Chapter 22

8.4K 314 18
                                    

Napailing si William at isinuklay ang mga daliri sa buhok.

"I really like Kim para sa kuya mo kaya nagawa ko lahat 'yon.   Kahit anong pilit ko kay Thomas ayaw niyang magsalita. Nakita naman natin kung  paano siya naapektuhan sa pang-iiwan sa kanya ni Kim.   Malamang ang tadhana na rin ang nagtakda kaya nabanggit sa akin ni Elvira na may estudyante sila na nakagaanan niya ng loob. Actually naguguilty ako na hindi ko sinabi na kilala ko si Kim. Naisip ko kasi na mas madali ang pasimpleng pagtatanong ko about her.  Pero after what happened today, kailangan ko nang sabihin kay Elvira ang buong katotohanan.  Kaya lang hindi ko gusto ang  ginawa ng kapatid mo. Nagsisisi ako na hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Kim, " may buntong-hiningang sabi ni Mrs. Herrera.

" You didn't even inform me Ma, 'di sana na-warningan ko  siya  na we can ran into Kim here.  Lalo na siyang na-praning nang aksidenteng nagkita sila," nagbuntong-hiningang sabi ni William.

"I know pero wala, nandiyan na 'yan."

"Pero mabuti naman at hindi pala ikaw ang nakiusap kay Tita Elvira na ipasok sa trabaho si Kim. Sa tingin ko sa kanya hindi niya magugustuhan 'yon. Sabi mo aksidenteng nalaman mo lang  ang tungkol sa kanya mula kay Tita Elvira hindi ba?" may kunot sa noong tanong ni William.

Mrs. Herrera avoided his eyes which made him shook his head. Alam na nito ang mga susunod na sasabihin ng ina pero gusto pa rin nitong  marinig ang sasabihin nito.

"You got her the unit didn't you Ma? You gave Thomas the key."

It was his mother's turn to sigh.

"Just the unit anak. Other than that wala na. The owner was very nice to agree na isekreto kay Kim na bayad ko na ang renta niya ng tatlong taon. Lahat ng binabayad niya, deretso sa banko and all of it balak kong ibigay sa pamilya niya kung hindi niya tatanggapin."

"Well hopefully hindi magka-problema kapag nalaman niya. Alam ko hindi  niya gustong umaasa sa iba."

"I hope so too son. Wala naman akong masamang intensiyon sa ginawa ko. Gusto ko lang na gumaan kahit papaano ang buhay niya. She deserves it."

"Ma, since you've gone this far to try to mend their relationship, I guess it's high time na malaman mo ang totoo."

"Anong totoo?"  tanong ni Mrs. Herrera na kunot na kunot ang noo.

Nagpawala muna ng malalim na hininga si William bago nagsalita. It took a while before Mrs. Herrera reacted upon hearing the truth.

"Well it doesn't matter. Nothing changed. Salamat at sa wakas nalaman ko. Now  I have a much better plan..." 

William groaned. "Ma, hayaan na lang natin sila. Alam na ni Thomas ang gagawin niya."

"Nonsense! Ma-pride ang kapatid mo! Kung hahayaan lang natin siyang gawin ang gusto niya baka imbes na mahulog ang damdamin ni Kim sa kanya lalo pang  magalit!"

Itinaas ni William ang mga kamay. "I give up! Pero out ako sa plano mo Ma. Ayaw kong magalit na naman sa akin si Thomas."

Naningkit ang mga mata ni Mrs. Herrera. " Sa ayaw at gusto mo William, tutulungan mo ako unless hindi ka boto kay Kim para sa kapatid mo."

William groaned.

(At Kim's)

She was yanked to him when Thomas took hold of the reusable bag.  Ilang segundo siyang natigilan habang nagsalubong ang mga mata nila. Natauhan lang siya uli nang maramdaman niya ang kamay nito sa likod  niya. Ubod lakas na itinulak niya ito para ilayo ang sarili.

"Kailan ka pa naging stalker? Nababaliw ka na ba talaga? Paano ka nakapasok sa unit ko?!" pigil ang galit na tanong niya habang ikinuyom ang mga palad na nasa tagiliran niya.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now