"Okay," matipid kong sagot. I did the pose as I maintain my character. My action of shushing on the photo just made me think I'm the sus of the group, but I realized that Arcantz Legionear is also a secret group of beta testers.
"Be careful not to change your eye color while I'm taking a photo," pabirong saad naman ni Prof. Rythen pagkatapos niyang pindutin ang capture button sa kanyang camera window. Pasimple naman akong napakibot ng labi pagkatapos at naningkit ang aking mga mata.
May gana pa talaga siyang magbiro habang iniingatan ko ang aking alter-ego mula sa kanila. Baka madamay pa sila ni Shudo sa oras na darating ang panahong kinakatakutan kong mangyari.
I still have a mission to do, and at the same time, finding the 15 Gems of Lanzar musn't vanishes on the list.
"Gorgeous as it is... and peculiar," komento naman niya sa'kin.
Tanging tango't iling lang ang aking tugon sa kanya. Hindi ko alam minsan kung ano ang sasabihin ko sa mga komplimentong natatanggap ko.
Matapos ang photoshoot namin, nagbigay na ng paalala si Prof. Rythen sa amin para sa resulta na darating mamayang gabi. Hindi na muna ako nagpaalam sa dalawa at kumaripas na ako ng takbo papuntang dalampasigan. I can't go to Bluis Astrae at this moment while they're still awake.
Sumapit na rin ang takip-silim. Sumabay ako sa sayaw ng hangin habang iwinasiwas ko ang aking bokken. Mas nakakatulong pa ito lalo upang mapakalma ang aking isipan mula sa mga nangyari kagabi.
May iilang shireis na ring nagpakita sa aking puwesto at nagsimula na ring magliwanag ang mga alon. Dahil na rin sa pagod ay napagdesisyunan ko nang maglapag ng tela sa ilalim ng puno at magpahinga. The stars seem beautiful tonight like a blanket.
Pumikit ako upang damhin ko ang huni ng kalikasan. Nature didn't fail to soothe my soul during my solitude.
I wonder if the real Black Navillerian Angelus from the book is doing this after she's gone through battles.
Unti-unti ko nang minulat ang aking mga mata nang marinig ko ang mga yapak na papalapit sa aking puwesto. Doon ay nasilayan ko ang taong kamuntikan ko nang saktan nitong nakaraan. Nakangiti siya't may dala pang basket. Naaamoy ko pa ang tiramisu sa loob nito.
"Hi, Commander Zenrie," paunang bungad niya. "May dala akong mga pang-recharge sa'yo. Actually, ginawa namin 'to para sa'yo," dagdag pa ni Zoiren at agad akong bumangon.
He seems shy as I looked upon his raven eyes. Hindi naman siguro epeksto sa kape ang nerbyos niya.
Pinagmasdan ko muna siya sa kanyang mga ngiti. May kakaiba pa rin kahit na rin sa kanyang mga mata. Tumango na rin ako bilang tugon at pahintulot. Gaya nga ng nangyari ay tahimik siyang tumabi sa'kin sabay sandal sa puno.
"Uh Zenrie," panimula niya't pasimpleng umubo, "gusto ko lang sanang humingi ng pasensya sa nangyari kagabi."
Natigilan ako sa pagkuha ng cake nang marinig kong humingi siya sa'kin ng dispensa sa nangyari. "I-It's fine. Alam kong sinusubukan mong tulungan ako sa... sa pakikipag-usap ko kay papa. Sa ngayon, hindi pa ako handa para gawin 'yon, Zoiren."
Napayuko siya ng ulo at napabuntong-hininga. "Pasensya ka na talaga."
"I also need to apologize for grabbing your shirt. Nadala rin ako saglit na matagal kong kinimkim at ikaw pa ang napagbuhusan ko n'on," paumahin ko na rin sa kanya sabay subo ng cake. "Alam kong sasabihin mong valid ang emosyon ko, pero para sa'kin ay hindi. Muntikan na akong makasakit at nagdulot 'yon ng pag-alala sa grupo natin."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 35: The Result
Start from the beginning
