Chapter 35: The Result

Comenzar desde el principio
                                        

Ma, ito ba 'yong sinasabi mong proseso?

"Zenrie-chan?" napabalik ako ng ulirat nang tinawag ako ni Jairus. Hindi ko napansing tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. "Are you alright?"

Agad kong pinunas ang aking mga mata sabay buntong-hininga. "Hmmpf. W-Wala lang 'to. Sadyang masaya lang ako sa resulta kahit sa training natin 'yan galing." Napaiwas ako ng tingin sa dalawang 'to sa pamamagitan ng pasimpleng tingin sa mga nagliliwanag na mga alon sa dagat.

Kinalauna'y mahina akong natawa. I flashed a fainted smile and glanced to the both of them.

"Pero, salamat sa inyo. Instead of congratulating me, it's better to say... congratulations to us especially our efforts during the training," dagdag ko at dito na nga'y inakbayan ko na ang dalawa. Hindi ko na rin ginamit ang lakas ko't baka masubsob pa sila sa buhangin kapag nagkataon. "We deserve to celebrate our sucess."

Pareho silang nakatingin sa akin at parehong ngumiti. "Mukhang mas maganda nga 'yan," pagsang-ayon naman ni Zoiren.

"Just like your favorite cake and coffee, it takes a balance of sweetness and bitterness to govern your journey. Hindi ka nag-iisa. You have us, Commander Zenrie,"nakangiting paalala ni Jairus sa akin at tila gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

Napatango ako sa kanyang sinabi at tila mas gumaan na rin ang pakiramdam ko.

Hindi ko inakalang sila ang makakasama ko sa grupong ito. Marami man kaming pagkakaiba, o minsan ay may konting pagtatalo, pero hindi ko inaasahang mas tatatag pa pala ang samahan naming tatlo.

Kung maari lang, sana ay may sapat na akong lakas para pag-usapan na namin ni Jairus ang bagay na 'yon. Hindi pa rin ako mapakali sa oras na maalala ko ang ginawa niya. Even if the rage inside of me is still here, I need to ease this fire and start to reconcile.

His efforts lately... seemed to make me move a bit.

"Thank you, Jairus, Zoiren."

Whether I am Black Navillerian Angelus Kazeru, the top rank player, or just Zenrie, I still have the reason to fill my mission. And one of it was to keep my comrades safe.


===Someone's POV===

Lumalalim na ang gabi at silang tatlo ay nakatulog sa kanilang kinahihigaan sa may dalampasigan. Umiihip pa rin ang malamig na simoy ng hangin at ganoon na rin ang pagningning ng mga bituin sa kalangitan.

Tila naging payapa rin ang dagat na naglilikha ng magandang tunog na nagpapatulog sa isang naturang sanggol. Kasabay rin ang mga huni ng mga ibon at iba't ibang illuminated beasts na minsa'y napapadaan sa Venetiani.

Habang mahimbing silang natutulog, napadaan si Prof. Rythen sa kanilang tinutulugan at tahimik niyang pinagmasdan ang kanyang mga estudyanteng mandirigma. Tila gumuhit sa kanyang mga labi ang saya nang unti-unti na niyang nakikitang nagsisimula nang magkabutihan ang tatlo—lalo na sina Zenrie at Jairus na may tinatagong hidwaan dahil sa isang pagkakamali sa nakaraan.

Dahan-dahan siyang lumapit at tumingin sa tatlo. Kapansin-pansing nabubuo sa kanyang mga labi ang isang masayang ngiti. Mistula siyang amang nagbabantay sa tatlong chikiting na mahimbing na natutulog. Sinuri rin niya ang data energy signal ng tatlo at mas lalo pa itong nagpasabik sa kanya nang makita na ang resulta.

Huminga siya nang malalim at muling napatingin sa napakagandang buwan at payapang dagat. Dito nga'y inayos niya ang kanyang salamin at nagbitiw ng mga salitang magmamarka sa isang kakaibang pagbabago sa hinaharap. 

Ang resultang kanyang matagal na ring hinihintay  sa loob ng ilang buwan.

"I guess... I finally found the perfect candidates."

====================

Author's Note:

What does Prof. Rythen said about the new candidates?

What will happen after the release of results? 

Will the challenges become tougher before their vacation and training reaches the end?

Abangan sa mga susunod na kaganapan...

Hi minasan! It's been a long time since I got a hiatus. Pasensya na sa hindi ko agarang pag-update since I'm getting busy to prepare the requirements for the upcoming graduation this June. At the same time, a surprise this July.

More CCE arts and updates will come this month of June since tapos na rin ang aming OJT. We're also getting closer to meet Night Black Phaser and Scalet-eyed Archangel on the next following chapters. Hope I could reach to the second volume this year para tuloy-tuloy na rin ang inyong pagsubaybay.

Stay tuned for the next update and keep safe! Congratulations na rin sa batch 2022-2023 for reaching the finish line!

~SymphoZenie

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora