Chapter 4: Meet his mother

455 31 10
                                    

"Maaaaaaaaaaaa?" Si Adrian yan, ewan kung tawag pa ba o hindi na, ang galang niya non? Inimbi tahan niya ako sa bahay nila, kasi ipapakilala daw niya ako sa nanay niya. Di na ako mapakali dito sa inuupuan ko. Pakiramdam ko natatae, naiihi ako eh.

At may isang magandang babae na lumabas galing sa kusina "Hi son, kamusta ang lakad nyo ng mga kaibigan mo?".  Pangagamusta ng mama niya habang yakap-yakap niya ito, how so sweet. "Okay lang ma kaso nakakapagod". sagot naman ni Adrian sa mama niya. Grabe! Di mo aakalain na mama niya itong magandang babae, parang girlfriend lang niya to eh. Umalis sa pagkakayakap ni Adrian ang mama niya at nakangiting tumingin sa akin.

"Anak, siya na ba yung tinutukoy mo?" Sabay lapit sa akin ng mama niya. Mas maganda siya sa malapitan. "Hi po ma'am, I'm Mary Claire Drilon po. Dyan lang sa kabilang kalsad ang bahay namin. Nice to meet you po". Nakangit kong sabi pero sa totoo lang ang lakas ng kalabog ng dibdib ko sa sobrang kaba.

"Alam kong ikaw si Claire, araw-araw ka ba naman ikwento ni Adrian sa akin. Totoo nga ang sinabi niya sobrang ganda mo".

"Maaaa! Baka mamaya maniwala sayo si Claire" saway ni Adrian sa mama niya. "Wag mo kong tatawaging ma'am. Tita na lang okay? Nanliligaw na ba sayo si Adrian?" Tanong ng mama niya.

"Ma naman, tinatakot mo si claire eh. Baka mamaya iwasan na niya ako". Reklamo na naman ni Adrian.
"Tumahimik ka, di ikaw kinakausap ko." Sagot ng mama niya hahaha.

Napabuntong hininga na lang si Adrian. "Sige ma, akyat muna ako para makapagbihis. Ikaw na muna bahala sa kaniya, please ma! Wag mo naman siyang takutin". Pakiusap niya, nang hindi siya pansinin ng mama niya umalis na siya.

"Alam mo iha, mahalaga ka sa anak ko kasi, ikaw pa lang ang babaeng dinala niya dito sa bahay at ipinakilala sa akin".

"Ma, ang ingay mo. Wag kang maniwala kay mama". Sabay kaming napatingin kay Adrian, hindi namin napansin na nakalapit na pala siya sa amin. Halatang naiinis na siya. "Bakit anak, totoo naman ang pinagsasabi ko sa kaniya. Di ba nga akala namin bali ka? Hahaha". Bully rin pala mama niya hahaha.

Nagtataka akong nagtanong sa mama niya. "Tita, ano po ba yung bali?" Ay nanlaki ang mga mata ng mama niya. "Iha, di mo talaga ibig sabihin ng bali? Ang ibig sabihin non ay bakla hahaha". Tawang-tawa si tita, haneeep! Magaling mang-asar.

"Anong bakla, baka gusto mo bigyan kita ng sampung apo". Panghahamon niya sa mama niya.
"Gusto ko yan, basta si Claire ang magiging nanay ng mga bulilit kong apo". Pumapalakpal pang sabi ni tita.

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako. "Ma, tinatakot nyo talaga si Claire eh. Pati siya dinadamay mo sa kalokohan mo". Tama nga si Adrian, feeling bagets. Malayong-malayo sa aura niya na sa unang tingin aakalain mong mata pobre. Tinitigan ko silang dalawa, hindi mo maiisip na mag-ina sila dahil sa turingan nilang parang magbarkada pero makikita mo pa rin yung respeto ni Adrian sa mama niya. How so sweet.

"Mary Claire, ihahatid na kita gabi na. Baka hinahanap ka na sa inyo". Aya sa akin ni Adrian. "Dito muna kayo maghapunan, nagluto ako para salo-salo tayo. Okay lang sayo Claire?" Aww, kung ganito si tita di ko siya matatanggihan. "Ma, next ti---" hindi natapos ang sasabihin ni Adrian dahil sumagot ako. "Sige tita, maiintindihan po nina mama at papa".

Papunta na kami sa kusina ng biglang tumunog ang cellphone ni Adrian. "Una na muna kayo, sasagutin ko lang tong tawag at susunod na ako sa inyo". Kaya naman tumuloy na kami ni tita sa kusina.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara