Chapter 35: The Result

Start from the beginning
                                        

"Anak ng tokwa! Sino ba naman ang hindi mababahing sa paruparong dumapo sa ilong, aber?!"depensa naman niya at mariin pang nakatingin. "Hindi mo ba alam na may powdery substance ang pakpak nila?"

"Alam ko. But you can just sneeze by not imitating a megaphone," he said and also started to blurt out a sneeze. Umalis na rin 'yong dalawang paruparo at tila naiimagine kong tumatawa pa ang mga 'to.

Sometimes I'm getting weird when I talked about butterflies and they understand me and talk back. Sumimasen (Pardon me).

Nagbatuhan na naman sila ng asaran na parang gusto ko munang magpahinga bilang referee ng dalawang tokwang ito.

Desperate times call for desperate measures.

So I slammed the door to shut them up. Ewan ko sa dalawang 'to kung bakit natatakot sila sa'kin. I ain't that intimidating towards other people. Medyo hindi rin ako minsan magaling sa pag-socialize sa ibang tao.

Sometimes I'm stuck in an awkward situation whenever I talk first to someone I just met. I also don't like small talks either.

They shouldn't use the tsundere term to my face as an excuse since it's a part of my human characteristics already.

"ANAK NG TOKWA/TOFU!" Both of them exclaimed and gasped.


======


"That was a good shot, Jairus!" puri naman ni Prof. Rythen sa kanya habang tinignan ang mga nalikom na litrato. "Mukhang sanay ka rin yata pagdating sa mga photo shoots. Have you done modeling from the past?"

"Uh... Actually yes," tugon naman niya habang inaayos ang buhok niya. "I used to since I was a kid and during the times I joined a dance group in Japan."

Nakangiting tumango si Prof. Rythen na tila pinagmamalaki ang isa sa kanyang mga trainees. "Kaya rin pala. You got a potential in my opinion."

Mahina siyang tumawa at tumango. He was brushing some dust on his Arcantz Legionear uniform and suddenly looked at me with concerning eyes.

"I hope she's getting fine today after a long period of her sleep," he thought.

"Kinakabahan na tuloy ako kapag kaharap ko siya mamaya pagkatapos ng shooting," saad naman ni Zoiren, dahilan upang mapalingon ako sa kanya sa gilid habang inaayos ang kanyang buhok. "Pero sa pinto kanina, hindi kaya may multo sa tinutuluyan naming cottage? May multo ba rito sa virtual world?"

My brows started to crunch and caressed my chin softly. Hindi ko alam kung hangin lang ba ang naririnig ko o sadyang nakulangan ako sa kinain kong tiramisu cake bago kami pumunta sa isang studio rito sa hotel ng Venetiani.

I didn't expect to know about this. I could only hear Prof. Rythen's mind even in my normal state.

Tinawag na rin ni Prof. Rythen si Zoiren na kamuntikan pang matisod sa may light ring. My eyes just remained still while Jairus is refraining to let out laughter. Napailing naman siya nang apakan ko ang kanyang kaliwang paa.

"Bahave," matipid na bulong ko't napa-buntong-hininga.

"S-Sumimasen (Sorry)." And he turned sheepish.

Pumuwesto na rin si Zoiren sa harap ng camera ni Prof. Rythen at kasabay nito ang pagbibigay ng iilang instructions. Habang nakatingin sa kanila, muli na namang tumakbo sa isipan ko ang mga naganap sa cottage kagabi.

Until now, it's running circles in my head.

I know they saw me on the window last night. Makakahinga ako nang maluwag dahil pinagkamalan lang nila akong illuminating beast ng Avillerius. Nakalimutan ko na tuloy kung anong tawag sa kanila.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now