Chapter 24: Call sign

189 13 7
                                    

Isang linggo ang dumaan noong pinatawag kami sa guidance office. Hinawakan ako ni Jheru sa kamay at hinila. Alam ko kung saan na naman kami pupunta. Palagi naman eh hahahaha. Matapos ng lahat ng kaguluhang kinasangkutan ko, mas lal,o pang tumibay ang pagkakaibigan namin ni Jheru. Ang masasabi ko lang, ang swerte ko.

"Moo, ano sayo?" tanong niya sa akin. "Anong moo? hindi ako baka ah" pagbibiro ko sa kaniya, napakamot siya sa ulo niya. "Callsign natin yan" nakangiting sabi niya. "Anong callsign na pinagsasabi mo dyan?" di ko talaga gets eh. Napabuga siya ng hininga niya 

"Alam mo Mary Claire, minsan may pagkaslow ka rin noh? kaya nga minahal kita kasi may pagka shunga ka minsan" alam kong inaasar niya lang ako, pero bakit hindi ako naiinis sa kaniya ngayon? kinikilig nga ako eh hahaha. "Ang bantot kaya hahaha"  nakita kong nalungkot siya hayts. Oo na, Moo na kugng moo napapailing kong sabi. 

Dahil wala pa akong mapili na pagkain, siya na lahat kumuha. Kung ano-ano ang pinagdadampot niya na pagkain, hindi naman namin kayang ubusin. Pinabayaan ko na lang siya, nakikita ko siyang masaya eh. Sa araw-araw na ginawa ng diyos laking pasasalamat ko na binigyan niya ako ng isang Jheru, kapalit ba ito ni Adrian? kamusta na kaya siya? ipinilig ko yung ulo ko, para maalis sa isip ko si Adrian.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon