Chapter 57: Balita?

143 11 0
                                    

Mary Claire Pov's

Tuloy-tuloy kaming naging masaya, akala ko nga kami na ee' pero dumating ang isang araw na unti-unti siyang nagbago. Hindi na siya yung Nicolai na minahal ko dati. At ito pa ang nalaman ko at narinig ko sa mga taong di ko inaasahan.

Nanggaling ako sa CR nang biglang marinig ko ang sinabi ni Mary Grace kaya naman napatigil ako sa pagbukas ng pintuan namin.
"Guys, alam nyo ba kung bakit laging absent si Nicolai?" Biglang tumahimik ang sa loob, bubuksan ko na sana ng biglang magsalita si Joana "Hindi nga ee' kawawa si Mary Claire." sabi ni cous Joana. "Kasi balita ko may ibang gusto ngayon si Nicolai." sagot naman ni Mary grace.

"Huh? sino naman?." takang tanong ni cous. "Si Lovely, yung crush na crush niya sincwle first year, balita ko pa nga ginagamit niya si Mary Claire para maging panakip butas. Sa ganda ba naman ni Lovely sinong di mai-inlove sa kaniya? Walang panama si Mary Claire sa kaniya" sabi ulit ni Mary Grace. "Akala ko ang rason ay may crush siya sa barkada natin at kung sino yun ang hindi ko alam." singit na sabi ni Gretchen. Maliban pa pala kay Lovely may iba pang gusto si Nicolai? Sino?. For all this time alam nila? Anong klase silang kaibigan kung ganon?

Nakaramdam ako ng kirot sa mga narinig ko, di ako makapaniwala na sa mga malalapit ko pang kaibigan nanggaling ang mga yun. Nakakatawa lang na araw-araw kaming magkasama ni hindi man lang nila nagawang sabihin sa akin? Bullshit.

Wala na akong narinig na nagsalita kaya naman itinulak ko ang pintuan at pumasok ako sa classroom habang kumakanta para di nila mahalata na may narinig ako.

Nakangiti pa akong umupo ulit sa kina-uupuan ko kanina at tiningnan silang isa-isa na parang nagulat. Well.

After 5 days.

Tumunog ang cellphone ko ng buksan ko number lang at binasa ko.

Unknown number: 090********

"Hi?." sino na naman kaya to?
"Sino to?." reply ko.
"Kulletz?" tawag ko kay Nicolai, yes! magkasama kami ngayon sa classroom namin, wala kasi kaming klase, busy ang lahat sa aquintance party namin. "Paki-tingin nga sa phonebook mo kung may nakasave sayo na number na ganito?"  sabay labas sa cellphone niya na Nokia 30 haha!

"Sorry, pero wala ee." sagot niya sa akin. "Sino kaya ito?." tanong ko sa kanya ng biglang magreply.
"Gerald pala to." reply sa akin ng unknown number, at Gerald daw ang name niya, pakiala ko naman? Ang bantot kaya. "Ahh, okey." reply ko kaya pala familiar yung text niya ee.  Kapatid siya ni Gretchen.

Oo nga pala, ako ang nanghingi ng number niya kasi na cute-tan ako sa picture niya na nasa cellphone ni Gretchen. Lumipas pa ang ilang weeks, at nanligaw si Gerald sa akin sa text.

Kinagabihan nag beep yung cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang nag text at binuksan ko ang message
"Hi makulit?." yan nga pala ang endearment namin. Uso kasi sa amin ang may endearment hahaha "Hello?." Tipid kong reply sa kaniya. "Musta na you?." text niya ulit sa akin. Jejepax hahaha!
Makulit nga pala tawagan namin, yun ang gusto niya kaya pumayag ako.

"Okey lang ako, eh ikaw?." reply ko sa kaniya at the same time tanong ko rin sa kaniya. "Okey lang din."-si Gerald. "May sasabihin nga pala ako sa makulit?." text pa rin niya sa akin. "Ano yun?." Walang gana kong reply. "Pwede ba kitang ligawan?." paalam niya. Napa-upo ako dahil sa nabasa ko, inulit-ulit ko tong basahin baka kasi nagkakamali lang ako ng nabasa pero tama naman ang pagkakabasa ko.

Tumanggi ako syempre, kasi may boyfriend na ako at mahal na mahal ko si Nicolai. Haller! hindi ako two timer noh? stick to one kaya ako.

"Sorry Gerald, ayaw ko kasi may boyfriend na ako at mahal ko siya." prangka kong text sa kaniya.
Pagkatapos kong itext yun, hindi na ako nagreply pa sa kaniya. At humiga ako balik sa kama.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now