Chapter 8: Everything changes

317 23 3
                                    

How many months have passed since Adrian left here? I almost never remember. Since then, much has happened. I created a way just to get Adrian out of my mind. I get crazy when I think about him all the time.

"Mary Claire, tara gala tayo?" Aya sa akin ng isa kong barkada na jejemon. Tumango na lang ako. Kaysa naman magmukmok ako buong gabi di ba? Palabas na sana kami sa bahay na tinatambayan namin, nang bigla akong kausapin ng isa ko pang kaibigan na si Jexx, Jejemon din dating nito pero siya lang ang masasabi kong matino sa mga samahan namin. Kaya naman nauna ng lumabas si Erix.

"Okay ka lang ba? Ilang linggo na kitang napapansin na balisa. Ito ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ginagawa to? Dahil ba kay Adrian?". Walang pag-aalinlangan niyang tanong. Alam niya ang tungkol kay Adrian, nakwento ko kasi sa kaniya ang nangyari. "Mag-aalas dose na ng gabi, umuwi ka na baka hinahanap ka na ng parents mo". Nag-aalala niyang sabi.

"Ahhh. Hindi naman ako hahanapin ng mga yon, mga walang pakialam sa amin ng kapatid ko. Puro trabaho ang inaatupag nila, halos wala na nga silang oras sa amin eh. Ni hi o ni hello wala nga eh". Sumbat ko.

"Payong kaibigan lang to ah? Sana wag mong mamasamain. Sana intindihin mo rin mga magulang mo kasi nagtratranmbaho sila para maibigay ang lahat ng gusto niyong magkapatid. Dapat nga magpasalamat ka kasi ginagawa nila ang lahat para sa inyo. Maswerte nga kayo may mga magulang pa kayo, ako nga lumaking pinagpasa-pasahan ng mga kamag-anak namin. Ang hirap ng dinanas ko sa buhay. Huwag mong sisirain ang magandang buhay mo dahil lang sa isang lalaki. Di ba nangako naman siyang babalikan ka rin niya? Kaya wag kang magrerebelde, sana pag-isipan mo. Ayoko kasing masira yunt buhay mo". Pagkatapos niyang sabihin yon umalis na siya.

Habang naglalakad kami sa daanan alas dose ng hatinggabi kasama ang mga bago kong barkada, nakasalubong namin ang kaaway ng grupo namin at nanghanggat sila ng away at ang malala ay one on one. Ang lider sa kabilang grupo ang pumili kung sino ang gusto niyang makalaban at ako ang tinuro niya. Well, di ko siya uurungan, mali ang kaniyang pinili. Sa kaniya ko ilalabas lahat ng galit na nararamdaman ko.

Nagsimula na ang laban. One vs one, halos magsabunutan, dipaan, kagatan, sampalan, tadyakan at suntukan. Kung tatanungin niyo ko kung masakit? Para sa akin hindi. Eala nga akong naramdaman na sakit kahit konti, siguro nasanay na ako gabi-gabi ba naman ganito. Halos nagpagulong-gulong na kami sa gitna ng kalsada. Dahil sa sobrang pagod tumigil kami, walang gustong sumuko sa amin.

Lumipas ang anim na araw ng gabing nakipag-away ako. Binisita ako nina Anna at Marie, as usual wala sina mama at papa. Yung kapatid kong isa, nangapit-bahay.

"Mary Claire, bakit ka ba nagkakaganyan? Ibang-iba ka na sa Claire na kilala namin noon. Ang laki na ng pinagbago mo". Sabi ni Anna na ngayon ay nagkakape sa balcony.

"Oo nga Claire, hindi sa hinuhusgahan namin yung mga bago mong kaibigan ah. Kaso mga barumbado, basagulero at mga jejemon akala mo mga adik eh". Dugtong naman ni Marie.

"Look Claire, nakakatampo ka alam mo ba yon? Halos di mo na nga kami kausapin at sumama sa amin sa tuwing nagyayaya kaming gumala". Nagtatampong sabi naman ni Anna.

"Tapos na kayo sa gusto nyong sabihin? Pwede ako naman. Una sa lahat, wala kayong karapatang husgahan ang mga baho kong kaibigan. Pangalawa, bakit nyo ko pinipilit sumama sa inyo? Eh sa ayaw ko nga. Pangatlo, pakialam niyo ba? Eh sa gusto ko eh!" Ito na naman ako, kaya ayokong nagagalit kasi walang tigil bunganga ko. Makakasakit pa ako ng ibang tao.

Hindi na rin nakatiis si Anna, pinagtaasan na rin niya ako ng boses "Anong gusto mo, masira ang buhay mo? Kababae mong tao tapos ganyan ka kung umasta? Magtira ka ng kahit konting kahihiyan para sa sarili mo". Magsasalita pa sana si Anna pero tinaasan ko na rin siya ng boses.

"Wow! Big word! Nagsalita ang pabida, nagsalita ang magaling". Sarkastiko kong sabi habang pumapalakpak. Nagsukatan kami ng titigan ni Anna.

"Hmmmm, Claire sinasabi lang namin sayo to kasi ayaw naming magkaganyan ka. Para nagising ka sa reyalidad, kung pwede ngang iuntog namin ang ulo mo sa pader para matauha  ka na mali ang mga pinaggagawa mo gagawin namin. Kaibigan ka namin kaya nagmamalasakit kami sayo, tapos kami pa ang masama?" Naiiling na sabi ni Marie.

"Bakit, sinabi ko ba sa inyo na magmalasakit kayo sa akin? Sa pagkakatanda ko hindi ko pa yo  nagagawa". Maanghang kong sabi, kung tutuusin sila ang may kasalanan nito eh. Kung hindi lang sana nila pinakilala sa akin si Adrian, hindi sana ako magkakaganito. Eh di sana di ako nasasaktan at nahihirapn ngayon.

"Aba! Mary Claire, sumusobra ka na ah. Nakakarindi ka na. Bakit gusto mo  ba makita ka ni Adrian na ganyan? Gusto mo bang tuluyan kang iwan ni Adrian at di na balikan? Gusto mo ba na pati siya kamuhian ka niya?". Nang dahil sa narinig ko ulit ang pangalan ng lalaking dahilan kung bakit ako nagkakaganitk ngayon, hindi agad ako nakaimik. 

"Gusto mo rin bang makitang nasasaktan si Adrian dahil sayo? Nah sabihin niyang hindi na ikaw ang dating Claire na nakilala niya? Na hindi na ikaw yung medyong sweet at makulit na nakilala niya? Okay lang sa amin kung ayaw mo na kaming maging kaibigan basta ayusin mo lang sarili mo okay na kami don".  Sabi pa ni Marie. Di nga makakaila, kambal nga talaga sila. Kaya mas bet ko tong si Marie kasi mabait eh di katulad ng kambal niyang pinaglihi yata sa ampalaya. Pero bakit parang tinamaan ako sa pinagsasabi nila.

"Get out" sigaw ko, at mabuting umalis rin sila. Ayoko na makipagtalo sa kanila nakakapagod na. Alam ko naman na kahit hindi ko na sila tinuturing na mga kaibigan ko, nandyan pa rin sila para sa akin. Napaupo na lang ako bigla at napabuga ng hangin, mag-iisip na muna ako.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now