Chapter 54: First break-up! (11-19-12)

160 12 2
                                    

Mary Claire Pov's

Ang saya-saya ko ngayon kasi okay na kami ni Nicolai, pero sa kabilang satamg nararamdaman ko ngayon ay nakaramdam din ako ng lungkot dahil absent siya ngayon. Na late daw siya ng gising, naghahabulan kami ng mga friends ko dito sa lobby, kasi wala kaming teacher. 30 minutes na lang uwian na namin.

Kriiiiiiiiiiiiinggggggggg!

Yeheeeey! uwian na namin.

"Bye guys?." nagpaalam na ako sa kanila kasi araw-araw kaming sinusundo ng lolo ko.

Kinagabihan

Nakatanggap ako ng text galing kay Nicolai, akala ko nga wala siyang load kasi hindi siya nakatext simula pa nung umaga, bago ko buksan ang message nakaramdam ako ng kaba, at aaminin ko ayoko ng pakiramdam na ito, dahil huling naramdaman ko ito ay yung nakipaghiwalay sa akin si Nicolai sa text. Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko dahil nabasa ko.

From: Kulletz

"Mary claire, salamat sa lahat ah? hanggang dito na lang tayo, sana mapatawad mo pa ako." text niya sa akin. Putaaaaaaa! Paulit-ulit na lang yung ganito, anong trip niya sa buhay? Kaya dali-dali ko siyang tinawagan.

"Hello? Nicolai? ano na naman ba ito? niloloko mo na naman ba ako? bakit mo sa akin ginagawa ito sa akin? alam mo bang nasasaktan na ako sa mga pinaggagawa mo sa akin? Hindi na talaga nakakatawa yung ganito." Sigaw kong sabi sa kaniya sa kabilang linya, wala akong pakialam kung nabingi siya. Galit na talaga ako.
Bago siya makapagsalita pinatay ko na ang tawag ko. At nakatanggap ako ng message galing ulit sa kaniya. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko pa ba o hindi na, pakiramdam ko kasi masasaktan lang ako sa mababasa ko, pero sa huli mas pinili kong basahin yung message niya at tama ako, masasaktan  na naman ako.

From: Kulletz

"Sorry talaga Mary Claire, pwede naman tayong maging magkaibigan ulit di ba? basta ito ang tatandaan mo ah? ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa twina." lintik na salitang tuwina na yan. Hinagis ko yung cellphone ko sa kama sa sobrang galit, inis at sakit na nararamdaman ko at umiyak ako ng umiyak. Umaasa akong tatawagan niya ako pero ilang minuto pa ang dumaan, wala na akong natanggap kaya naman lalo ako umiyak ng umiyak.

Sobra na talaga akong nasasaktan, hindi namam ganito yung gusto kong kahinatnan naming dalawa. Gulong-gulo na ako, kahit ilang beses kong isipin kung anong posibleng rason para gawin na naman niya sa akin to.

Iyak ako ng iyak hanggang makatulog ako at kinaumagahan, nagka-eye bags na nga ako ee. Hindi ko alam anong nagawa ko para saktan niya ako ng ganito, para iwan niya ako ng walang rason. Nagmahal lang naman ako ng totoo di ba? di ko deserved ang masaktan di ba? paki-explain nga mga readers kung bakit nya ako iniwan? anong rason sa tingin nyo?

School

Wala na pala kami ngayon ni Nicolai, ang bilis noh, parang kailan lang na kami pa at masaya. Sobrang sakit para sa akin yung nangyari sa amin, ayoko lang ipakita sa kanila kahit gustong-gusto ko jg umiyak sa harapan nila. Naghahabulan kami nina Mary Grace, Gretchen, at Salapa ng bigla kaming napahinto ng makita namin yung kwintas na suot-suot ni Justin.

"Justin, sayo yang kwintas?." tanong ni Mary Grace. "Pwede pahiram ako?."  sabi naman ni Salapa. "Oy! ang ganda niyan para ba yan sa cousin ni Mary Claire na si Joana?." tuksong tanong ulit ni Mary Grace.

"Justin, pwede patingin ako? ang ganda talaga eh." naki-epal na rin ako, maganda talaga ee' mukhang mamahalin baka pwede maisangla hahaha! Sa kabila ng nararamdaman kong pagkamangha dahil sa kwintas, kumabog bigla yung dibdib ko.

"Sorry, hindi pwede magagalit yung may-ari ng kwintas na to." tanggi ni Justin sa amin. "Hindi naman namin nanakawin o aagawin ee, hahawakan lang." sagot ko, ang damot nya ah? di naman pala sa kaniya hmp.

"Hindi talaga ito pwede kasi kay Nicolai ito, ibibigay sana niya sa girlfriend niya na ex na niya ngayon sa monthsary sana nila kaso hindi na umabot kaya ito na sa kanya pa rin." Patamang sabi ni Justin na sa akin nakatingin, nabigla ako sa narinig ko kaya naman pati sina Mary Grace at Salapa ay napatingin sa akin, hindi ko alam kong anong sasabihin ko, gusto kong ibuka yung bibig ko kaya lang di ko magawa kaya mas pinilit ko na lang wag magsalita kasi pakiramdam ko isang salita lang ang sabihin ko maiiyak na talaga ako.

Nakaramdam ako ng panghihinayang,
ibig sabihin para sana sa akin yung kwintas na yun? Oo nga pala three days na lang first monthsary na sana namin. Sayang hindi pa kami umabot doon, kasi mas pinili niyang iwan ako eh.

Biglang dumating si Nicolai nagkatitigan kami at kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Naramdaman kong namamasa na yung mata ko kaya naman dali-dali akong tumalikod at pumasok sa C.R para doon umiyak, kahit ang panghi tiniis ko, nagtagal pa ako doon ng sampung minuto bago ko naisipan lumabas, syempre naghilamos muna ako.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα