumabas ng kwarto na nakatapis lang ng tuwalya.   Mabilis siyang humarap uli dito. She was thankful when he positioned  himself just outside the bathroom's door.  Malayo sa kanya. He looks cool but she knows better. Isinandal nito ang kaliwang balikat sa frame ng pintuan ng banyo bago ipinagkrus ang mga braso sa dibdib nito. Inayos naman niya ang pagkakabuhol ng tuwalya sa itaas ng dibdib niya. At gaya ng inaasahan niya, sumulyap ito sa parteng iyon ng katawan niya. Itinaas niya ang baba at gaya nito, ipinagkrus din niya ang mga braso para maikubli kahit paano ang gustong-gustong tinitignan nito. She shifted her weight on her left leg as she glowered at him.

"I don't blame you if you have a dirty mind. Sa mga klase ng babae naman na ikinakama mo dati malamang nadala ka. Pero nakakalimutan mo yata na iba ako sa kanila? Hindi mo lang ako pinulot kung saan. Hindi nga ako galing sa mayaman na pamilya but I never behaved like most of the women you bedded!"

"I never gave a damn to what they did out of the bed! I f*cked them that was all! Oo iba ka talaga  dahil asawa kita! I won't  ever think twice  about beating up men who ever crossed the line!"

Humugot siya ng malalim na hininga bago ibinaba ang mga braso. Naiiling na lumakad siya papunta sa closet  kung nasaan ang mga damit niya.

"Dapat iniisip mo rin na gagawin lahat ni Franchesca ang lahat mag-away lang tayo! Kung mas pinaniniwalaan mo siya sorry na lang ako ganoon? Ako ang paghihigpitan mo dahil sa pagkapraning mo?  Bahala kang mag-isip ng kung ano-ano basta malinis ang konsensya ko!" sabi niya habang pumipili ng isusuot habang nakatalikod siya dito.

Ngayon alam na nito na kilala na niya kung sino ang nagpadala ng mga litrato. Napahiyaw siya nang hinablot nito ang damit na nakahanger na kinuha niya.

"Ano ka ba?!" inis na sabi niya dito, "Thomas?!"

Hinaklit nito ang isang braso niya matapos ihagis lang kung saan ang damit niya. Hindi siya nakahuma kaagad dahil sa gulat. He pulled her to him.

"Have you looked at the photos carefully? That son of a b*tch was almost kissing you!" he snarled.

Pinilit niyang kumawala dito pero mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Hindi siya nasasaktan pero hindi niya gusto na ginagamitan siya nito ng lakas.

"If you don't release my arm right now, I will give you hell!" banta niya.

Naglababan sila ng tingin. No one seems to want to give in. 

"I will not give my body to you willingly  ever again if you don't let go now!" she said through clench teeth.

Tila napasong binitawan siya nito.  Umatras ito bago nagmura ng malutong. Nagulat siya nang bigla nitong suntukin ang pintuan ng closet niya.

"I will never allow you to go anywhere alone!  I trust you but I don't trust that man a bit!" 

Doon na siya parang  nawalan na ng lakas na makipagtalo dito. Parang pagod na isinandal niya ang  likod sa kabilang pintuan ng closet. Naiiling na hinagod niya ang noo.

"My God! Bakit kailangang pahirapan ang pagpunta ko sa amin?" tila tanong niya sa sarili.

"You're the one making things complicated.  We can go there together. I don't understand why you don't want me to go with you! And you get angry when I have doubts?" malamig na tanong nito.

Nilingon niya uli ito. "Gusto mo talagang malaman? Kaya ayaw kitang isama dahil ayaw ko sanang malaman mo ang totoo!" 

He frowned. "Anong totoo?"

She heaved a sigh and turned her face away from him. "Na hindi ako anak ng nanay ko at malamang hindi kita mabibigyan ng anak."

She finally gave up and told him the truth. Mas mabuti ng alam na nito ang lahat bakasakaling pakawalan na siya nito.




Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now