Chapter 23

8.6K 300 46
                                    

It was a  very good kiss coming from a f*ckboy of course but she chose to end it.  Lalo na nang maramdaman niyang humigpit ang mga kamay nito sa likod niya. She could feel his arousal too which made her feel disgusted. Itinulak niya ito ng bahagya palayo sa kanya at inilayo rin niya ang mukha. Mahirap ang ganitong posisyon dahil sobrang laki ng agwat ng height nila. His hands on her back support her but she didn't appreciate it. Galawang manyak ang dapat itawag dito. Nagpawala siya ng matipid na ngiti pero nawala  rin agad nang mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya.

"How do you want to celebrate our being a couple darling?" he asked with a devilish grin.

She released a fake smile again. "Ikaw na ang bahala. Mas expert ka naman  kaysa sa akin sa mga ganyang bagay," she said trying to cover the sarcasm in her voice.

He chuckled and kissed the tip of her nose. "You are my first girlfriend darling,"  he said  hoarsely. Lumamlam ang mga mata nito habang titig na titig sa kanya.

Muntik na siyang matawa. Ano  kaya ang tawag nito sa mga babaing naikama nito? tanong niya sa sarili. 

Sa pakakataong ito, mas malakas ang pwersang ginamit niya para magkalayo ang mga katawan nila. Mas lalong hindi siya komportable sa posisyon nila. His disgusting bulge, his smell and his eyes were all too much for her. Kailangan pa niyang ikondisyon ang sarili sa mga ganitong eksena. Mabuti na lang pinakawalan siya nito. 

"S-sorry  hindi pa ako sanay sa ganito. Please give me time to adjust. Pasensiya ka na," kunway nahihiyang sabi niya. 

Hindi siya pwedeng mahalata nito na nagpapanggap lang siya. She hates everything about him and this situation but her plan is the best way to deal with such a man. He won't know what hit him once she's done with him.

He smiled gently and nodded. "That's fine with me. I understand since I know I'm your first boyfriend too," he said with satisfaction.

"Hindi ka sure," nakakalokong sabi niya  habang kinukuha  ang  ecobag with groceries.

She didn't see the heavy frown on his handsome face. Tuloy-tuloy siya sa kusina. She has to get away from him even for a bit because she doesn't trust herself not to snap at him which can spoil her plan. All the unexpected happenings today are all too much for her. 

"What the hell do you mean by that?" malamig na tanong nito. 

Maliit lang ang unit niya kaya ilang metro lang ang layo ng kusina sa sala.  Habang inaayos niya sa kitchen counter ang mga pinamili niya, tinapunan niya ito ng tingin. Pinigilan niya ang malditang ngiti na nais kumawala sa mga labi niya  dahil hindi umalis sa pwesto ito pero halatang nagtitimpi ito ng galit. 

Nag-uumpisa pa lang tayo! she thought.

Inikot niya ang mga mata. "Kung ano man ang nangyari sa nakalipas,  hindi na natin dapat ungkatin okay darling?  Ang importane 'yong tayo ngayon. Kasi kung gagawin natin 'yon, malamang sumakit lang ang ulo ko kung pag-uusapan natin ang mga babae na dumaan sa buhay mo. So to save us  both from such a trouble, let 's not go there right now and don't expect an answer from me too."

His eyes squinted but he didn't reply. She sighed and placed the frozen food in the freezer. Lumingon siya dito matapos mailagay ang mg gulay sa  crisper ng refrigerator. She almost raised a brow. He has a strange expression as he looks at her. She walked closer to the sink, her back on it.

"Mas maganda siguro na sabihin natin ang mga gusto at  ayaw natin  para naman maayos hindi ba? Unless gusto mong maghiwalay agad tayo," sabi niya sa tono na may lakip ng pagbibiro.

Surprisingly, a grin broke his lips. "We just became a couple darling and now you start talking about that?" he asked  teasingly.

"Pero tama naman ako," nakangiting sabi niya.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now