Chapter 44: Jheru meet my girlfriends

145 10 0
                                    

Mary Claire Pov's

Dating gawi, dahil recess time na papunta kami ng canteen ng biglang may tumakip sa mga mata ko. Parang kilala ko to, perfume pa lang alam ko na.

"Tanggalin mo na ang kamay mo Jheru, alam kong ikaw yan" kampante kong tanong. Inalis na nga niya at humarap ako sa kaniya. Niyakap ko lang naman siya, ilang araw ko na din siyang hindi nakikita. "I miss you". Namiss ko talaga tong kupal na to. Niyakap din niya ako "I miss you more moo" at sa wakas narinig ko na naman yung callsign namin.

"Eheeem" sabay-sabay pa sina Jenny, Jessica, Darhlene at Ynnah. "Baka may  plano kang ipakilala sa amin si Jheru, kahit kilala namin siya dahil sikat siyang model". Pinanlakihan pa ako ng mata ni Jenny.

Inirapan ko na lang siya "Okay, Jenny, Jessica, Darhlene, at Ynnah meet my boy bestfriend since grade 5. Jheru Galvez" at inilahad ko ang aking kamay kay Jheru. Ipapakilala ko na sana si Jheru ng "Jheru Galvez nga pala, boy bestfriend slash future ni Mary Claire" natatawang pagpapakilala niya. Oh siya, siya na.

"Ano yang tinatago mo sa likod mo?" Di ko napansin yun ah. "Ahhh" parang hindi kayang sabihin ni Jheru. Magsasalita na sana ako ng inabot niya sa akin ang isang rose na color pink at cute na teddy bear at red ribbon sabay bati ng "Happy friendsary" holyshit. Bakit ko nga ba nakalimutan? Ngayon na? Naiiyak ako, na ewan.

*Pok* kinutungan ko nga siya, ano akala niya yayakapin ko siya? Manigas siya. "Araaaay! Mary claire. bakit mo ko kinutongan, anong kasalanan ko sayo?"  Sorry hindi ako yung tipong sweet na bestfriend. At talagang di niya alam? Anong klaseng kaibigan to? Habang sina Jenny tawang-tawa dahil sa reaction ni Jheru.

 "Wala naman, di ka lang naman nagpapakita sa akin". I pouted my mouth. "Eh kasi gusto ko mamiss mo ko ng sobra at nag-iisip ako kung anong magandang ibibigay ko sayo". aba't nasaktan na nga lahat-lahat nagawa pa nyang humirit?

"Aminin mo nga sa akin adik ka. Naka drugs ka ba ah?" Bakit yun ang tanong ko sa kaniya? "Hindi ah, bakit naman ako gagamit nun eh sayo pa nga lang adik na adik na ako" natawa ulit sina Ynnah pero this time halakhak na.

Nang biglang sumingit sa usapan si Jessica. "Oyyy! pwede ba kayong dalawa wag maglandian dito kasi nasa canteen po tayo baka nakakalimutan nyong ang daming taong nakatingin sa atin". Saway niya, kahit kailan Kj talaga tong isa. Tumingin kami sa paligid at tama nga ang sabi niya.

"Ang sabihin mo Jessica inggit ka lang kasi wala pa yung kabiyak ng iyong puso" pang iingit ko sa kaniya.
"Ang baduy mo Mary Claire, anong wala pa yung kabiyak ng iyong puso ang piangsasabi mo dyan?" Kilabutan ka nga. Nakakataawa talaga tong babaeng to' diring-diri yung reaction niya hahahaha.

"Atsaka Jes,kahit maglambingan pa sila dito alam ng lahat na mag bestfriend lang sila noh wag kang ma issue dyan" patatanggol ni Jenny sa akin good baby girl. "Oo na, masyado nyo na inaapi ang kagandahan ko" sabay tawa pati na rin sina Darhlene nahawa na sa tawa niya. Nang biglang magsalita ulit siya.

"Sa totoo lang naiinggit ako sa iyo Mary Claire, kasi may bestfriend ka na pwede mo ng maging boyfriend, husband, kuya, uncle, tito, lolo, isali mo na pati tatay, ang swerte mo kay Jheru promise" at napatingin kami sa isa't-isa ni Jheru at nag ngitian.
At dahil nagdrama ang president namin, nag-group hug kami.

Tama siya. Maswerte na nga ako kay Jheru, maswerte rin ako sa mga kaibigan ko kapag may inagaw sila sa akin lalo na si Jheru makikipagpatayan talaga ako. For keeps sila. Thank you lord.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now