Chapter 41

5.8K 238 16
                                    

Naikuyom niya ang mga palad. Wala talagang sinasayang na oras ang nanay niya. Mabilis siyang naglakad sa kaliwang bahagi ng Herrera building, malayo sa guwardiya. Ayaw niyang marinig nito ang pag-uusap nila ng ina.

"Anak mo ba talaga ako 'nay?" 

 Sa dami ng sama ng loob  na matagal niyang kinikimkim, hindi na niya maiwasang hindi itanong 'yon. Tumahimik ang kabilang linya. 

Pigil ang luhang sinabi pa niya, "Wala kasing ina na kayang gawin ang ganito sa anak."

"Nagka-asawa ka lang ng mayaman naging ganyan ka na! Wala ka na talagang respeto sa akin at naging mapagmataas ka pa! Ikaw rin ang nagtulak sa akin para sabihin ko'yon!  Huwag mo rin akong sisihin kung may mga gagawin ako laban sa'yo dahil hindi ka dapat nagiging maramot sa taong nagpalaki sayo!" sumbat nito.

"Pero anak mo ako 'nay! Obligasyon mo 'yon bilang ina!"

"Hindi kita anak!"

Tila nanigas ang buo niyang katawan sa narinig. Bago pa siya makapag-salita, binabaan na siya ng telepono nito at may biglang yumakap sa kanya.

"Kim!"

Napamulagat siya nang makita si Shaira. Nagyakapan sila.Tuwang-tuwa ito habang siya naman naiyak. Noong una akala siguro nito iyak lang ng kaligayahan pero nang lumaon napansin na nito na iba ang pinaghuhugutan niya ng  pag-iyak. Inilayo siya nito para tignan siya habang impit ang pag-hikbi niya.

"Hoy napa'no ka?" tanong nito sa nag-aalalang boses.

Umiling siya bago pinunasan ng likod ng kamay niya ang luha sa mga pisngi. "Wala masaya lang ako na makita ka," pagsisinungaling niya. 

"Asus! Kilala kita Kim! Tigil-tigilan mo nga  ang pagpapanggap mo  na 'yan!  Para naman hindi ako ito hello?! Napano ka nga? Huwag mong sabihin na kakakasal niyo lang, nagloloko na 'yang mayaman at yummy pero lahi ng mga babaero na asawa mo!"

Nakalimutan niya ang pag-uusap nila ng ina dahil natawa talaga siya. 

"Mukhang ikaw ang mas kailangang sumagot sa  mga tanong ko! Saan naman nanggaling ang huling sinabi mo? Bakit ka nga nandito? Alam mo bang pupunta ako ngayon dito?" sunod-sunod na tanong niya.

Inikot nito ang mga mata. "Hindi ba kapatid niya si William Herrera? Ang hari ng mga mambobola at  babaero?  Natural magkapatid kaya siyempre  nasa dugo nila 'yan!"

"Wait lang ha? Do you mean nakaisa si William sa'yo? Oh my God Shaira! Hindi ba ikaw ang updated sa mga Herrera brothers dati pa? Ano naman ang nakain mo at hinayaan mong mabiktima ni William? Okay si William dahil mabait ,  pero naman Shaira! At wala ka man lang nabanggit sa akin?!"

Tumaas ang isang kilay nito at hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kanya.

"Kilala natin ang isa't-isa so palagay mo hahayaan kong paikutin ako ni William Herrera kahit ubod pa siya ng guwapo? Para naman akong hindi sanay sa mga bolerong piloto hello?"

Nakahinga siya ng maluwag. "That's good then. So where did that  that come from?"

" Di ba sabi ko sa'yo noong isang linggo may flight kami sa Singapore? Hayun, accidentally nag-meet kami ni William sa airport. Hinihintay ko ang kasamahan ko na si Cecille, then nilapitan niya ako. Nagpakilala siya pero syempre hindi ko sinabi na magkaibigan tayo. Sabi niya kailangan daw nila ng models at binigay niya ang business card niya. Pinipilit ngang kunin ang number ko pero  nungkang ibibigay ko. Ayaw  kong  matapos niya akong lurayin basta na lang ako iiwan!"

Natawa siya sa sinabi nito. "Sige huhulaan ko, inoffer ka niyang maging modelo 'no?"

Tumango ito matapos  humigit ng malalim na hininga.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now