Chapter 46: Frenny

152 12 2
                                    

Jessica Pov's

Nakahiga ako ngayon while soundtrip. Badtrip talaga ako kay Mary Claire kanina. Sakto ba yan na ireto ako sa Tristan Villena na yun! Di porket hopeless romantic ako eh. Sabagay gwapo naman yung isang yun.

(Flashback)

Nagkita kami sa covert court kanina, syempre dun din yung classroom namin, biglang lumapit sa akin si Mary Claire na ang ngiti ay abot tenga. Makikita mo talaga sa aura niya na happy and contented na siya kay Jheru, inlababo si frenny. Minsan nagtataka na rin ako na sa daming nagkakagusto kay Mary Claire wala siyang pinapansin kahit isa. Bulag ba siya? Sabagay di ko din naman siya masisisi, kasi super gwapo at top model si Jheru kahit saan kilala siya, at lahat ng mga students and teachers na nandito sa school ay kilalang-kilala siya. Sino ba naman hindi? Pride ng Lucinians si Jheru Galvez.

Pero mukhang may makakalaban si Jheru sa campus na ito at yun si Tristan Villena. Ang bagong campus hearthrob daw sabi nila.

"Hi jessica?"- si Mary Claire.
"Hello. Himala di mo kasama si Jheru ngayon" Habang nagwawalis ako ng room, makapal din apog ng babaeng to. Pumapasok ng ibang classroom na walang paalam. At yung mga classmates kong mga lalaki lahat nagpapa-cute, ulol! In their dreams na mapansin sila ni Mary Claire, siguro kakausapin pa sila ni Mary Claire pero kung manliligaw? Mas malabo pa sa toyo ang pag-asa nila.
"Busy siya ngayon para sa darating ng foundation day natin alam mo na kasali na naman yun sa Mr and Ms. Lucinians. Jessica, hatid kita sa bahay nyo ah?" anong nakain niya at ihahatid niya ako ngayon? parang may mali eh.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa noo baka may sinat o lagnat siya pero wala naman. Himala, siya ang nagyaya sa pagkakaalam ko tamad yang ihatid ako sa bahay pag wala siyang assignment sa math. Kaya mataas grade niyan eh. Sa tingin ko may assignment na naman ito.

"Anong nakain mo at ihahatid mo ko ngayon ah? magpapatulong ka na naman sa assignment mo noh?" hula kong sabi. "Gaga! hindi noh. Alam ko na ang solusyon sa problema mo" at dahil sa hindi ko maintindihan pinagsasabi niya hinila na lang nya ako bigla. Kahit kailan talaga naman oh?! tapos hihinto lang din naman kami sa gate. anebeyen!

"Oh, bat ka tumigil? hinihila-hila mo ko tapos titigil ka lang?" Nakapamaywang kong tanong.
May tinuro siya sa malapit sa gate, "Jes, nakikita mo ba yung nakatayo sa gate?" Kaya naman lumingon ako sa gate. "Huh, sino?" taka kong tanong sa kaniya. "Ayun oh?" ayun siya ng ayun eh, marami namang nakatayo sa gate uwian na kasi namin kaya maraming stupident na naglalabasan sa kanila-kanilang lungga.

"Anong ayun?" Pinagtri-tripan siguro ako nitong babaeng to. Di pa naman ako desperada para ireto kay manong guard jusko! "Yung new classmate namin na pamangkin ng may-ari ng school na to' si Tristan Villena." Na parang naiinis siya sa akin. "Anong gagawin ko sa kaniya, ilalagay ko ba sa bulsa ko?" Biro kong sabi.

"Alam mo Jes, ang slow mo rin eh noh?" aba maliitin ba naman ako? aagaawin ko sa kaniya si Jheru makikita nya, pero joke lang yun di naman ako sulutera eh. "Si Tristan lang naman ang irereto ko sayo" kinikilig niyang sabi. Seriously?

"Akala ko si manong guard eh." Natatawa talaga ako. "Hmm, pwede rin Jes" habang nag-iisip kunwari.
"Hoy! tara na nga hatid mo na ako baka saan pa mapunta ang usapang ito ee' naiisip ko palang kinikilabutan na ako" tapos kinaladkad ko na rin siya. Sabi niya ihahatid daw niya ako, Sige go! Baka magbago pa isip ng kalog na to.

"Hahahahaha!" tumawa pa siya ng malakas. Sana hindi na siya makahinga ng matuluyan sakit sa ulo buti napagtyatyagaan ito ni Jheru!

(End of flashback)

Haaaay. Alam ko namang kay Mary Claire lang din magkakagusto yung Tristan na yun eh. Expected na naman. Swerte ng frenny ko, pero mas maswerte si Jheru kasi siya lang napapansin ni Mary Claire. Yung iba halos mag effort eh lahat gagawi para lang mapansin ni Mary Claire pero siya? One word, effortless. Makatulog na nga, may pasok pa ako bukas eh. Nagdasal muna ako bago natulog.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon