Chapter 17: Another one

201 16 3
                                    

Bakit parang pakiramdam ko may kakaibang mangyayari ngayong araw. Ewan, feeling ko lang.

"Hi Mary Claire, goodmorning" masayang bati ni Janiel sa akin. "Tamang-tama ang dating mo. Baka pwede naman pakitulungan ako sa mga dala kong libro ang bigat eh". Sabay abot ko sa kaniya ng mga libro.

"Sorry di kita pwedeng tulungan" at umalis ng walang pasabi. Anyare don?Sayang siya pa naman ang bet ko. Minus two points. After 10 years, sa wakas dumating na ako sa 5th floor. Mamaya lang si Janiel sa akin.

Malapit na sana ako sa room ng biglang humarang sa akin si Elvira, isa mga kaibigan namin ni Jheru.

"Halika, bilisan mo may ipapakita ako sayo sa room" at tinulungan na niya akong magdala ng libro. Hindi na niya ako hinintay makasagot at iniwan na niya ako. Palapit ako ng palapit sa classroom, palakas ng palakas naman ang kabog ng dibdib ko.

Nagulat ako ng makita kong may hawak na isang tangkay ng rosas. But this one, totoong rosas at may kasamang maliit na papel at may nakasulat na Ang pagmamahal ko sayo ay parang itong rosas, totoo. Kasi totoo ang nararamdaman ko para sayo. Tapos biglang kumanta ng ako'y sayo at ika'y para sa akin si Janiel at sa blackboard may nakadakit na kartolina at may nakasulat na pwede bang manligaw?

Kung nagulat ako sa effort ni Nikki, mas nagulat ako sa ipinakita ni Janiel ngayon. Wala akong masabi. At ang sagot ko sa tanong ni Janiel, oo. Kaya naman masayang-masaya siyang lumabas ng classroom. At ako ay namumula dahil sa katutukso ng mga kaklase ko sa akin..

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now