Chapter 35: The Result

Start from the beginning
                                        

"This is all my fault," buntong-hininga kong saad. Natapos ko na ring linisin ang counter at naglagay ulit ng panghuling scoop ng kape sa mug.

Ito na nga ba sinasabi ko. Tinapang tokwa.

I can't stop thinking about his reaction after grabbing his shirt. Mimi was panicking and Jairus as well being so worried.

Napatapik siya sa aking balikat at nagsalubong ang aming tingin. She was like scanning me and my soul for its status.

"Kung ano man 'yong nangyari kagabi rito at may misunderstandings man kayo, you have to resolve it together. Nakapag-unwind ka na kanina kahit kulang ang tulog mo."

Napayuko ako ng ulo habang inaalala ang mga pangyayari. "That's what I'm going to do. Saka ko na rin sabihin sa inyo ang nangyari kagabi kapag naayos na namin ang problemang ito, Althea," saad ko't bahagyang ngumiti.

"I know you can do it."

Matapos naming maitimpla ang mga natirang kape ay lumapit si Mimi sa'kin. She immediately hugged me tightly before I could grab the tray.

"Riri! Mabuti naman at gising ka na," she said in a cracked tone and sniffling.

Shoot. I guess she's been worried about what I did last night.

"Ikaw talagang babae ka... huwag mo nang ulitin 'yon okay?" aniya at napahikbi pa rin siya.

I wiped her tears and smiled at her. "Ayos na, Mimi. Kalmado na ako ngayon. Kakausapin ko sila mamaya pagkarating nila rito," banayad kong saad at tinulungan na nga akong magbitbit ng mga pagkain sa sala.

Kitang-kita ko pa sa may pintuan si Ranzou na kanina pa nakalanghap sa niluto naming fried eggs at garlic fried rice. Ang lakas din ng food sensory niya gaya sa tunay na mundo.

"Tulungan ko na kayo riyan," alok ni Ranzou sabay pasok sa kusina. Kaagad na binigay ni Mimi ang isang tray at nakangisi pa ito.

Pumasok na rin si Emerson para tumulong. Mukhang kanina pa yata siya naghintay sa sala at nagbabasa ng iilang articles tungkol sa game at sa kalagayan ng tunay na mundo. Katakot isiping mas bumibilis ang pagdami ng mga nahahawa sa naturang virus.

Even the vaccines are still on the progress at wala pang nakakahanap ng eksaktong formula.

Umirap naman siya kay Ranzou. "Alam ko kung anong binabalak mong Ranzou ka."

Naningkit naman ang mga mata niya sabay saad, "Hindi lang ba puwedeng nag-volunteer lang ako sa pag-assist bago lumamon?"

"Like what you said," pang-aasar naman ni Emerson sa likod, maintaining his straight face.

Typical morning with them. Mukhang na-miss ko bigla ang mga ganitong pangyayari gaya noong nasa dorm pa kami.

Nagtabi na rin ako para kina Jairus at Zoiren sa oras na makabalik sila rito. I'm going to check my inbox later for the said results of the assessment yesterday and Prof. Rythen's signal for our photo shoot.

Lagi niyang sinasabing dapat busy si Mimi sa mga sitwasyong iyan kung ayaw naming mahuli at malamang kasama kami sa isang secret guild ng mga beta testers. She'll be worried even more especially there are so many risks to face as a member.

Lalo na sa aking virtual identity. Mas malala pa 'yon kung tutuosin.

It takes a coffee and good nature scenery to calm my soul from yesterday's commotion.

Siguro samahan ko na lang ng meryenda para makabawi naman sila ng lakas at makapag-sparing kami habang naghihintay sa signal.


=======

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now