Chapter 52: Pasalubong

136 11 0
                                    

Mary Claire Pov's

Lumipas ang isang linggo nang mangyari ang tagpong iyon, at talagang iniwasan ako ni Hazel, sinubukan ko siyang lapitan at kausapin pero hindi siya pumayag. Kaya hinayaan ko na muna siya, may karapatan siyang magalit sa akin.

Kulletz Calling....

"Hello?" ako na ang unang nagsalita.
"Hi kulletz, andito na kami ngayon sa iligan sa timoga." nag-outing sila ngayon kasi reunion ng family nila.

"Sige, basta mag-iingat ka dyan ah? wag kang mambababae, kundi patay ka sa akin." Pagbabanta ko yun sa kaniya pero, joke lang yun. Masaya naman ako kung ano kami ngayon. Nakiusap si Nicolai na kung pwede ba daw namin totohanin ang lahat.

Flashback

Nasa classrooom kami non at nag-uusap.

"Mary Claire, pwede ba natin totohanin na lang to?" Sa sobrang gulat ko napatingin ako sa kaniya. Tiningnan ko kung ano ang naging reaksyon niya, pero talagang serysoso siya. "Bakit mo naman naisip yan?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. "Kasi, tingnan mo maayos naman yung relasyon natin atsaka pakiramdam ko na fa-fall na ako sayo" at parang bombang sumabog sa tenga ko ang mga sinabi niya at sa gulat ko napanganga talaga ako.

Di ko pa rin nakuhang magsalita agad para naman mataranta siya "I mean, pwede naman nating dahan-dahanin ang lahat ee" kabadong-kabado talaga siya hahahaha. Natatawa talaga ako sa pagmumukha niya na ewan ko ba paang matatae na hindi mo alam kasi pinagpapawisan siya.

"Hahahahahahahahaaha" di ko mapigilan at siya naman ang nagtataka "Okay" yun lang ang sinabi ko "Ta-talaga? Di ka na-nagbibiro?" Talagang makikita mong masaya siya. "Gusto mo bawiin ko?" Nakangiti ko ring sabi at umiling siya pagkatapos niyakap niya ako at bumulong siya ng "thank you".

End of flashback

"Hello, kulletz nandyan ka pa ba?" Dahil sa boses ni Nicolai, back to reality ako, at natatawa ako sa sarili ko kasi nakangiti ako na parang ewan. Ang baduy! "Oo, andito pa ako hihihi ano nga pala sabi mo?" sagot ko naman sa kaniya.

"Sabi ko, anong gusto mong pasalubong?." aww, ang sweet ng boyfriend ko. Hahahaha, pwede ko na talaga siya matawag na mine hihihi.
"Kahit ano basta galing sayo." hindi naman ako mapili lalo na galing sa kaniya.

"Sige, uuwi rin kami dyan mamayang hapon at magkita tayo bukas sa school ah?" Talagang magkikita kami may pasok kami eh. Kulang-kulang talaga hahahaha. February kasi kaya ayun di na nakakapagtaka. "Sige, bye." Nagpaalam na siya at pinatay ko na ang tawag niya, baka nakakaistorbo ako eh. Haaaay, ang sarap sa pakiramdam kapag inlove ka hahaha.

Kinabukasan, Nov. 19, 2012.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom nagtilian na yung mga bwesit kong classmates.

"Ayyyyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeeeeiiiiihhhhhhhh!!." anong problema nila, taka kong tanong sa kanila. Anong meron? Nababaliw na naman sila.

"Hoy! bat kayo kinikilig? anong nangyari?." Wala akong idea kung bakit sila ganyan ngayon, napapadalas ah. Sabay-sabay silang tiuro yung katayo sa pinakilid ng classroom na ito. At paglingon ko, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang bilis.

Ang tinuturo nila ay ang napakagwapong lalaki sa tinalupan sa balat na lupa, ang lalaking minahal ko si Nicolai. Dati payatot, bangkay, pangit, lampa ang tawag ko sa kaniya pero ngayon hindi na hahahahaha. Ang gwapo na niya sa paningin ko. Bwahahahahahaha ang labo ko rin noh.

"Hai kulletz, goodmorning?." bati niya sa akin ni Nicolai habang palapit.
"Hello, goodmorning din." Naiilang kong sagot sa kaniya. "Usap tayo mamayang reccess ah?." Bulong niya sa akin para magtilian na naman itong mga classmates ko. "Ang galing mo magpakilig noh? Yun lang ginawa mo pero kinikilig na sila sayo" at tumawa siya ng malakas "Basta mamata ah?" Ulit pa niyang sabi. "Sige." Yun lang ang sinabi ko at umalis na siya, napapailing ako sa kabaduyan niya, bat dito pa niya ginawa yun tsk! Alam naman niyang nandito si Hazel, ewan ko kung parte pa rin ba yun ng plano o hindi. Di ko siya classmate taga-kabilang planet siya estie section. Yun lang kinilig na mga barkada ko at classmates. Ako rin naman ee hahaha. Pumunta nabako sa upuan ko at nilapag ko don yung bag ko at lumabas ako ng room para pumunta ng c.r

Recess time.....

"Kulletz, akin na yang bag mo." Nagulat ako dahil pumasok bigla sa room si Nicolai, at talagang tinotoo niya yung sinabi niya, lumingon ako sa mga classmates ko at ayun na naman yung reaksyon nilang mapanukso at kinikilig, tsk! Binalik ko ang paningin ko kay Nicolai na halos mapunit ang mukha niya dahil sa pagkakangiti niya.

"Huh? bakit?" Lumabas na naman pagiging february nito panigurado.
"Basta may ilalagay ako pero wag kang titingin." ano na naman kayang kalokohan nito. "Ayaw ko nga! baka mamaya sigarilyo, shabu or kutsilyo ilagay mo sa bag ko eh." pagtanggi ko, napra-praning ako.

At gulat na gulat siya dahil sa pinagsasabi ko, napapailing at natatawa siya psh! "Hindi ano akala mo sa akin adik? Oo adik ako pero sayo" at narinig ko na naman tilian ng mga classmates ko bwesit. "Kasi ito yung pasalubong ko sayo pero wag mo muna titingnan ah? pagdating mo na sa bahay nyo."  sabay hila ng bag ko, kaya wala na akong nagawa, tumalikod pa siya para di ko makita kung ano ang nilagay niya sa bag ko.

Maya't-maya humarap siya sa akin at nanghingi siya ng favor.
"Khulletz, pwede favor 5 minutes lang." bigla niyang tanong.
"Huh? ano yun?."-ako. Nakita kong nagbuntong-hininga siya bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-holding hands?" nahihiyang tanong niya, haaaaaay nakooo! wala talaga kaming experience sa mga ganito kasi parehas kaming first timer. Kumbaga first love namin ang isa't-isa eh. 

"Oo, sige." (holding hands) 1..2..3..4..5 pagkatapos bumitaw na siya. At ibinalik niya sa akin yung bag ko at hinalikan ako sa noo at lumabas na siya. Nakita kong namumula mukha niya, ano yun? Kinilig? Hahahahahaha. Ang baduy.

Sa bahay......

Pagdating ko ng bahay kinalkal ko agad ang bag ko. Nagulat ako sa nakita ko dalawang balot ng chocolate. How so sweet 💖. Kaya ang ginawa ko kumuha ako ng isa at kinain ko ang sarap! kaya ito ako kilig to the max. Huminga ako sa kama habang nilalasahan yung chocolate.

Natatandaan nyo nung una kaming nag-usap, na naninigarilyo siya? pero ngayon itinigil nya para sa akin akalain mo yun nakaya niya sa loob ng 2 weeks at mas pinili niya ako kaysa sa bisyo niya, kaya nga love na love ko siya eh. Pero dahil karugtong na ng buhay niya ang paninigarilyo niya nagkasakit siya at yun ang dahilan kong bakit 1 week din siyang absent kaya di ko na siya pinagbawalan.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα