Chapter 45: My new classmate is our new campus crush?

155 11 0
                                    

Mary Claire Pov's

4th year na nga pala kami. Ibig sabihin g-graduate na kami. Ang bilis noh? Parang kailan lang kami nag high school, at hanggang ngayon sweet pa rin sa akin si Jheru. Napaka protective pa, pero ang gustong-gusto ko sa kaniya lahat ng gusto ko o salihan ko ng contest palagi niya akong sinusuportahan. He's my number one fan. But sad to say, hindi pa rin kami classmate ang saklap.
Pero dahil love ako ni Jheru lagi niya akong pinupuntahan sa classroom estie sa covert court. Nagtataka kayo bakit sa covert court noh? Ako rin hahaha ganito kasi yan tinatapos pa yung new building at doon yung magiging classroom namin, samantalang ang classroom nina Jheru ay nasa old building. Tinatapos ko yung project ko kasi ipapasa ko na mamaya bang biglang tawagin ako ni

"Mary claiiiiiirrreeee?"  sigaw lang naman ng classmate kong maharot.
"Oh Vianne, anong nalunok mong bato at ang hyper mo ngayon"- ako.
"Ano ka ba di mo alam?" Ano ba kasing pinagsasabi ng babaeng ito, di ba niya nakikita na may ginagawa ako?

"Ang alin ba?" taka kong tanong eh' sa di ko gets yung sinabi niya. "Bato lang naman ni darna ang nalunok ko hahaha!" at sinakyan talaga niya ang trip ko ah? Tiningnan ko siya ng what-do-you-mean look. "Joke lang yun ito naman di na mabiro, buti natatagalan ka ni Jheru. May chika ako sayo".  kahit kailan chikadora ng school ito lahat alam nangyayari sa campus alam, daig pa ang reporter at broadcaster ng bansa. May future siya don.

"Ano naman yan? May plano ka bang palitan si Mel Tiangco sa pagiging broadcaster niya? Kasi kung oo, ipagpatuloy mo lang may future ka" biglang humaba ang nguso niya.

"Siguraduhin mo lang magugustuhan ko yan kasi kung hindi isasampal ko sayo tong illustration board para makita mong busy akong gumawa ng project natin" pananakot ko sa kanya, pero hindi siya tinablan alam kasi niya di ko kayang gawin yun.

Inirapan lang niya ako "Wag kang feeling dyan, alam natin na hindi ikaw ang gumawa niyan kundi si Jheru. Anyway, kasi kaklase natin ang pamangkin ng may-ari nitong school at ito pa gwapo niya baka maging campus crush din siya kapag nangyari yun bubuo talaga ako ng fans club". kinikilig nyang sabi, kulang na lang mangisay siya sa sobrang kilig eh. Mamatay ka sana.

"Oh tapos?" Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Paki ko naman? "Di ka magtatanong kung ano ang pangalan niya?" At tiningnan ko siya ulit at this time nakapangalumbaba na siya. Sa tingin mo hindi ako magtatanong sayo kung interesado ako sa kaniya?" Pambabara ko "Sige na kasi tanungin mo ko anong pangalan niya" pangungulit niya sa akin. Kilala ko to hindi ako tatantanan nito hanggang di ako magtatanong sa kaniya. Para matapos na to nagtanong na ako "Sino naman yan?" Bored kong tanong.

"Siya lang naman si Tristan villena. Oh di ba pangalan pa lang may dating na? Yummy pa" nag iimagine siguro ito. "Yun lang?" tanong ko. Eala namang kainteres-interes dun eh sinayang lang niya laway niya.

"Anong yun lang? Gaga ka talaga Claire kahit kailan. Sympre may bago ka na namang bihag". Napatigil ako sa ginagawa ko. "Bakit kailan pa ako naging abusayaf aber? ipaalala mo nga. At isa pa may Jheru na ako, di ko siya ipagpapalit." Kuntento na ako sa boy bestfriend ko aba.

"Ayun lumabas din ang dahilan kung bakit hindi nagkainteres sa bago naming classmate kasi puro ka na lang Jheru. Jheru dito, Jheru doon, Jheru everywhere nakakainis ka na, ang daming-daming nagpapansin at gustong manligaw sayo pero baliwala lang sila sayo" at siya pa may ganang magreklamo ah? eh' dapat kinakalbo yung mga kagaya niya. Dahil sa walang kakwenta-kwentang balita nya iniwan ko siya at pumunta ng canteen nagutom ako sa pinagsasabi niya. (light bulb on my head) AHA! Alam ko na irereto ko na lang kay Jessica yun para naman sumaya siya hehe.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now