I could still remember those scenes last night. Mimi was in the urge to cry and Jairus was about to pull me away from grasping Zoiren's shirt. Kahit munting gulo iyon, parang nagdulot iyon ng malaking tensyon sa loob. Kagaya na lang sa apoy na matagal maapula mula sa isang bahay na gawa sa light materials.
Napayuko ako't ninanamnam ang katahimikan upang magmuni-muni saglit. I have also to control my mind from this.
"Pero kasalanan ko pa rin dahil sa mga tanong ko sa papa mo," paglalahad niya't bahagya akong napaangat ng ulo. "Totoo nga talaga ang katagang 'Curiosity kills the cat' at hindi ko na namalayang pumasok na pala ako sa privacy mo."
I took a deep sigh and slowly looked at him. "It's fine. Basta sa susunod, mag-iingat ka na. Ikaw ba naman ang investigative at marites sa ating tatlo."
Napakunot naman ng noo si Zoiren sabay kamot ng ulo. "Ang sabihin mo, investigator lang. Yung marites pang-rookie level 'yan eh."
"Sabi na eh." Mahina ko naman siyang siniko sa braso upang hindi rin siya tumilapon sa dagat. Hindi ko pa naman masyadong kontrolado ang lakas ko sa mga oras na gagamitin ko ito. Lalo na sa trainings, labanan, o sa mga panahong mag-aasaran sila sa grupo.
Mahinang napailing si Zoiren dahil dito.
"Kahit anong rason pa 'yon at hindi magkatugma ang ginawa't ipinakita mo, wala pa rin 'yong silbi. It's better to be aware about one's self before and the aftermaths."
Napatango siya't nasisilayan ko na rin ang ngiti niya. "Kagaya na lang ng bawat tao ay may red at green flag sa usaping human nature and behavior."
"Ganoon na nga."
Napayuko ako nang konti habang tinitignan ang aking mga kamay sa aking hita. "I know that my anger is valid, but my action doesn't count. Muntikan na kitang masakal dahil sa nangyari," I took a deep breath and slowly turn to him with my sincerest smile, "As your commander and friend, I'm sorry."
Napaangat ng tingin si Zoiren nang humingi na ako ng pasensya sa nangyari. Ang pag-aalala niya ay napapalitan na rin ng ngiti sa kanyang mga labi at tumango. It's a relief that he accepted my apology.
"Pinapatawad na kita kanina pa, Zenrie," wika niya't mahinang tinapik ang aking ulo kasabay ng maikling tawa. "Kahit ako rin naman ay may mali rin sa nangyari. Maging maingat na rin ako sa susunod."
"I already accepted your apology Zoiren," malumanay kong tugon sa kanya't ngumiti na rin.
"So, bati na tayo?"
"Yes it is."
It's a relief to reconcile everything. Naniniwala akong sa susunod magiging maingat na rin siya. There's always limitations when it comes to the sense of curiosity.
Napalingon ako sa likod nang may masagap akong isa pang pamilyar na data energy signal. Mukhang kanina pa siya nakamasid ah. Kala ko si Zoiren lang ang living CCTV.
"You can come out now, Jairus," saad kong may banayad sa aking tono.
Just as I thought, lumabas nga siya habang may bitbit na sketch pad at lapis. Nakagguhit din sa mukha niyang talagang nakikinig sa usapan namin habang nag-de-drawing siya..
Nang makakita siya ng kuneho sa kanyang paanan, bigla siyang napatalon sabay takbo sa aking kinauupuan. Tinapang tokwang 'to! Hindi kami stuffed toy at medyo nasasakal na kami sa mahigpit niyang kapit!
"Buwiset! Muntikan na akong atakihin sa puso!" he startled while catching his breath. "Geez."
"Take a deep breath first Jairus," sa pagkakataong ito, medyo nag-aalala na ako nang konti at tinulungan siyang huminga nang maayos. Kahit nagagalit pa ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mag-aalala sa lalakeng 'to.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 35: The Result
Start from the beginning
