Chapter 51: Pretending

164 13 3
                                    

Mary claire

Umagang-umaga nagkukumpulan ang mga kaibigan ko kasi napagplanuhan nilang pagselosin si Hazel kaya gumawa ang magagaling kong kaibigan ng solusyon sa problema ni Nicolai. Yes, siya nga! ang swerte nya noh? kasi sa problema niya ako ang magiging solusyon. Di naman kami masyadong close ah? ayaw kasi ni Nicolai sa babae na hinahabol siya ang gusto niya siya ang naghahabol, tama naman siya, pangit tingnan na ang babae ang naghahabol sa lalaki.

Nung una, todo tanggi ako, di kasi ako siraulo para gawin yun kay Hazel. Hellooooo? Bestfriend niya ako, aware naman sila don e. Kaso nga lang masyado silang mapilit, hanggang ngayong nasa canteen na kami, kinukulit pa rin nila ako.

FLASHBACK

"Nicolai?" tawag sa kaniya ni Mary Grace. Siya pa talaga pumunta sa classroom nina Nicolai.
"Bakit?" Sagot niya, at ako nakatayo sa labas ng classroom nila. "Alam na namin ang solusyon para tigilan ka na ni hazel." sabi naman ni Gretchel, sa lakas ng boses non talagang maririnig mo, pandak naman hahahaha.

"Ano yun?" Maang-maangang tanong ni Nicolai. "Magpapanggap kayo ni Mary Claire na kayo na, at pag nangyari yun syempre malalaman niya at titigilan ka niya" seriously? Gagawin talaga nila yun kay Hazel, di talaga ako makapaniwala.

"Ang tanong papayag ba si Mary Claire?" tanong ni Nicolai na nakatingin sa akin, pansin ko dito sa lalaking to' laging nagtatanong. Nakakaduda ah? Iisipin kong bakla to kaya ayaw niya kay Hazel, hmmmm pwede.

"Oo nakausap na namin siya at pumayag na siya."  sagot ni Mary Grace. Anong pumayag na pinagsasabi nila? Pinilit kaya nila ako.
"Sige, kung ganon kailan kami magsisimula na magpapanggap?." Kapag nagtanong pa to' kakaltusan ko na talaga siya, slow lang eh noh? Haaayst, mapapansin mo sa pagmumukha niyang masaya siya tsk! Samantalang ako? Bwesit kinakabahan.

"Ngayon na kasi absent si Hazel, kaya pwede natin sabihin na ngayon ka nanligaw kay Mary Claire at ngayon ka niya sinagot." Waaaaait di ako makakapayag. "Sandaliiiii" napatingin sila sa akin. "Hindi naman magandang tingnan na isang araw pa lang akong nililigawan nitong Nicolai na ito ee sasagutin ko na siya agad, lalabas akong desperada kung ganon" paliwanag ko, mali kasi talaga.

"Duh! Sa talino mong yan Mary Claire, di ka mag-iisip ng paraan?" Maarteng sabi sa akin ni Mary Grace. "Ewan ko sa inyo, kayo bahala" at tumalikod na ako sa kanila. Narinig kong tinatawag ako ni Nicolai pero di na ako lumingon pa.

End of flashback

Loooord? sana naman wag akong karmahin sa gagawin kong to' ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa inyo. Kasi naman si Hazel, bakit pa kasi niya hinahabol si Nicolai, at bakit pa niya binigyan ng love letter ang payatot na yun akala mo naman kagwapuhan puteeek. Paniguradong masasaktan ko siya ng sobra.

Kinabukasan

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom, nakatigin sa akin lahat ng mga classmates ko at makikita mo sa kanilang mga mata ang mapanuksong tingin.

"Ayeeeeeeiiiiiiih" sabay-sabay nilang tili, pero hindi ko sila pinansin, tiningnan ko ang table ni ma'am wala pa don yung mga libro niya. Nagulat ako ng biglang magsalita si Gretchen

"Guys, alam nyo ba na si Nicolai at Mary Caire ay mag-on na" ang baduuy!  masayang balita nilang sabi, bwesit talaga, kailangan talagang ipagkalat? "Talaga, kailan pa?"  tanong ni Jayson na bestfriend ni Nicolai, makikita mo sa mukha niyang gulat na gulat, bakit di ba kapani-paniwala na girlfriend ako kuno ng barkada niya? Maganda rin naman ako ah. Inirapan ko na lang siya at kay Hazel natuon ang paningin ko at makikita mong gulat na gulat siya at parang maiiyak, kaya naman tumango ako, di ko siya kayang titigan ng matagal. Sorry Hazel.

"Oo, kahapon pa lang sinagot ni Hazel pero matagal ng nanliligaw ng palihim sa kaniya si Nicolai." masayang sagot ni Grace, hindi mo talagang mahahalatang nag-aacting lang siya. Ang galing niyang um-acting, bravooooooo! Tsk! Kung alam nyo lang, hindi ako niligawan ng Nicolai na yun, never. Planado lahat ito.

"So it means 22 yung monthsary nila?." tanong ni Mark na bestfriend rin ni Nicolai, kadahilanang mapatingin ako sa kaniya, sa pagkakaalam ko mabait ito. "Oo." sagot ni Mary Gace. Sana kayo na lang dalawa, hindi yung ganitong nandadamay pa kayo ng iba. How dare you para gawin ito kay Hazel na ngayon ay nasasaktan sa nalalaman niya. Napakawalang kwenta kong kaibigan.

"Anong tawagan nyo Mary Claire?." mapanuksong tanong ni Jayson, di ko talaa sya gusto. "Pakialam mo naman?" mataray kong tanong sa kaniya at umupo na ako sa upuan ko.
Nakita ko kung paano nagulat si Grace sa sagot ko kaya naman siya na agad ang sumagot, aba dapat lang! Sila nagplano ng lahat na ito at hindi ako.
"Kulletz, yan ang call sign nila." Napapahiyang sagot niya, akalain mo yun? Pati callsign pinag-isipan na rin pala.

"Congrats sa inyo Mary Claire." sabay sabay nilang bati ang O.A nila. Akala mo naman artista yung Nicolai na yun bwesit. Tumango na lang ako at yumuko. Nahirapan nga kaming mag-isip nyan kahapon muntik na ngang maging MEOW-MEOW eh! hahahahaha! pusa lang ang peeeg.

"Wala sa mood ata si Mary Claire" sabi ni Mark. "Baka masama lang gising niya or di na siya mapakali na hindi makita si Nicolai hihihi" sabat naman ni gretchen. Asa. Di ko na pinansin ang iba pa nilang pinag-usapan, ngayon ko lang napansin na ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Naalala ko ang naging reaksyon ni Hazel kanina. Haaaaaay.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now