Chapter 56: His birthday

139 14 0
                                    

Mary Claire Pov's

Birthday na pala ngayon ni Nicolai, kaya di siya pumasok ngayong umaga mamaya na daw hapon ewan ko kung bakit hahaha! kaso, wala akong regalo sa kaniya ee' bahala na, basta mabati ko siya.

Afternoon Class

Pakshiit! ang sakit sa kamay, as asual napunishment-an lang naman kami kasi nag-cutting class hahaha! pero masaya kasi buong section pa namin one for all, all for one yan ang motto namin. Ayan nakita tuloy ako ni Nicolai na nakatayo sa labas habang nakataas ang upuan sa ulo ko. Na gets nyo? Bahala na kayo hahaha! pero keribells lang ng beauty ko. Malapit na ang uwian hindi ko pa siya nababati ee.

"Hi kulletz?." Natatawang bati ni Nicolai sa akin, ang sweet niya noh? haha! simpleng hi lang niya kinikilig na ako. "Hindi mo ba ako tatanungin kung anong nangyari at pinarusahan kami ngayon?" Nakangiwi kong sabi sa kanya at natawa naman siya.

"Happy birthday nga pala sayo sorry ah wala kasi akong regalo sayo." nahihiya kong sabi habang buhat-buhat ko pa rin yung upuan ko. Ang bigat! At sumeryoso naman siya.

"Okay lang yun, wag mo ng problemahin basta ang importante nabati mo ko. Hmmmm, iba na lang ang hihinging kong gift sayo." nakangiti niyang sabi. Tumingin ako sa mga classmates ko at tulad ko hirap na hirap na sila. Ewan ko na lang kung di pa tayo magtanda nito. Luminga-linga ulit ako baka mamaya nandito na yung bakla naming teacher sa science, mainit pa naman ulo non sa akin kasi crush niya si Nicolai hahaha. Binagsak nga ako nong second quarter namin dahil nalaman niyang boyfriend ko na yung crush niya! Di kasi naman ako pwedeng magsumbong sa lola ko yung ginawa niya sa akin dahil baka ako ang malintikan sa huli dahil hindi nila alam na may boyfriend na ako.

"Huh? ano na naman yan? siguraduhin mong madali lang yan ah?." pagbabanta ko sa kaniya. Seriously, nangangawit na kamay ko.
"Oo naman, kantahan mo ko please?!." paki-usap niya sa akin.
"Ehhh! pangit boses ko, ayaw ko." pagtanggi ko sa kaniya.
"Hindi naman, please?! kantahan mo ko ito na lang ang gift mo sa akin." sabay paawa effect pa siya, haaaaayst! Kahit anong tanggi ko alam kong kukulitin pa rin niya ako.

"Sige na nga! basta wag mo kong pagtatawanan ah?." kaya nagsimula na akong kumanta. Kahit hirap na hirap na ako sa upuang pasan ko.
"Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat? inubos kong lahat, panahon ko sayo. Anong gagawin di mo pinapasin itong damdahamin aking paglalambing." Tama kayo ng rinig kulang na kulang ba ang title ng kinanta ko sa kaniya, kasi yun ang gusto niya. Birthday niya kaya pagbigyan. Ang baduy ng kantang yun kung alam niya lang hahaha.

"Alam mo ang ganda ng boses mo,  kaboses mo yung original na kumanta nyan." sabi pa niya sa akin.
"Hahaha! hindi kaya." Ngeee ang layo kaya hahaha. Baka nabingi siya kaya di na alam kung ano ang original sa hindi.

Lumipas ang isang araw, balik sa normal ang lahat, pero nagulat ako ng manghingi siya ng isang.......

"kulletz?." tawag niya sa akin.
"Oh bakit?." sagot ko naman sa kaniya. Nandito kami sa classroom namin, walang pasok kasi foundation day namin sa friday. Kaya yung ibang eatudyante ay busy sa pagde-decoration sa bawat classrooms.

"Pwede bang--." hindi niya itinuloy ang sasabihin niya, dahil may pagkachismosa ako kinulit ko siya hahaha! "Pwede bang? ano?." ulit kong sabi sa sinabi niya.
"Ayyy, wala nevermind." tanggi niya ulit. Kita mo parang baliw!

"Sabihin mo na, nahihiya ka pa ee' noh? dali na!." Natatawang pilit ko pa sa kanya "Wag na, tsaka na pag-ready kana." nakaka-thrill naman.
"Huh? ready na ako hehe." sabi ko sa kaniya, gusto ko talaga malaman ee.

"Gusto ko sana manghingi ng isang kiss." Mahinang bulong niya sa akin.
"Ahh yun la--... ano? kiss?." napalakas kong sabi at tinakpan niya yung bibig ko. Doon ko palang na realized yung sinabi niya. Kaya naman di ko na natapos yung sasabihin ko.

Pagkatapos nun pinagbigyan ko siya. wala naman masama ee! kasi boyfriend ko siya, girlfriend niya ako. Dahil pareho kaming first timer parehas kaming hindi marunong. Ano bang alam namin sa ganito masyado pa kaming bata. Bata pero ginawa eh noh? hahaha kaya ayun, hanggang smack lang whaaaaaaa! infairness ah? masarap yung halik nya kaya naman nagka-insomia ako nung gabing yun, di makatulog sa gabi sa kakaisip. shhhh! secret lang natin to' guys ah? hahaha.

Natulog akong may ngiti sa labi ko.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now