Chapter 36

6.5K 268 14
                                    

"Derek..."

He threw her a glance and saw her pretty face with a frown, "May problema ba Kim?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Sumandal siya nang mag-pull over ito.  Binalot ng katahimikan ang sasakyan. Kagat ang loob ng ibabang labi, sinalubong niya ang mga mata nito na nagtatanong. May  bahagyang guhit din ang noo nito na hindi nakabawas sa kagandahang lalake nito. 

"Alam natin pareho na hindi magugustuhan ni Thomas kung sasama ako sa'yo sa bahay bakasyunan niyo."

"He doesn't need to know."

Umiling siya,"I don't want to risk it. Sigurado ako na alam na niya na ikaw ang kasama ko. Baka kayong dalawa ang magkaproblema. I don't want that to happen." 

He chuckled and looked at her  intently, "Actually it won't be the first time."

Mas lumalim ang kunot sa noo niya, "What do you mean?"

"I wonder if it will make a difference if I tell you," may tipid na ngiti na sabi nito.

Wala siyang ibang sabihin kaya inilipat na lang niya ang tingin sa dashboard.

"He's really lucky but  I doubt if he knows it."

Muntik na siyang matawa sa sinabi nito, "If he doesn't know yet, soon he would.  And as  Forrest Gump said, according to his mother,  life is like a box of chocolate..." makahulugang sagot naman niya bago tingnan uli ito.

Swerte pa kayang matatawag nito ang pinsan kapag nalaman nito ang plano niya after nilang makasal?

"May oras  ka pa para  umatras. I can help you," pagbibiro nito. May pilyong ngiting sumilay sa mga labi nito.

Hindi na niya mapigilang hindi matawa ng mahina. "Mukhang ayaw mo talagang matuloy ang kasal namin. May mas malalim na dahilan  ka ba?"

Ilang sandaling sumeryoso ang mukha nito.

"Biro lang. Alam ko naman na sobrang close kayo," dagdag niya.

Ngumiti uli ito. "We're like brothers, Will and I. Si Thomas ang pinaka-reserved sa magkakapatid."

Naghintay pa siya na may idagdag pa ito pero imbes magpatuloy,   "So where to?"  tanong nito.

"Si Thomas ba ang pinakamatinik  sa babae?"she asked out of the blue.

He grinned,  "You will soon discover for yourself,"  may napansin siyang kakaibang kislap sa mga mata nito.

Tumango-tango na lang siya at inilipat uli ang mga mata sa dashboard. Ayaw niyang mag-overthink. Hindi siya magpapatalo sa selos na nararamdaman niya. It mustn't cloud her clear thinking. Planado na ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Thomas and she will leave it like that.

"Since ayaw mo ng tumuloy sa summer house, I will drive you to a hotel."

Nagpasalamat na lang siya at ipinikit ang mga mata. Her life will change a whole lot after tomorrow. Handa man siya o hindi, papanindigan niya ang desisyon niya.

"You look tired. Maybe you should drink your coffee pero malamig na nga lang." Dinig niyang sabi ni Derek. Iminulat niya ang mga mata at kinuha ang kape dito.  "I hope you don't mind but I want to go to one of my favorite places here. Maaga pa naman."

Tatanggi sana siya pero pinaandar na uli nito ang sasakyan.   Wala naman nga siyang alam gawin kapag nag-check in na siya. She just sipped some of the coffee and settled more comfortably on the seat.

 They drove for a few minutes before they reached a hilly part of the road. Ipinasok ni Derek ang sasakyan  sa  kaliwang bahagi ng daan kung saan may arko na gawa sa kahoy. Itinigil nito ang sasakyan nang nasa gitnang bahagi na sila ng lugar. Namangha siya sa ganda ng paligid.  Mukha itong nature park pero ang kagandahan lang, solo nila. 

"We can stay inside the car to watch the view if you prefer it."

Umiling siya at inalis  ang seat belt. "I want to breath in some fresh air," nakangiting sabi niya.

Sumandal sila sa gilid ng kotse nito habang nakatingin sa mga puno na nagsisilbing lilim kaya napaka-presko ng hangin. She raised her face to the heaven and let in some air into her lungs. It has been a while since she had done something like this.

"I was  in a three year relationship but I realized that  what we had wasn't the real thing, " walang bahid ng lungkot sa boses na sabi nito.

She turned  her face to  him but he was looking straight ahead.

"Wala naman akong pinagsisisihan.  Nakakahinayang lang na hindi talaga basehan ang tagal ng  relasyon  para masabi mo sa sarili mo na nasa tamang tao ka. We were too busy convincing others especially our family that we are a perfect match that it took years before I realized that we had a problem and we were living a lie," lumingon ito sa kanya.

"Bakit sinasabi mo lahat ito sa akin?" 

"I don't want you to make the same mistake I did. You don't even know each other that well. Iba ang kasal. Mas mahirap kumawala lalo na...Kim!"

***

Binuksan niya ang mga mata. Napatuwid siya ng upo. Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta nakaramdam siya nang matinding hilo kanina.

"How are you feeling?" may pag-aalalang tanong sa kanya ni Derek.  He is  leaning towards her. 

Binasa niya ang mga labi. Naka-park sila sa tapat ng isang kilalang  hotel. "M-medyo nahihilo pa ako . Gaano ako katagal nawalan ng malay?" kunot ang noong tanong niya.

"Just  for a few minutes. Long enough for me to drive here. I think you're stressed and pressured  but you don't  recognize it that's why you passed out."

She shook her head. "H-hindi ko alam."

"Anyway kaya mo  bang bumaba? We can get inside the hotel now. I settled everything through phone. Ayaw kitang iwanan ditong mag-isa."

Tumango siya. Umibis ito ng sasakyan at maingat siyang inalalayan sa pagbaba.

"I-it's okay. Kaya ko nam-!" 

He wrapped one of his  arms around her and his other hand  held hers," I got you! Just trust me okay? Let me hold you.  Anyway sa first floor lang naman tayo.  It's either alalayan kita ng ganito o bubuhatin kita."

Napalunok na lang siya at tumango. The first one is the lesser of the two evils. Pinilit niyang hindi isandal ang gilid ng ulo sa dibdib nito habang naglakad sila papasok sa entrance. Laking pasalamat niya na walang masyadong tao sa lobby. Iniupo muna siya ni Derek sa sofa para kunin ang susi. May kaunting hilo pa siyang nararamdaman.

***

"Pwede mo na akong iwanan. Salamat," sabi niya nang makapasok sila sa loob. May maliit na sala ang silid at may malaking kama malapit sa bintana.

Inilayo  niya ang katawan dito. With hesitation, he let her go. Pero imbes umalis ito, when he was sure that she was okay,  he walked to the room and closed the curtains.  Nag-ingay ang message alert tone ng telepono nito. He took it out of his pocket. 

"I ordered food from a good restaurant.  Kukunin ko lang sa ibaba."

"You didn't have to. Kaya ko namang mag-order. Masyado na kitang naabala," may tipid na ngiti na sabi niya. Ayaw niyang maging bastos pero gustong-gusto na niyang mapag-isa.

"No trouble Kim. I consider today as my lucky day. I know that I will never have this chance again," seryosong sabi nito pero ngumiti uli ito, "I'll be back in a second."

Tumango na lang siya at lumayo sa pintuan para  bigyang daan ito. When he was inches away  from her, he halted. Akala niya may sasabihin ito pero  huminga lang ito ng malalim bago tumango din sa kanya.

Hugging herself she advanced to the room. Sana lang hindi na magtagal ito mamaya. Hopefully he ordered food only for her. Napalingon siya nang makarinig siya ng malutong na mura sabay ng tunog ng malakas na suntok ni Thomas  sa mukha ni Derek.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now