Chapter 35: The Result

Start from the beginning
                                        

They actually found all over the woods of Avillerius. Mostly, they are found here in Venetiani, Vanyarla, and Bluis Astrae. Rumors also sprouted that they also existed in the forgotten land where Night Black Phaser was born.

"That pose actually suits him," paunang komento ko't napalingon sa'kin si Jairus. "Naging investigating buddy ko siya simula noong nawili kami sa pagbabasa ng mystery-thriller stories; isa na roon kay Luna Cirea."

Napaangat siya ng ulo habang nakatingin sa'kin nang direkta. "I believe she's an awesome author that you made a stan for."

"Indeed, and until now I'm curious why she's still not having a face reveal," I sighed in relief. Kinalauna'y napabalikwas ako't kasabay nito ang matatalim na tingin sa kanya. "Teka nga! Why are you asking me about that?"

"Curious lang ako," Jairus startled on his short reply. He averted his gaze from me and became serious again. Pasimple ka pang umubo tokwa ka.

Anong meron sa isang 'to? 'yan ba ang epekto sa kape kaninang umaga?

"Great job, Zoiren," wika ni Prof. Rythen habang tinitignan ang mga nakuhang litrato. "Mukhang nasa aura mo rin 'yong pagiging investigative, the way you smirked and caressed your chin."

Just as expected, he giggled and again stroked his chin. "Maliit na bagay po 'yon, Prof. Rythen," nakangising saad nito.

"Uuuhhh..." Jairus left a sigh; pasimple naman akong napaubo sabay patag ng aking mga kilay. "Hindi rin yata ako nagkamaling maglagay ng kape para pampaiwas sa kaba," saad ko.

Bigla siyang lumingon sa'kin na animo'y nakakita ng multo sa Venetiani. "Z-Zenrie ikaw na ang susunod," aniya't tila nanginginig ang boses.

I don't know what's going on with these guys. Parang gusto ko sila gawing pain sa dagat pagkatapos nito.

Tahimik akong napatango at dumiretso na sa naturang puwesto. While the two of them are busy talking, Prof. Rythen and I are communicating through our minds as I think about my pose.

"Sa mga mata mo pa lang, mukhang galing ka sa Bluis Astrae para mag-meditate," masusing paglalahad niya habang ipinuwesto ang camera window sa aking angulo. "Is there something wrong between the three of you last night? Alam kong hindi maayos ang pakiramdam mo kaninang umaga. Overslept ka pa."

Napa-buntong-hininga naman ako habang inaayos ang aking buhok. "May konting hindi pagkakaunawaan kami ni Zoiren kagabi," natatamlay kong tugon.

Prof. Rythen sighed lightly. "It's about your private matter, isn't it? And Zoiren just want to give you a hand without knowing the hidden disputes you're facing with your dad."

"He knows, but not the main root cause. Tanging alam lang niya ay nagtatampo ako sa kanya. I know he only wants to help me, but not this time where I'm still not ready. Mi hindi pa ako handa para pag-usapan ni Jairus ang ginawa niya sa game," paglilinaw ko sa kanya. Now I'm trying to do a pose that Issei taught me from the past.

I got a cold war to deal with, tapos sisingit na naman ang isa pang bagyong matagal ko nang kinakaharap.

Unti-untng lumipad ang isip ko sa nangyayari at hindi ko namalayang naidikit ko na ang aking hintuturo sa aking mga labi. Natigilan din si Prof. Rythen at tila gumuhit ang isang ngiti.

"Hold still, Zenrie. Then do your pose and imagine you're in character as a commander— a peculiar and mysterious commander," suhestyon niya at ngumiti.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now