Chapter 12: Recess Time

245 17 1
                                    

Nagkakagulo yung mga classmates ko kasi recess time na. Dahil hindi ko alam kung saan yung canteen dito, di na ako lumabas ng room. Baka mamaya maligaw pa ako eh. Hinanap ko si Jheru, di ko napansin na umalis pala siya. Nagsulat na lang ako sa diary ko, habang nagsusulat ako. Nakita kong may inilapag na pagkain sa lamesa ko.

Nakakunot noo kong tiningnan si Jheru. Ngumiti lang siya sa akin. "Kumain ka na, binili ko yan para sayo". Sabay lapit ng pagkain sa akin.

"Nag-abala ka, di bale babayaran na lang kita. Sa totoo lang kasi di ko naman alam kung nasaan yung canteen dito eh". Paliwanag ko habang hawak ko pa rin yung ballpen.

"Wag na, libre ko na yan sayo. Kumbaga welcome part ko yan sayo kasi halatang bago ka lang dito. Kapag tinanggap mo yan, ibig sabihin tinaranggap mo na talaga akong kaibigan". Ano to black mail? Hahaha.

"Aysus! Pinapakonsensya mo pa ako. Sige pero sa susunod wag na ah? Nakakahiya na eh hahahaha. Salamat". Sabay kagat ko ng foot long na binili niya at coke.

Isang oras ang lumipas, hindi dumating yung teacher namin sa Math, palibhasa first day of school malamang di pa yun papasok.

Yung mga classmates ko, may kumakanta, sumasayaw, nag-uusap, naghaharutan, nagtatakbuhan at nagpapaganda. Yuyuko na sana ako ng biglang magtanong si Jheru.

"Saan ka pala nakatira dati?" Salamat naman kinausap din niya ako, nakakahiya kung ako unang kakausap sa kanya di ba?. "Nakatira kami dati sa Alabang" maikli kong sagot.

"Ang layo naman, bakit kayo napadpad dito?" Sunod niyang tanong.

"Alam mo, it's a long story sa sunod ko na ikukuwento sayo". Tumango na lang siya.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now