Chapter 21

8.6K 356 38
                                    

Mabilis na hinawakan niya ang braso ni Ric. 

"Ric..."  tawag niya dito pero ang mga mata niya  ay nasa madilim na mukha ni Thomas.

"What's wrong?" boses 'yon ni Ric.

Pumihit siya sa kanan habang  nakahawak sa braso nito expecting him to do what she did. Pero bago pa siya makahakbang, may humila sa isang kamay niya.

"Not so fast darling!"

She felt the breath left  her body when Thomas pulled her to him none too gently and her chest came in contact with his torso. He encircled her in his arms and kissed the top of her head. Napasinghap siya at ilang segundo ang itinagal na ganoon lamang sila, nakasubsob ang  mukha niya sa matigas at mabangong dibdib nito. 

"Kim?"

Ang boses ni Ric ang  gumising at nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na itulak si Thomas. "Ano ba!"  galit na bulalas niya.

Hindi siya agad nito pinakawalan. He held on to her  hands. Pareho silang parang naghahabol ng hininga na nakatingin sa isa't-isa. Her eyes were full of anger  while his have a certain glint.

"Release my hands!" utos niya pero parang hindi nito narinig ang sinabi niya.

"I think you should do what she said." dinig niyang sabi ni Ric sa malamig na boses .

Napalingon siya dito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang makita ang expression sa mukha nito. She hasn't seen  him with such an expression until now. He seems to be  ready for anything. Inilipat niya uli ang mga mata kay Thomas nang mas humigpit ang hawak nito  sa kanya. Mukhang  hindi man lang nito inialis ang mga mata sa kanya. Obviously hindi ito natinag sa sinabi ni Ric bagkus nagdilim ang mukha nito.

"We have to talk," sabi nito sa kanya na halos hindi bumubuka ang bibig.

"Wala tayong dapat pag-usapan! Bitiwan mo sabi ako!" 

"I said let her go!" sabi ni Ric at  naramdaman niya ang kamay  nito sa braso niya. Hawak nito sa isang kamay ang ecobag kung saan nandoon ang mga pinamili niya.

"No!" hiyaw niya nang biglang itulak  ito ni Thomas  na nagmura pa at akmang susugurin ito.

"Bro!" 

Noon naman  sumulpot si William  at  iniharang ang katawan bago hinawakan ang mga braso ng kapatid  para hindi nito masugod si Ric.

"Thomas!"  boses 'yon ng mama ng mga ito.

Relief rushed to her.  Mabuti na lang napigilan ito.  Halos magkasing tangkad ang dalawa pero mas malaki ang katawan ni Thomas kaya alam niya na  dehado si Ric. Nang makabawi  siya sa gulat, lumapit siya sa huli na galit na nakatingin  sa una.

"Okay ka lang?" she asked worriedly pero napalingon uli siya kay Thomas nang malutong na nagmura ito.

"Itigil mo yan anak!" utos ng ina nito at humawak na rin sa isang braso nito dahil mukhang hirap na si William na awatin ito sa pagsugod kay Ric.

Pulang-pula ang mukha ni Thomas at halatang sasabog na talaga ang galit nito. "You stay the  f*ck out of this because next time I will   smash your face!"   he threatened Ric.

"I said stop it! HIndi mo  ba ako narinig?!" gulat pero  may halong galit na  tanong ni Mrs. Herrera sa anak bago  tumingin ito kay Ric, "I'm so sorry about this. Sana hindi na makarating ito sa ate mo," pakiusap na sabi nito. May sasabihin pa sana si Thomas  pero nagsalita uli si Mrs. Herrera. "This is  the first time that you disrespected me! Don't make it worse!" 

Tumigil naman ito  pero madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Ric. Sinalubong naman  niya ang nag-aapoy na mata nito ng matalim na titig. 

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now