Chapter 58: Washing Machine

147 14 0
                                    

Mary Claire Pov's

Ito na yung araw na ayaw kong dumating ulit sa pangalawang pagkakataon pero tadhana nga naman ee. Nandito ako ngayon sa classroom namin, nag-iisa ewan! feel ko may mangyayaring hindi maganda.

Nakita ko si Nicolai na papasok na sa kanilang classroom makikita ko base sa mukha niya na good mood siya, lalapitan ko na sana, nang bigla siyang hinila ng mga kaibigan ko papasok sa classroom nila at kinausap nila.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Ewan ko kung ano ang pinag-usapan nila at pagkalabas niya diritso siyang pumunta sa akin na seryoso ang mukha niya. Nilampasan niya ako at pumasok siya sa classroom namin, tamang-tama hindi pa dumadating yung last teacher namin.

Kumuha siya ng upuan at umupo siya doon at sumunod naman ako sa kaniya at tumabi, akala ko kakausapin niya ako pero nagkamali na naman ako kasi ang sinabi niya sa akin ay

"BREAK NA TAYO!." sabay tayo at lumabas siya sa classroom namin, What the fuck! Kakaupo ko lang ah? Hindi ako nakapalag agad sa ginawa niya, pero alam kong sa oras na yun galit na siya sa akin.

Hindi ko siya hinabol kasi nagulat ako, hindi ko siya hinabol kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko, hindi ko siya hinabol kasi hindi ko alam gagawin ko, bakit ko pa siya hahabulin para saan?

Hindi ako makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon makikipaghiwalay na naman siya sa akin ng walang matinong rason!

Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag! Hindi man lang niya ako nagawang tanungin kung ano ang totoong nangyari! Hindi man lang niya ako kinausap ng maayos! For that I hate him so much! Mas naniwala siya sa sabi-sabi ng iba kaysa sa akin na mismong girlfriend niya!

Halos di ako makatayo sa kinauupuan ko sa sobrang panginginig ng buo kong katawan sa mga nangyari. Pero hindi ako umiyak, nanatili lang akong tulala at pilit kong pinapakiramdam ang aking sarili, wala akong maramdamang sakit sa oras na yun pero nakaramdam ako ng pagod na hindi ko alam saan nagsimula.

Paulit-ulit na lang ang nagyayari, nakakasawa na rin. Pero maghapon akong walang imik at parang baliw na hindi makausap ng maayos. Mas lalo akong nasaktan kasi pinagtulungan ako ng barkada ko.

"Kawawa naman, kinarma ee." Napa-anggat ako ng ulo dahil sa pagpaparinig ni Gretchen.

"Dapat lang talaga siyang iwan ni Nicolai kasi malandi siya"  dugtong pa ni Salapa.

"Palibhasa kasi timer, hindi makuntento sa isa, e hindi naman siya washing machine para pagsabayin yung dalawa hahaha." sabat naman ni Mary Grace.

Ang sakit lang na hinusgahan ka agad ng mga taong akala mong sila ang unang matatakbuhan mo sa ganitong sitwasyon, na akala mo masasabihan mo ng mga hinanakit mo, na akala mo maiintindihan ka nila at ang pinakamasakit sa lahat ay ang mga taong tinuring mong mga kaibigan, ano ba nagawa ko sa kanilang mali?

Hindi na ako nakipagtalo sa kanila kasi alam kong sa umpisa pa lang talong-talo na ako. Yun pala ang pagkakaalam nila, na ti-naymer ko si Nicolai hahaha! mga tanga.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon