Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020)
"Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Staring at him confusingly, napabalik ulit ako ng tingin sa post-it. Parang umilaw ang bumbilya sa utak ko nang tumingin ulit sa chibi.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Matalas at malakas pa naman ang pandinig ng babaeng 'to kaya gets ko ang ibig niyang sabihin. Ayokong madagdagan ng sentensya.
Ewan ko na lang sa isa rito.
"She's very thoughtful, even if she's a tsun tsun." Aniya't napangiti pa ang isang 'to. Sana hindi ko na lang pinainom ng kape si Jairus bago umalis. "Looks like she's preparing these for us."
Napaangat ako ng kilay sa kanyang mga sinabi. "Si Z-Zenrie?" At tahimik siyang napatango.
Talagang kahit kulang ang tulog, gumawa talaga siya ng paraan. Hindi ko inaasahang mas nauna yata ang plano niya kesa sa aming dalawa, featuring Marites Emmeraldine. Magandang pagkakataon na rin siguro ito upang masimulan na rin namiin ito.
Maliban pa roon, kanina pa talaga ako nagugutom. Tanging coffee therapy lang kasi ginawa naming dalawa bago umalis ng cottage. Baka mag-alala pa 'yon lalo.
"Anong tsun tsun?" palingon kong tanong sa kanya. "Lagi ko na 'yang naririnig sa bibig mo sa oras na pag-uusapan natin si Zenrie."
Mahina naman itong natawa sa'kin. "I'll discuss that when you both reconcile."
"Naku! Kapag ang meaning niyan ay pang-aasar, makakarating talaga 'yan sa kanya."
"Para kang bata. Ikain mo na lang kaya 'yan, clumsy airhead."
"Zenrie oh!" Bago pa man ako batukan ni Jairus, isang malakas na pagsara ng pinto ang aming narinig sa likod.
Anak ng tokwang tinapa! Muntikan ko nang matapon ang sinandok kong kanin. Bakit may pa-creepy effect na naman dito?
Kasalanan 'to ng napanood naming mystery-thriller x horror movie nitong nakaraan. Buset! Kala ko lilipad na kaluluwa ko sa Avillerius.
Dahan-dahan kaming napalingon sa pinagmulan ng ingay. Nang malaman namin ang eksaktong lokasyon, napahinto kami na tila may pumindot sa pause button ng laro.
"Nakikinig ba siya?"
He shrugged after he swallowed a lump. "What do you expect? Malakas ang pandinig niya kung tama ang pagkakaalala ko."
Well, we're in trouble.
"Anak ng tokwa!" Agad akong napatakip ng bibig nang hindi ko namalayang napalakas ang boses ko.
"Anak ng... tofu." Napasampal pa tuloy siya sa noo.
Ay? Hala! Makakain na nga lang at baka magising pa namin ang isang natutulog na pusa rito sa cottage. Ayokong gawin niya akong dummy practice sa trainings niya. Isang sipa niya lang parang ultimate basag na panga mo.