Chapter 25

8.1K 333 31
                                    

She wanted to hit his back but of course she didn't. Hindi siya amasona. Makakabawi siya sa lalaking ito nang hindi gumagamit ng dahas.  Marahil dala na rin ng gulat, walang silang boses na narinig  mula  kay Pete at sa babaing kasama  ng magaling na lalake para awatin ito. Hinayaan niyang ilayo siya nito nang hindi man lang  nanlaban  o nagprotesta. Nagulat siya nang ibaba naman siya nito nang may pag-iingat. Nasa harapan sila ng isang malaking pintuan. She raised a brow at him as he looked at her with angry eyes. He was breathing in small gasps. Sigurado siya na hindi 'yon  dahil nahirapan ito sa pagbubuhat sa kanya. Her weight was nothing to his rippled  body. He was seething and she was positive about that.

"Who the f*ck was that and  why the hell are you with him?  Explain to me what you just said back there!" he asked gritting his teeth.

"What did I say?" painosenteng tanong niya.

Nagmura ito ng mahina. Halatang pigil na pigil ang galit nito.

"Don't you dare play games with me darling! You know damn well what  I'm  talking about!" he rasped.

"Have you checked your blood pressure this morning? Baka wala kang tulog  kagabi kaya ang taas ng dugo mo. " malumanay na sabi niya.

He clenched his jaw and pulled her to him. " I'm capable of  slaying   that trash you were with..." banta nito and she believed him.

Pasimple siyang lumunok at pinilit na ilayo ang katawan dito. Laking pasalamat niya nang pinakawalan naman siya nito. Hindi niya gustong may mangyaring  masama kay Pete. Hindi man siya takot na may gawin ito sa kanya, natatakot siya para sa kaibigan. Nagsisisi tuloy siya sa ginawa niya kanina pero sinalubong pa rin niya ang mga mata nito. Hindi kailanman makikita ng lalaking ito na masisindak siya nito.

"Hindi ba  ikaw ang may dapat  ipaliwanag?  Why all of a sudden you turn into a caveman  and started acting  and talking as if you own me?" tanong niya sa mababang boses.

"You are mine and  you are my girlfriend!"  he hissed and moved closer to her though he didn't attempt to touch her. His nostrils were flaring.

Itinaas niya ang isang kilay as she raised her face to him. " Hindi porke naging nobya mo ako, pag-aari mo na ako. Besides, you don't even treat me like a girlfriend. You stood  me up  this morning and you come to this hotel with a woman? Sana man lang sinabihan mo ako  na may iba ka palang gustong gawin para hindi akong naghintay sa wala. I wasted my morning."  

Natigilan ito sa sinabi niya. Kumunot ang noo nito na tila ba iniaabsorb ang  lahat. She grabbed the chance to  get away from him. Pero kakatalikod pa lang niya nang hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya. 

"Darling!" tawag nito bago siya hinila pabalik. Hesitantly she let him pull her to him. Hindi siya kailanman gagaya dito. She won't act violently because her ways would be different. "It's not what you think," dagdag nito.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si William. Kunot na kunot ang noo nito na palipat-lipat ang  mga mata sa kanila. Siya lang ang nakatingin dito dahil tutok na tutok sa kanya ang mga mata ni Thomas.

"Bro 'asan si Chelsea?" tanong nito sa kapatid  matapos ngumiti at bumati sa kanya.

As if on cue, sumulpot  naman ang babaing kasama ni Thomas kanina.

"Thomas what on earth happened?" nakasimangot na tanong nito pero umaliwalas ang mukha nito ng makita si William. " Oh hi babe! I'm so glad you are already here! Your brother just left me at the lobby!" she complained.

Napaawang nang bahagya ang bibig niya nang marinig na tinawag  din nito ng "babe" si William. 

Sinalubong naman ito ni William at inalo bago sinabi sa kapatid,  " Bro on the way na daw si Mr. Chen. Papasok na muna kami, sumunod ka na lang agad to check everything.  Sige Kim iwan muna namin kayo but don't hold my brother for too long, " nakangiting sabi nito sa kanya a tumango naman siya.

Pero bago pa sila pumasok, tinignan siya ni Chelsea. "By the way Pete asked me to tell you that he'll meet you tomorrow morning at the lobby. About 9 a.m."

Kitang-kita niyang napangiwi si William at tumango  uli sa kanya  bago nito iginiya sa loob ng silid si Chelsea.

Thomas stiffened.  Pagkasarado ng pintuan, he cursed and his hold on her hand tightened.

"So that *sshole want a piece of me huh?! Sino ang gagong 'yon?! Bakit kayo magkasama?!" galit na tanong nito.Hindi nito pwedeng itanong kung ito ang kausap ni Kim sa telepono kaninang umaga kahit kating-kati na itong malaman ang totoo.

Pasimple siyang  napalunok. Mukhang hindi  naman babae ni Thomas si Chelsea. At taliwas sa akala niya na mag-checheck in  ang mga ito, tila may malaking meeting ang mga ito. Obviously modelo ito ng Herrera Modeling Agency. Siya  pa  tuloy ngayon ang dapat mag-isip para kalmahin si Thomas kung ayaw niyang masaktan nito  ang walang kamalay-malay na si Pete. Sigurado siya na iniisip nito na ang lalake  ang kausap niya kanina sa telepono kaya galit na galit ito. Napasinghap siya nang bigla siyang isandal  ni Thomas sa dingding pero may pag-iingat naman.  He tilted her chin. Ramdam niya na pigil nito ang sarili pero kaunting-kaunti na lang sasabog na ito.

"Don't tell me you are f*cking with me darling. I will  never hit a woman but at this point, I can do very very bad things to you and those don't include hitting!"  he hissed.

She didn't even blink though she was having goosebumps with what he said and the way he said it. Kapag nagpakita siya ng kahinaan dito, magte-take advantage ito.

Sa kalmadong boses sinabi niya, "Kaibigan ko siya. Nagtext siya kanina  na magkita kami dito . Wala sana akong balak lumabas kaso ano namang gagawin ko sa bahay? Buong umaga akong naghintay sa'yo  kaya naisip ko na kitain ko na sila.  Kasama niya ang live-in partner niya at naka-check in sila dito. Inaya ko siyang umakyat kanina dahil naghihintay na sa amin  si Jessie," pagsisinungaling niya.

Walang bakas ng kaba o guilt ang boses niya kaya gustong niyang icongratulate ang sarili. Lying is bad but with this man, it is a much needed skill which can be use as a weapon against him. Walang emosyon ang mukha niya habang naghihintay siya sa sasabihin pa nito. His face was impossible to read. Wala na ang galit pero ayaw pa rin niyang maging kampante.  Tila  nagiisip pa ito ng magandang sasabihin.   His sinfully handsome face was  now just an inch from hers as he lowered his head. Hindi niya mapigilang mapapikit nang ilang sandali nang maamoy niya ang mabangong hininga nito. His breath smells like mint. Nagbukas lang uli siya ng mga mata nang sa wakas magsalita na ito.

"It took me a while to realize how important you are to me. It wasn't easy for me to ask you to become my girlfriend since I have never asked any woman  until you. I never want to lose you again darling so I did what I thought was the best.  I don't want to scare you but you have to accept the fact that   I will  never share you. You don't want to see  me furious darling. Now that  you are mine, you can't  talk to any mother f*cker with or without me! Kung ayaw mong magbasag ako ng mukha ng mga basurang nasa paligid mo,  alam mo na ang dapat mong gawin.  I swear that I will hurt any jack*ss who will dare come close to you and remember this darling, I  never break a promise," sabi nito sa seryosong boses.

"Sabi mo bawal akong makipag-usap sa lalake? Paano naman ang boss ko at ang mga lalaking kliyente namin?" manghang tanong niya.

His eyes narrowed. " I'm glad you opened that. Very soon babalik tayo sa Maynila but you will resign before that. I'm just waiting for the right time since I don't want to make my mother angry."

"What? Hindi mo pwedeng kontrolin ang buhay ko! Boyfriend lang kita!" angal niya.

May sasabihin pa sana siya pero bigla siya nitong binitawan at lumayo ito ng bahagya sa kanya. His lips were a thin line and his eyes were glinting. 

"Kahapon lang tayo totoong naging magnobyo baka nakakalimutan mo," paalala niya dito.

He was just staring at her for a few seconds before he made a small movement and  to  her suprise, a grin broke  his lips.  

"I guess we have to get married then. I will arrange everything quickly. Buying this was a good decision after all," he drawled.

Her mouth opened when he took a small velvet blue box from his pocket.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now