Chapter 16

8.7K 305 21
                                    


Ang tagal bumuka ng lupa para sana ay  lamunin na siya! Ipinikit niya uli ang mga mata. Kailangang makaisip siya ng isasagot bago tuluyang matunaw na siya sa kahihiyan. Pero tila napawi ng kaunti ang naramdaman niyang hiya ng marinig niya  ulit ang boses nito. Wala ng  pangaalaska sa tono nito. 

"Come on my Kim. Andito na tayo," sabi nito sa baritono nitong boses.

Walang atubili na iminulat niya ang mga mata. Umawang ng bahagya ang bibig niya. Hindi lang ang boses ni  Thomas ang nagbago. Pati ang expression ng mga mata at guwapong mukha nito nag-iba. Hindi na ito tumatawa. Iba ang pagkakatitig sa kanya nito na para bang ngayon lang siya talagang napagmasdang mabuti. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi rin niya mautusan ang sarili na ialis ang mga mata  dito. Muntik na siyang mapalunok ng yumuko ito at ilapit ng bahagya ang mukha sa kanya.

"Let me help you get off," sabi pa nito sa paos na boses habang titig na titig pa rin sa kanya.

Nanunuyo ang lalamunan, tumango na lang siya at iniabot ang kamay. Nang magtama ang mga daliri nila, pareho silang tila nagulat. Parang may naramdaman siyang  init na dumaloy mula ss daliri niya papunta sa ibang parte ng katawan niya. Naningkit naman ng bahagya ang mga mata nito. Hindi nito kinuha ang  kamay niya kagaya ng inakala niya.  Bagkus ay dumako sa likod niya ang isang kamay nito at ang kabila ay sa likod ng mga hita niya. 

"T-Thomas!" naanas niya ng maingat pero mabilis siya nitong kinuha ng pabuhat sa kotse.

Napasinghap siya na iniyakap ang mga braso sa batok nito para hindi siya malaglag. Nang dumiretso na ito ng tayo habang karga siya, lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit dito.  Bago  siya makapagsalita uli, inunahan siya nito.

"One of your shoes is broken. Sorry I have to carry you," halos pabulong na sabi nito bago bumaba  mula sa mga mata niya papunta sa labi ang nakakatunaw  na titig nito.

Alam ng sistema niya na dapat siyang magsalita to break the spell pero mas malakas ang hatak ng napakaguwapong mukha nito dahilan kung bakit tila nahipnotismo hind lang ang katawan niya, pati rin ang dila.

"I better get you inside. It's starting to drizzle," sabi nito habang hindi inaalis ang mga mata sa  ramdam niya na nanunuyo na niyang mga labi na nakaawang.

Gusto niyang pagalitan ang sarili. Kung hindi pa binanggit nito na umaambon na, ni hindi niya namalayan. Naiinis na hinayaan na lang niya ang sarili na isubsob ang mukha sa matipunong dibdib nito na isang pagkakamali. Ang bango-bango nito at ang sarap halikan ang matigas na dibdib nito. Tila mas nanghina siya. Nagpasalamat  siya ng maramdaman na pumasok na sila sa pintuan. Nakaramdam siya ng kiliti ng magsalita ulit si Thomas malapit sa tenga niya. Mabuti  na  lang hindi nito nakikita ang mukha niya dahil nakagat niya ang labi. Nakakapintig ng puso at ng ibabang bahagi ang mainit na hininga nito.

Ihh Kim!- inis na saway  niya sa sarili. 

"Would you like me to put you down now?" he asked huskily.

Nakasubsob pa rin ang mukha, ginalaw niya ang ulo para tumango. Isinabay niya sa unti-unting  paglayo ng mukha niya sa dibdib nito ang pagbibilang upang gisingin ang sarili  para bumalik sa realidad.  Thomas paid her to pose as his girlfriend. 'Yon lang.

At hindi mo  gusto ang  kagaya nitong f*ckboy! - paalala niya sa sarili.

Nakahinga siya ng maluwag nang sumayad na ang mga  paa niya sa carpet. Iniikot niya ang mga mata. Hindi ito ang unit ni Thomas.

"This is my hideaway," sabi nito na parang  nabasa ang naisip niya.

Tumango-tango lang siya. Kagaya ng inaasahan, moderno ang bahay at napakaganda.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now