Chapter 29

7.6K 303 21
                                    


"N-nasisiraan ka na ba talaga?" pumiyok ang boses na tanong niya.

Kailan kaya matatapos ang mga nakakagulat na pinaggagagawa ng lalaking ito? manghang na tanong niya sa sarili. 

Nakakainis madalas ito at nakakamangha rin. Hindi niya alam kailan niya totally mauunawaan kung sino at ano talaga si Thomas Herrera. Naramdamanan niya ang malamig na dingding sa likod niya. Hindi niya namalayan na  napaatras pala siya at ngayon nga  ay nakalapat na ang kanyang likuran sa malamig na pader. In awe, she watched as he took off his shirt after carelessly putting his bag on the foot of  her bed. Inihagis nito  ang pang-itaas  sa  maliit na lamesa sa gilid ng kama niya habang hindi nito iniaalis ang mga mata sa kanya. His lips are a thin line. Siya naman, halos nakakuyom na ang kamay na  nakahawak sa twalya. The beast's magnificent torso is now bare. Kumunot ang noo niya nang mapansin na may tattoo pala ito sa dibdib na ikinakunot ng noo niya. Wala ito  dati.  Kanji characters ang nasa ilalim ng ulo ng tigre na naka-tatoo sa kaliwang dibdib  nito.

"So was I right? Kausap mo ang boss mo?!" malamig na tanong nito kaya napaangat uli ang mga mata niya sa galit na mukha nito.

Binasa niya muna ang mga labi. "I had to apologize to him. You didn't  let me go back to the office remember?"  naniningkit ang mga mata na paalala niya.

Hindi ito sumagot pero mas lalong dumilim ang mukha nito. Ang sunod na hinubad naman nito ay ang pantalon. 

"A-at bakit ka naghuhubad? Hindi ka pwedeng matulog dito!" sa wakas ay naisatinig niya ang kanina  pa niya gustong sabihin bago siya panandaliang nawala sa sarili sa pagsulpot nito at sa tattoo nito. Inialis niya ang mga mata dito.  Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"You will be seeing a lot of me and my body darling so better get used to it. We are both tired so I don't want an argument. We'll talk about your boss tomorrow. Magbihis ka na. Don't worry I won't  touch you unless you want me to. Gusto ko lang matulog.  You have given me sleepless nights," tila pagod na sabi nito.

Narinig niya na ibinagsak nito ang katawan sa kama niya. Naghintay siya ng ilang sandali bago  siya tumingin uli sa direksyon ng kama. She couldn't help staring at Thomas' body on her bed. Mukha ngang pagod ito dahil nakapikit na ang mga mata nito. Pinigilan niya ang sarili na maawa dito dahil sa sinabi nito na siya ang dahilan kaya ilang gabi raw itong puyat.

Huwag mong sabihing naniniwala ka?  tanong niya sa sarili.

Umiling siya at nagpawala ng malalim na hininga. She doesn't believe him of course pero hahayaan lang niyang matulog ito kahit ang kapal  lang talaga ng  mukha nito para  imbitahin na naman ang sarili sa unit niya at  ngayon pati sa kama niya. Pero hindi naman siya masamang tao para ipagkait ang higaan niya. She  walked to her closet and took her pajamas out. Sa sala na lang siya matutulog.

***

Halos limang-daang  puting  tupa na  ang nabilang niya pero hindi pa rin siya dalawin ng antok.  She wants her bed and pillows dahil hindi siya  comfortable sa  sofa.  Ilang sandali pa siyang nag-isip  bago nagdesisyon na bumalik sa kwarto niya. Dahan-dahan na binuksan niya ang pintuan. Dahil may  night light, kita niya ang mahimbing na pagtulog ng  magaling na  lalake. Hindi niya mapigilang hindi tignan ang kalmadong pagtaas baba ng matipunong dibdib nito Mas bumaba pa ang paglandas ng tingin niya sa six-pack nito.  Mabilis na ibinalik niya ang mga mata paitaas sa mukha nito nang mapansin ang nakaumbok na bagay sa boxer shorts nito. She clenched her  teeth. Pasalamat pa siya na hindi naka-briefs ito but the mere fact that she saw his  what seems like a  monstrous bulge was enough to set her on edge. Nagdalawang isip tuloy siya sa balak na pagtulog sa tabi nito. She shook her head and heaved a sigh.  Kailangan niyang magpahinga at mukha namang sa sarap ng tulog nito, bukas na ng umaga ang gising nito. Aagahan na lang niya ang  bangon  bukas para maunahan ito. Nagpasalamat siya na   hindi  nito sinakop ang buong kama. He was just on one side which she found surprising. Ramdam niya na sanay ito sa napakalaking higaan. She shook her head to clear it.  May tamang distansiya sa pagitan nila kaya pwede siyang maglagay ng unan para magsilbing harang.  Maingat na isinarado niya uli ang pintuan at naglakad papunta sa kama. Isa pang malalim na paghinga bago siya maingat na  humiga na rin.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now