Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020)
"Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
===Zoiren===
Shadow Filora, 11:30 AM
"Don't... you ever ask him about that and pick his call without my consent, Zoiren! Know your limits in curiosity."
Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga titig ni Zenrie kagabi. Parang kulang na lang gusto na niya akong gawing dummy practice para sa training niya.
Tanging nakikita ko n'on ay apoy— apoy ng nagngangalit. Hindi ko naman inasahang may pinoproblema pala sila ng papa niya. Akala ko kasi ay okay na sila.
O sadyang hindi talaga masyadong nag-o-open up sa ganoong usapin.
Anak ng tokwa. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga nangyari, lalo na sa muntikang pagkawala ng malay niya.
"You better watch out from that attack earlier," saad ni Jairus habang inayos niya ang item vault. Kasalukuyan kasi kaming nakahuli ng halos benteng red-crested foul at iilang gulay at prutas na nakikita namin.
Nilagyan ko naman ng healing serum ang natamo kong sugat sa braso't mukha habang kinakausap si Mr. VIP, "Hindi ko rin inaasahan ang bilis ng mokong na Terbaeus na 'yon. Masyado siyang mailap."
"Kaya nga. Alam mo namang bago pa lang tayo sumalang sa assessment kahapon." At may gana pa talagang mag-rewind ang isang 'to na pinagtawanan ako matapos matamaan ng sako.
"I know," buntong-hininga kong saad sabay tanaw sa kalangitan. "Ano kaya ang resultang lalabas mamaya kapag sumulpot na sa inbox?"
"We'll find out after Prof. Rythen send us a signal," aniya't katatapos na isara ang kanyang student's window.
Napataas ako ng isang kilay sa kanyang mga sinabi.Anong signal ba 'yan?
"Signal?" tanong ko.
"Signal for the hidden photo shoot without Emmie suspecting the four of us?" he shrugged as I nodded.
Tama nga pala! Muntikan ko nang makalimutan.
At ganoon na nga'y sumagi na naman sa isipan ko ang mangiyak-ngiyak niyang mukha habang pinigilan si Zenrie kagabi. Napayuko na naman ako ng ulo habang inaalala na naman ang mga tagpong iyon.
Para tuloy akong isinumpa ng isang tokwa kaya panay ang overthink ko. Kahit maaga kaming nakaalis kanina, hindi pa rin maiwasang manumbalik ang mga alaalang 'yon sa isipan ko.
Kulang na lang magpapasapak na ako sa isang 'to. Pa-rewind nga sa sipa ni Zenrie sa'yo sa open bench, Jairus. Biro lang!
"You're still worried about Zenrie-chan last night, aren't you?" Napa-buntong-hininga na lang ako bilang tugon sabay lingon sa kanya.
"Obvious naman siguro," maikling tugon ko na may bahid pa ring lungkot sa boses.
Walang anu-ano'y bigla na lang akong tinapik sa balikat. "We have the same thing. Inaalala ko na rin ngayon ang kalagayan niya matapos 'yon. Pretty sure she's chasing her sleep again."