Chapter 27

7.8K 301 16
                                    


Thomas walked to them. Ramdam ni Kim na tila napako siya sa kinatatayuan niya. Mesmerized, she watched as he moves to their direction and they both kept the eye contact. Napakurap siya nang dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya.

"Darling..." he murmured after the quick and light kiss, loud enough for every one to hear.

Tumikhim si Ric na nasa likod niya kaya lumayo siya ng bahagya kay Thomas. She also cleared her throat and sported a small smile before turning to her boss for a second. 

"I was disappointed I couldn't see you again last night after my meeting darling," sabi ni Thomas.

Magsasalita sana siya pero naunahan siya ni Ric.

"Kakain dapat   kami ni Kim ng almusal  but you can join us, Mr. Hererra."

Hinila ni Thomas ang kamay niya na ikinagulat niya.

"I reserved a table for us darling," pagpapatuloy nito na para bang hindi nito narinig ang imbitasyon ni Ric.

Binasa niya ang mga labi, "A-ano kasi..."

"We can all have breakfast together. Wala namang problema..."

"No! I want to be alone with my fiancee!" malamig na sabi ni Thomas bago siya nito   hinila.

Hindi niya alam kung magsasalita siya para umangal o hindi. Kung papalag siya o hahayaan na lang niya ang paghila sa kanya ni Thomas.  Nakaawang ang mga bibig ng ilan at  ang iba naman nanlalaki ang mga mata habang pinapanuod silang  palabas ng opisina. Kinalma niya ang sarili na pumalag dahil hindi mapipigilan ito  kahit magwala siya bagkus ay ipapahiya lang niya ang sarili niya.  She can be bitchy with him when they are alone but not here and not now.

Pero araw-araw napapabilib talaga siya nito. Kagaya ngayon na nasa labas na sila. Alam sigurado nito na tatalasan niya ito ng dila dahil silang dalawa na lang kaya kahit ramdam niya ang tensiyon sa katawan nito, surprisingly  hindi siya nito marahas na isinakay sa  loob ng kotse. He opened the door for her though he told her to get inside in  a voice as cold as an iceberg. Hindi na siya nagpa-bebe at sumakay na lamang siya.  Bago nito isinarado ang pintuan, iniabot nito ang kahon ng tsokolate at mga bulaklak pero wala ni isang salita siyang narinig dito kaya hindi rin siya nagpasalamat.  Mr. Herrera is pissed but he's  trying to manage his anger.  Pinigilan niyang hindi mapangiti. Wala na siyang pakialam kung  nagpapanggap itong  mabait at sweet sa kanya . Ang importante,  naisahan na naman niya ito kagabi kahit gaano pa ito katinik. Hindi man niya inexpect ang pagsulpot nito ngayon, mas dapat ihanda niya talaga ang sarili sa kung ano pa ang mga balak nito.

Huminga siya ng malalim at inilagay ang kahon at mga bulaklak sa kadungan niya  bago  tahimik lang na tumingin  sa  labas ng bintana.  Gusto  sana niyang pagsabihan ito sa magaspang na ugaling pinakita nito kanina kay Ric, but then again, wala din namang patutunguhan kasi nangyari na. Magsasayang lang siya ng laway.

***

"Is that all you want darling?" tanong sa kanya ni Thomas.

Tumango  lang siya habang iniikot ang mata sa lugar na pinagdalhan nito sa kanya. The cafe is cozy . Madaming tao  pero pinili ni Thomas ang lamesa na malayo sa iba. The elegant divider partially hides them from the other customers. 

"We'll just call you if we want anything else,  thank you," sabi nito sa waitress na halos hindi maialis ang mga mata dito. 

She  rolled her eyes and wished that the woman  got all their orders because she looks mesmerized as she stared at him. 

"Gutom na ako,"  pilit ang ngiting sabi niya  kay Thomas  nang hindi pa din  umaalis ang waitress sa kinatatayuan nito.

Kung hindi pa nagsalita uli ang magaling na lalake, hindi babalik sa totoong mundo ang tila naglakbay na isip ng babae. She sat more comfortably with her eyes narrowed when the  smitten female server  hesitantly left. Napaka-gandang pagkakataon  na   isa sa mga plano niya para inisin si Thomas ang maisasakatuparan niya . Sinadya niyang humalikipkip habang nakatingin dito.

He furrowed his brows and leaned on his seat. "What is it darling?"

"Palagi ka ba dito?" inis na tanong niya na mas lalong ikinakunot ng noo nito.

"This is my first time here. Why?"

"Talaga lang ha?"

He sighed and raked his is fingers through his hair. "Get to the point darling. What are you implying?"

"Mukhang may crush sa'yo ang kumuha ng order natin!"

Nawala ang kunot ng noo nito and an amused smile broke his lips. "Darling wala akong kontrol sa damdamin ng ibang tao."

"I think you enjoy the attention," malamig na sabi niya. He chuckled but shook his head.  "Must I remind you how possessive you are? Well I have great news darling, I'm your female version and I can make scenes like you when I'm provoked," banta niya. 

She stifled a smile when his grin disappeared. Naging seryoso ang mukha nito.

"No one is provoking you. Ikaw lang ang nag-iisip ng kung ano-ano," he said in a chilly voice.

"Napansin mo ba na lahat ng  pagkain sa menu inalok niya sa'yo?  Ni minsan hindi man lang siya tumingin sa akin. When you asked me  what I want to eat she didn't even throw me a glance! Akala niya siguro type mo siya dahil kanina may lumapit na sa atin na waiter pero pinaalis mo at ang babae na 'yon ang tinawag mo!"  sumbat niya.

"Get used to it!  You will not be served by any male waiters from now on!" 

That left her speechless and before she can regain her composure, nagsalita uli ito matapos umalis sa pagkakasandal at kunin ang mga kamay niya na nasa lamesa. His face relaxed.

"It's too early to squabble darling so let's stop this. Sorry if I'm overly possessive but believe it or not, I don't like jealous women. Besides hindi ka dapat magselos. You are my only one.   Gusto kong makasama kita ngayong maghapon. I  want to make up for last night," he said in that bedroom voice of his. He was looking at her intently.

Kung ibang babae lang siya , paniguradong kikiligin siya sa ibang sinabi nito. Pero isa lang ang nag-register ng maige sa utak niya. Hindi nito gusto ang selosang gilfriend. Ngumiti siya.

"That's so sweet darling but I can't. May meeting kami ng boss ko."

"He can handle it himself. I let you get  your way last night so I want you with me the whole day today," he said firmly and confidently.

"You can't make decisions for me especially regarding  my job," angal niya.

Hindi siya sinagot nito. Hinalikan nito ang mga palad niya nang hindi iniaalis ang mga mata sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng init.

"Don't make things difficult for us  darling. Galit ako na hindi mo ginawa ang sinabi ko kagabi. I couldn't contact you but I kept my cool cause I didn't  want the situation to get worse.  Alam ko na hindi ka  natulog sa unit mo dahil nag-check in ka sa hotel kung saan tayo nagkita.  I could have barged into your room but I didn't because I didn't want you to be angrier.  I know you did all those  to spite me because you wanted revenge"

Nagtagis ang mga bagang niya. Akala niya naisahan niya ito. Siya pa ngayon ang magmukhang tanga. Lahat talaga posible sa tusong lalake na ito.

"Iba talaga ang nagagawa ng pera," she said and  she couldn't help sounding sarcastic.

His lips twitched to one side. "You bring  out the worst  in me darling kaya kahit ano kaya kong gawin.  Forget what I did  in the past so we can move forward but we  can only do that if you'll really give me your forgiveness. Huwag mo na akong pahirapan pa. I swear that I  will not stop showing you how I regret doing what I did to you before. I'm opening my heart to you now.  I can't function well without you.   I really fell hard  for you  my lovely minx," he suddenly confessed.








Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now