Chapter 5

11.7K 396 22
                                    


Alam niya na kaya niyang labanan ang kaguwapuhan ni Thomas. At  dahil likas na mataas ang pride niya, papatunayan niya sa sarili na ang isang kagaya niya na hindi sanay sa mundo ng kagaya ng lalaking 'yon  ay maaari rin namang mag-fit in  kung kinakailangan and who knows? Baka mahulog pa ang loob nito sa kanya.

"Pero gugustuhin ko bang mangyari 'yon?" tanong niya sa sarili.

Naghahanda siya para sa first official date with Thomas.  Nakabihis na siya pero tila tinatamad siyang tumayo mula sa gilid ng kama. Kitang-kita niya ang reflection niya sa salamin. Naka-itim na short sleeves blouse siya na tinernuhan ng itim  na pantalon. Kulay itim din ang katam-tamang taas ng heels na nabili niya dati pa sa ukay-ukay. Halos wala siyang make-up dahil malagkit ang pakiramdam niya kapag naglalagay siya ng foundation. Tanging press powder lang na bagay sa morenang kagaya niya ang gamit niya. Nude ang kulay ng lipstick niya. Hindi na niya kailangan ng eyebrow pencil dahil likas na maganda ang mga kilay niya.

"May lakad na naman kayo ni Ryan?"

Hindi man siya lumingon, ramdam niya na nakakunot ang noo ng nanay niya. Alam naman kasi niya na kung ito ang masusunod, mayaman ang gusto nitong maging unang nobyo niya. Huminga muna siya ng malalim bago umiling at tumayo.

"Wala po 'nay. Sila  Ellen at Tita Linda po ang kikitain ko.  May kakausapin po si Tita Linda  na  malaking kliyente ng spa," pagsisinungaling niya.

Ayaw niyang malaman ng ina ang tungkol kay Thomas Herrera. At lalo naman hindi niya gustong makilala ito ng nanay niya dahil baka ibuyo siya nito sa lalake. Ang mga tipo ni Thomas ang gustong-gusto ng ina para sa kanya.

"Lalake ba 'yan? Baka 'yan na ang swerte mo Kim. Huwag mong papalampasin ang oportunidad. Sayang ang ganda mo anak. Hindi ka nga bagay sa lugar na ito..."

"Kailangan ko na pong umalis 'nay. Naghihintay na sila sa akin," pagpaalam niya para lang matigil na ang litanya nito.

Matapos magpaalam, dali-dali na siyang lumabas. Hindi na niya gusto na mas marami pang itanong ang ina. Mabilis ang mga hakbang niya. Ayaw niyang tumingin sa kaliwa o kanan niya. Ramdam niya na sa kanya lahat nakatingin ang mga dinadaanan niya.

"Wow Kim! Ang ganda-ganda mo naman! Saan ka ba pupunta ha?" dinig niyang tanong ng babae.

Kahit hindi niya ito tignan alam niya na si Maritess ito. Ang reyna ng mga tsismosa sa lugar nila.

"Diyan lang," maiksing sagot niya habang patuloy lang sa paglalakad. Mas binilisan niya ang  mga hakbang.

"Naku mukhang may date ka! Galingan mo ha?  Dapat mayaman para matuwa si Aling Carmen sa'yo!" pahabol pa na sabi nito.

Bumuntung -hininga na lang siya. Ano pa ba ang aasahan niya na sasabihin nito? Lakad takbo na ang ginawa niya at hindi na niya inalintana na baka maputol ang takong ng mumurahin niyang sapatos. Pasensiya si Thomas Hererra kung hindi pumasa  dito ang porma niya. Nakahinga siya ng maluwag nang matanaw ang  puting kotse na sinabi nito na susundo sa kanya.  Nakaparada ito sa tapat ng kilalang convenience store na nasa kanto nila. Tama naman  ang plate number. Ilang metro na lang ang layo nito sa kanya kaya medyo binagalan na lang niya ang lakad. Baka isipin pa ng driver ng lalaking 'yon na excited siya. Mahirap na at baka sabihin pa sa amo nito.

"Ate!" 

"Wesley hindi ba bawal ka pang mag-basketball?" kunot ang noong tanong sa kapatid.

Ngumiti ito ng malapad na kagaya ng dalawang kasama nitong mga kaibigan. Pawis na pawis ang mga ito pero hindi maikakaila na ang kapatid ang pinaka-guwapo sa kanila at pinakamatangkad.

"Okay na ako ate. Wala naman akong pilay.  Saan ang lakad?" ito naman ang kumunot ang noo.

"Para kang artista Ate Kim!" komento ni Boknoy na sinegundahan naman ni Anton.

Naikot niya ang mga mata, "Wala akong dalang perang pang-fishball niyo," natatawang sabi  niya.

"Darling!" 

Sabay-sabay silang napatingin sa matigas na boses. Napaawang  ang bibig ng tatlong teenager habang siya naman medyo naningkit ang mga mata nang makita  ang matigas na expression ng mukha ni Thomas. Hindi lang nga talaga patas ang mundo dahil kahit mukhang  umuusok ang bumbunan nito, na hindi niya alam kung bakit, hindi maikakaila na napakalakas  talaga ng dating nito. Naka dark gray na crew neck t-shirt lang ito pero alam niyang mamahalin dahil sa berdeng buwaya na nasa kaliwang bahagi ng suot nito. Halata rin na malaki nga ang katawan kahit nakadamit pa ito. Ang itim na pantalon naman na suot nito, hinuhubog ang mahahaba at malamang maskulado ding mga hita at binti. Gusto niyang maikot ang mga mata nang marinig ang dapat sana ay bulong ni Boknoy kay Anton.

"Tol ganda ng kicks! Balenciaga!"

Gusto niyang samaan ng tingin ang mga ito pero nagpigil siya. Hindi naman niya masisi ang mga binata na mamangha sa mapormang lalake na ito na sa kasamaang palad ay talaga namang napakatikas at guwapo kahit may kasamaan ang  pag-uugali. Nagkunwari siyang naubo at umasa na hindi narinig ni Thomas. With her brightest toothpaste smile she faced him again.

"Akala ko ang driver mo ang susundo sa akin?" tanong niya  habang nakangiti pa rin.

Naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa kapatid niya. Ilang segundo na tumagal ang tingin nito kay Wesley at sa mga kaibigan ng kapatid. Kung hindi lang siya nakakaramdam ng inis, matatawa siya sa mga hitsura nila Boknoy at Anton. Nagmistulang mga sakristan ito  na tila  kay babait. Si Wesley naman, hindi mabasa ang mukha  na nakatingin lang kay Thomas. Biglang naging proud siya sa kapatid dahil hindi ito mukhang intimidated  sa kaharap.

"I changed my mind," sabi ni Thomas sa malamig na boses  matapos ibalik ang mga mata sa kanya. Inilahad nito  ang kamay, "We better go."

 From her peripheral view, napansin niya  na may mga usisera na nagtipon-tipon sa hindi kalayuan. At  sigurado siya na si Maritess ang pasimuno kaya imbes na ibigay ang kamay dito, tumango na lang siya.

"Sige tara na," sabi na lang niya bago tapunan ng sulyap ang kapatid, " uwi na kayo ha? Huwag  kung saan-saan pa pupunta," paalala niya kay  Wesley bago inumpisahang maglakad papunta sa sasakyan ni Thomas.

Parang sasakit ang ulo niya. Ito ang pinakaiiwasan niya sanang mangyari. Nabalewala lahat ng effort niya.  Kilala niya ang kapatid, hindi ito magsasabi sa ina nila. Si Maritess ang magdadala ng balita sa nanay niya sa mga nangyari ngayon. Bumabangon na lalo ang inis niya kay Thomas Herrera. Kung hindi ito bumaba sa mamahaling kotse nito, walang ganitong eksena. Nagpatiuna siya sa paglalakad. Kumunot ang noo niya at  napatigil siya nang maramdaman na  hindi ito  nakasunod sa kanya. Nilingon niya ito at napaawang ang bibig niya nang marinig ang sinabi nito sa tatlo.

"Steer clear of Kim. You won't like what I will do if you won't," sabi nito sa galit na boses bago pumihit para sumunod sa kanya.

Kunot ang noo na tinignan niya ang lukot na lukot na guwapong mukha nito pero bago pa siya makapagsalita, kinuha nito ang braso niya at hinila siya.

"Ano bang problema mo?" inis na tanong niya pero hindi siya nagtangkang kumawala dahil mas madadagdagan ang ikukwento ng mga tsismosa sa nanay niya. 

Mamaya sa loob ng  kotse siya babawi sa hambog at tila may saltik na sosyalerong lalake na ito. Nagpakawala siya ng galit na ungol nang halos itulak siya nito sa loob ng sasakyan bago malakas na isinarado ang pintuan  kaya napapikit siya sa gulat. Namumuro na kanina pa sa kanya ito at talagang makakatikim ito ng maanghang na salita sa kanya.  Pero halos mapaangat ang pangupo niya nang galit na pumasok ito sa kotse habang nakatiimbagang na nakatingin sa kanya. Ipinilig niya ang ulo. Kailangan niyang pagsabihan ito sa mga pinaggagawa at pinagsasabi nito sa kapatid at sa mga barkada nito. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at umayos siya ng upo at sinamaan niya ito ng tingin.

"Hoy lalake...hmp!"

Kinabig nito ang batok niya at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.



Branding My Minx (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ