Chapter 35: The Result

Start from the beginning
                                        

"Paniguradong iyon ang nangyayari."

"Bumalik na muna tayo sa cottage. Baka hinahanap na tayo ni Emmie at magpapatulong pa 'yon," suhestyon na niya at sumang-ayon na rin ako.

Magkasabay na kaming pumunta sa portal at bumalik sa aming beach cottage sa Venetiani. Tirik na tirik na naman ang araw at paniguradong gising na ang Commander namin sa mga oras na ito.

What if... tulog na naman siya ulit?

Medyo kinakabahan pa rin ako sa oras na lumapit sa kanya matapos ang pangyayaring iyon. Kainis naman 'to. Kung kailang bumubuo na rin kami ng paraan para tulungan siya.

Pagkapasok namin sa cottage, tila sobrang tahimik ng paligid. Pinakiramdaman ko na rin ang paligid gamit ang data energy signal at namataan ko namang may tao sa kabilang kwarto. Paniguradong si Zenrie 'yon na bumabawi ng tulog.

O mahaba ang tulog. Halos mag-ta-tanghali na nga.

"Mukhang tulog pa rin siya," saad ko habang isinuot ang tsinelas para sa loob ng cottage "Hindi ko inakalang minsan mahaba ang tulog niya."

"Whenever her mind and body is exhausted, she's likely more to have longer sleep periods," paliwanag naman ni Mr. VIP— este ni Jairus na katatapos lang ipasok ang lahat ng gamit sa student's window.

Napatango naman ako at magkasabay kaming napaupo sa magkabilang couches. "Kaya rin pala inaasar siyang Sleeping Beauty ng Emmie na 'yon."

"About that, ibang usapan na 'yan. And yes, she's really gorgeous even in her sleep."

"Luuuh!" Bigla akong napangisi sa kanyang mga sinabi sabay takip ng bibig. Ano kaya 'yan kapatid na Jairus? "Isumbong kaya kita kay Zenrie dahil d'yan."

Naningkit bigla ang mga mata niya't tila tinignan na naman akong parang dummy target. "Go ahead and she'll kick you on the face. That was a compliment though."

Napapalakpak naman ako sabay tango. Mukhang gets ko na. "Kaya pala! Minsan tustahan, minsan palitan ng compliments. Parang extraordinary yata ang friendship niyo ni Zenrie ah."

Natahimik siya bigla sabay layo ng tingin sa'kin. Kapansin-pansin yatang napayuko siya ng ulo at may iniisip. May nasabi ba akong mali?

Bago pa man ako makapagsalita, napalingon ako sa may hapag-kainan na kung saan may mga pagkaing nakahilera roon. Hindi na rin ako nag-atubili pa't hinila ko na rin si Jairus papunta roon. Baka nakabusangot dahil hindi nakapag-agahan ang isang 'to kaya dinamay ko na.

"What the heck?" mahinang usal nito at binigyan ako ng matatalim na tingin. "Sabihan mo naman ako bago ako hila-in papunta rito. Mukhang nadala ka na yata sa gutom."

"Actually, parang ganoon na nga," saad ko. "Mukhang may nag-iwan pa nga ng isang post-it dito at sinabing para sa'tin ang mga pagkain dito."

Inangatan niya ako ng isang kilay at kinalauna'y tumango. Dahil na rin sa pagiging curious niya sa nakita kong post-it ay lumapit na rin siya para basahin ito. He leaned closer to the paper, and so am I. Naningkit ako sa simula, hanggang sa may nakita akong napakapamilyar na nakalagay rito.

Anak ng tokwa! Sandali nga. Seryoso ba 'to?

"Wait a sec," napaangat bigla si Jairus ng kilay, "she made all of this?"

"Ha?" mabilis akong lumingon sa kanya. "Paano mo nasabi?"

"Halata naman siguro sa pa-chibi niya sa gilid ng post-it at hand writing."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now