Chapter 40

6.5K 233 11
                                    


"No!" he said in   clipped tone.

Nag-attempt uli ito na hawakan siya pero mabilis ang kilos niya. She moved two steps back.  Sinamaan niya rin ito ng tingin.

"Kung ayaw mo mas mabuti pang umuwi na lang ako!"

Naningkit ang mga mata nito pero hindi na ulit ito nagsalita. Sa nakasimangot na mukha, inilahad nito ang braso para paunahin siya sa paglalakad.

"Husbands should always walk either next to their wives or behind them. Obviously, the latter is more appropriate today," sarkastikong sabi nito na hindi na lang niya pinansin dahil hindi naman lahat  ng laban perpektong napapanalo. 

Inihanda na niya ang sarili na sila ang magiging pokus ng pansin ng lahat.  She readied a smile that she's planning to keep until they are behind closed doors. Ngumiti ang guard sa kanya at bumati naman ito  ng magandang umaga kay Thomas. Nagpasalamat siya na walang ibang tao sa unang palapag kung nasaan ang mga elevator. Hinayaan niyang si Thomas ang pumindot ng button. Inestimate na nga niya ang tamang layo sa pagitan nila pero sinadya pa rin nito na idikit ang matipunong dibdib sa balikat niya. She threw him an angry glance and moved away from him. Nakangisi lang ito na umiling-iling. Ibinalik niya ang ngiti sa labi bago pa bumukas ang pintuan. May dalawang empleyada ang nasa loob at halata ang gulat sa mga mata ng mga ito nang makita siya kasama ang boss.

"Good morning sir." sabay na bati ng mga ito.

Gumanting bati naman ito bago sabihin, "She's  Kim. She will be partly in-charge of the HR for the moment."

Sa kanya naman bumati ang mga ito kaya tumango siya at ngumiti ng mas malapad.  Mabilis na lumabas ang mga  ito ng elevator habang diniinan naman ni Thomas ang button para hindi sila mapagsaraduhan.

"Have a good day po  sir and Miss Kim, " paalam ng mas matangkad habang ang isa naman para lang naka-glue ang mga mata kay Thomas. 

Kinailangan pa itong hilahin sa kamay ng kasama nito bago  sila tuluyang makaalis. Napailing na lang siya at pumasok na sa elevator. Kaagad na pinush ni Thomas ang 3rd floor.  Nang maglapat ang mga pintuan, nilingon siya nito pero deretso lang ang mga mata niya sa pintuan. 

"I don't know how long  I can tolerate this stupid idea you have darling," malamig na sabi nito.

"Don't underestimate yourself . You'd be surprised in what you can do especially if we will both benefit from this."

Kahit hindi niya ito nakikita, sigurado siya na naningkit ang mga mata nito at  tumiimbagang.

"Could you enlighten me more my wife? " bakas sa tono nito ang inis at kuryosidad din.

"Just trust the process and  stop calling me that. Use my name to address me," pasimple siyang tumingin sa CCTV camera na nasa itaas na bahagi sa kaliwa ng elevator.

"That doesn't record audio," he remarked in a dry voice.

Nagpasalamat siya nang bumukas na ang pintuan kaya wala nang nagawa ito. Mabuti na  lang at hindi ito gumawa ng hindi naayon dahil may camera na nakatutok sa kanila. Kagaya kanina, ipinakilala siya nito sa mga empleyado.  Ang mukhang natuwa lang na makilala siya ay si Doris na malamang   ay nasa idad kwarenta. Ang dalawang mas bata ang medyo hindi maganda ang ngiti nang ipakiala siya ni Thomas. Hindi na lang niya pinansin ito. 

 Iginala niya ang mga mata sa loob ng  opisina nito pagkasarado ng pintuan.  Wala namang  nagbago sa  dating ayos nito.  Nagulat siya nang hinila siya nito . Napasinghap siya nang tumama ang dibdib niya sa maskuladong katawan nito.

He has a naughty grin as he framed her face to raise it. "You can decide where you want your table my wife. Ipapaakyat ko mamaya."

Kumunot ang noo niya, "Dito ako kasama mo?" 

Branding My Minx (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang