Chapter 26: Agrabyado

169 13 2
                                    

"Oh Mary Claire, sayo na rin nakatapat ang botelya kaya ikaw ang hahalikan ni Mary Chris" nasa rule na pwedeng halikan ng babae ang kapwa niyang babae pero sa pisngi lang din. "Sana sa akin na lang tumapat yung botelya" Nakangusong sabi ni Janiel, ang cute niya hahaha. 

Sa pangalawang pagkakataon, sa akin ulit tumapat ang botelya at ang hahalik sa akin ay si Jared. Hinarang lang naman ni Janiel si Jared, ayaw talaga niya hahaha. Tawang-tawa na talaga kami dito. Wala siyang nagawa kasi mas malakas sa kaniya si Jared at nahalikan na niya ako, nagsigawan na naman yung mga kasali sa laro.

Muli na namang pinaikot ang bote at sa pagkakataong ito tumapat kay Abigail, ang gaga abot tenga ang ngiti. Inutusan ko siyang halikan si Janiel, pagbigyan ko na matagal na niyang pangarap yun eh. Tatayo na sana siya nang biglang sumigaw si Janiel. "Ayokoooooo! si Mary Claire lang gusto kong humalik sa akin" inirapan lang siya ni Abigail, samantalang nagsalita si Nikki "Hoy' gago bawal magreklamo." halatang pinipigilan lang niyang matawa dahil sa pagmumukha ni Janiel.

"Eh sa ayoko nga eh! aalis na ako, di na ako sasali." Pagmamaktol ni Janiel. Aakmang tatayo na si Janiel ng hawakan siya sa magkabilang braso nina Nikki at Jared at kahit anong pagpupumiglas niya wala siyang nagawa hanggang sa nahalikan na siya ni Abigail. Natatawa kaming tiningnan si Janiel na nagpupunas ng laway hahaha. 

Nakakapagod tong larong ito pero masaya hahaha. Sa pang-apat na pagkakataon sa akin tumapat pero ako ang hahalik kay Jared, tumingin muna ako kay Mary Chris kasi alam kong crush niya si Jared at ngumiti lang siya sa akin. Tumingin ako kay Janiel na lukot na ang mukha ngayon. Again and again, sa akin na naman tumapat ang bote at ang hahalik ay si Nikki. Nakaramdam ako ng hiya, ewan ko ganito epekto sa akin ni Nikki. Ngulat ako kasi sa noo niya ako hinalikan, aweee! hindi siya aware na nanigas ako? kasi mas gusto kong hinahalikan ako sa noo. It's a sign of respect for a woman.

We would have stopped playing. When Janiel asked for another round, nagbabakasakali na sa kaniya na tumapat ang bote kaya naman pinagbigyan namin siya. Hindi siya nagkamali at sa kaniya nga tumapat, akala mo nanalo sa lotto kasi may nalalaman pang patalon-talon at pasayaw-sayaw ang gago hahaha.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now