Chapter 7: You have to go

326 24 3
                                    

Tatlong araw na akong hindi lumalabas sa bahay. Ayaw ko siyang makita, galit ako sa kaniya. Dahil nagugutom na talaga ako, wala sina mama at papa napilitan akong lumabas, habang palakad ako palapit sa tindahan nina Troy, nakita ko sina Anna, Marie at si Adrian. Mukhang nagpapaalam ito sa kanila. Babalik na sana ako sa bahay, nang makita ako ni Anna at tinawag ako. Kaya napilitan akong lumapit sa kanila.

"Kamusta na kayo?" Pangangamusta ko sa kanila pero hindi ako tumingin kay Adrian. "Okay lang kami, ikaw?" Tanong ni Troy. Mabait naman si Troy kaso kaibigan lang ang turing ko sa kaniya.

"Mary Claire?" Tinatawag ako ni Adrian pero hindi ko siya pinansin. Bumili na ako sa tindahan pagkatapos nagpaalam sa kanila. Ayokong makita niya akong umiiyak. No. Never again.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakasilip sa bintana. Hinahakot na palabas ni Adrian yung mga gamit nila. Ngayong gabi na pala sila aalis. Pupuntahan ko na lang siya mamaya.

Alas sais na ng gabi kaya naman, nagdesisyon akong puntahan sina Adrian. Nasa likod na ako ni Adrian pero hindi niya ako napansin. "Hi" mahina kong sabi. Narinig ako ni Adrian kasi huminto siya sa ginagawa niya. "Galit ka pa ba sa akin?" Kung titigan mo ang mukha ni Adrian makikita mong hindi talaga siya masaya. Haaaaay.

"Aalis na kayo?" Hindi ko sinagot yung tanong niya. Hindi ko naman alam kung galit ba ako o hindi. "Oo, hinihintay ko si mama" napipilitang sagutin ni Adrian. Kaya naman yumakap na ako sa kaniya "Sorry Adrian, kasi nasaktan kita, kasi hindi kita inintindi naging makasarili ako. Hindi ko man lang naisip ang kalagayan ni tita" humahagolgol kong sabi. Alam kong ramdam ni Adrian na basa na ang kaniyang damit dahil sa pag-iyak ko, pero hinayaan niya lang ako. Hindi ko namamalayan umiiyak na din pala siya. Ang sakit lang kasi.

"Hi iha" malungkot na sabi ni Tita. "Hello po, okay lang po ba kayo?" Nagpupunas ako ng mga luha ko. "Soon iha, magiging okay din ang lahat" naaawa ako kay tita kaya naman niyakap ko siya.

"Tita, mag-iingat po kayo palagi ni Adrian ah? Mamimiss ko po kayo" naiiyak kong sabi habang mahigpit ko siyang yakap. Gusto kong ipadama sa kaniya na may iba pang nagmamahal sa kaniya.

"Adrian, lets go". Tawag niya kay Adrian pagkatapos sa akin siya tumingin. "Iha, kailangan na namin umalis. Pasensya na kung kailangan namin umalis, huwag kang mag-alala babalikan ka rin niya dito. Hintayin mo lang siya ah? Ako na nakikiusap sayo. Sa totoo lang ayaw kang iwan ng anak ko". Bakit nagawa siyang saktan ng asawa niya? Ang bait kaya ni tita.

"Ingat po kayo palagi, please! tita ibalik nyo po sa akin si Adrian ah? Mamimiss ko po talaga siya at kayo na rin po".

"Ano ka ba naman iha, of course! Ibabalik ko talaga siya sayo di mo kailangan pa magmakaawa. Hijiramin ko lang siya sayo saglit". Sabay kindat sa akin ni tita. Shoooks! Ang sarap ipagdamot ni Adrian sa mama niya, pero wala akong karapatan para gawin yun, lalo na kailangan siya ni tita ngayon.

Ngumiti na lang ako. "Oh, hindi mo ba yayakapin si Adrian bago kami umalis?" Tanong ni tita. "Pwede po ba? Adriaaaaan?" Tawag ko sa kaniya, kausap kasi niya sina Troy. At lumapit siya sa akin, walang pasabing niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Nakatingin lang sa amin si tita habamg nakangiti. Pakiramdam ko walang planong magsalita ni Adrian kaya ako na ang unang kumalas sa yakap at nagsalita.

"Paano ba yan, goodbye na talaga?". Naiiyak na naman ako, ano ba to sobrang napakaiyakin ko ngayon ah.
"Hindi naman kita iiwan at kakalimutan, aalis lang kami pero babalik ako. Paano ba yan aalis na kami ni mama". Malungkot niyang sabi.

Tumango lang ako. "Huwag kang iiyak ah? At wag kang maghahanap ng iba". Sigaw niya habang umuusad na ang trysikel na sinasakyan nila papuntang terminal, uuwi muna sila sa probinsya nila.

Kumakaway ako hanggang nawala na ang tysikel sa paningin ko. Di ko napansin na lumapit na pala sa akin sina Anna, Troy at Marie para yakapin ako.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now