Chapter 19: MSEP

207 14 0
                                    

Nakaupo ako sa upuan ko habang nagliliptint ako, nang may tumatawag sa akin, paglingon ko si shiryl at elvira. Nagtataka akong nagtatanong sa kanila. "Anong meron? Bakit kayo tumatakbo?" Habang sila hingal na hingal. At bigla nila akong hinila, nakardaman ako ng kaba.

"Pupunta tayo sa CR". Sagot ni Elvira. "Ano naman gagawin nati hin doon?" At hindi nila ako sinagot at tuluyan na nila akong hinila. "Buksan mo, dali" atat na atat tong si Elvira.

Nakaramdam tuloy ako ng takot, baka mamaya may biglang bumalaga sa akin eh. Matatakutin pa naman ako. "Ayoko nga, kayo na lang. Natatakot ako" at pinilit ako ni Shiryl. Ano na namang pakulo to? Sino na naman gumawa nito? At pagbukas ko ng pintuan, lumaki ang mata ko sa gulat dahil sa nakita at nabasa ko na nakasulat sa dingding. "MSEP KA MARY CLAIRE" at sa bawat letra ng MSEP ay may meaning.

M-alandi

S-ipsip

E-pal

P-okpok

Hindi lang yan ang mga nakasulat.

"Mang-aagaw ng boyfriend si Mary Claire" kaya napaisip ako, sino ang inagaw ko at sino ang inagawan?

"Akala mo kung sinong mabait at inosente yun pala dakilang malandi" Hindi ko alam kung saan nila ito nakuha.

Mayroon pa "Feeling maganda ang puta!" Ito ang pinakamasakit kasi may kasamang mura. Ang daming pumapasok na katanungan sa isipan ko. Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Sinong may gawa nito? Wala naman akong naging kaaway. Dahil pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang sakit. Lumabas na ako at nakakahiya dahil maraming mga kapwa kong mag-aaral
na nakiki tsismis, tumatakbo ako kahit hindi ko na makita yung daanan dahil sa pag-iyak ko. Papunta ako sa classroom para kunin ang bag ko pagkatapos uuwi ako sa bahay. Total wala naman akong maihaharap na mukha sa kanila ng makasalubong ko sina Jheru, Nikki, at Janiel.

Pagpasok ko ng classroom nakita ko silang tatlo. At sabay-sabay silang nagtanong kung ano ang nangyari.
Halatang nag-aalala sila sa akin pero ang nasagot ko na lang sa kanila dahil sa sobrang sama ng loob ay,

"Wala to guys, masakit lang ang ulo ko. Sige alis na ako ah?" at ngumiti lang ako kahit fake lang. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon pa.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now