Chapter 38: Modeling

174 10 0
                                    

MARY CLAIRE POV'S

Time check. 7 o'clock in the evening. Dapat 9 o'clock, I've already than to preparing myself. I forgot to tell you guys we go to "ARENA", because this day, is the biggest day for Jheru. remember? he's a model, not only model. actually his the top 1 model and his a famous. Sa mga ganitong bagay, wala pang nakakalamang sa kanya, at alam kong siya ulit ang mag-uuwi ng trophy.

Syempre mawawala ba naman ako? eh ako nga ang number one and big fan nya, at isa pa bestfriend ko siya. Kaya kahit sa ganitong maliit na bagay eh naipapakita ko ang suporta ko sa kanya, kabayaran na rin sa lahat ng ginagawa niya para sa akin. Susunduin nya ako dito sa bahay at nakapagpaalam na siya kina mama at daddy.

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan kaya naman bumaba na ako at nagpaalam na. "Are you ready?" Ako pa ang tinanong, ako ba ang lalaban kasi sa pagkakaalam ko siya.

"Oo naman noh, at bakit ako ang tinatanong mo nyan? di ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan?". Pabalik kong tanong sa kaniya.

"Hindi na kailangan alam ko naman yan eh at sanay na ako sa ganyan ako pa?". mayabang nyang sabi confident ang gago. "Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa "Ang gwapo natin ngayon ah?" Puri ko sa kaniya, panigurado titilian na naman ito ng mga baby girls niya.

"Matagal na, ngayon mo pa ba alam?" At tumawa siya. "Okay, wala na akong sinabi, tara na nga baka ma-late ka pa at ako ang sisihin mo." At ini-start na niya ang sasakyan.

After 30 minutes.

Papasok pa lang kami sa main gate ang dami ng nagtitilian na mga girls.
"Whaaaaaaaa! girls tingnan ninyo di si jheru yun? ang gwapo talaga nya." sabi nung isang girl kay bestfriend.
"Whaaaaaaaa! Oo nga! siya nga, let's go girls pa-picture tayo sa kanya" at hinarangan na nga kami ng mga babae.

"Ahhh-ehhh! Jhe-jheru, pwede kami magpapicture sayo?" Kinikilig tanong ng isa sa mga babae.

"Oh sure! no problem" nakangiting sagot ni bestfriend at kinindatan pa niya ito. Ayun ang babae akala mo hihimatayin. Haynako! Di man lang tumanggi itong kumag na to, masyadong mabait. Ang masaklap ako pa ang nautusang kuhaan sila ng picture, pasalamat sila mahal ko bestfriend ko.

"Okay, tapos na ang selfie kasi mala-late na yung bestriend ko". awat ko sa mga babaeng parang linta kung makadikit at makahawak kay Jheru. na sila ee. "Paaano ba yan girls, nagseselos yung bestf--". bago pa nya matapos yung sasabihin nya, hinila ko na siya.

Narinig ko pa ang sinabi ng mga babae na kesyo maganda daw ako at pwedeng sumali sa modeling.
"Sabi ko naman sayo Mary Claire eh! May potential kang maging model, ayaw mo ba nun palagi na tayo magkasama. Teka lang, kanina mo pa ako hinihila". Nagawa pang magtanong ng kumag. Hindi oo pinansin yung suggestion niya na sumali na ako sa ramp model kasi malaki ang chance ko daw na makuha ako at matatalbugan ko pa daw yung ibang girls. Kaso nga lang ayoko ng magulong mundo. Ilang beses na niya akong kinukulit tungkol dito pero hindi pa rin niya ako nakukumbinse.

"Bakit hindi eh magsisimula na ang show oh?" sabay turo ko sa stage, kaya dali-dali siyang pumunta sa back stage. Kita mo nagmamadali na tuloy siya, napailing na lang ako na natatawa.

Halos mabingi ako dahil sa mga tilian at sigawan ng mga audience, pakiramdamn ko tanggal lahat ng luga ko sa tenga. Napuno talaga ang buong arena, malaki siguro ang kikitain nila ngayong gabi. Umabot ng tatlong oras ang nasabing program pati ako namanaos na rin dahil sa kasisigaw ng pangalan niya. At tama na naman kami kasi siya ulit ang nanalo. Panay bati sa ang kanyang natatanggap, nakita niya ako at lumapit siya, inabutan ko siya ng mineral water alam kong uhaw na siya at nagpasalamat siya.

Pawis na pawis siya kaya naman kumuha ako ng panyo at pinunasan ko siya ng pawis. May tunapik sa kaniya na sa tingin ko ito ang head ng management nila, ang gwapo pang model din ang datingan. Ilang babae na kaya ang pinaiyak nito? Matanong nga mamaya si Jheru.

"Congratulation Galvez, sabi ko na nga ba ikaw pa rin ang mag-uuwi ng title give chance to other naman hahaha" at nakipag shake hands ito sa kaniya at napatingin ito sa gawi ko.

"Sino tong kasama mong magandang babae? Akala ko ba wala kang girlfriend?" At inabot niya sa akin yung kamay niya. "Mark Gonzalo nga pala, head manager ng management nila" at tinanggap ko ang pakikipag kamay niya. "Mary Claire Drilon, supportive bestfriend ever ni Jheru" at tiningnan ko si Jheru.

Bumaling naman si Mark kay Jheru "Bakit di mo sinabi na may kaibigan ka palang maganda, para maisali natin siya" at ako na ang sumagot "Sorry sir, pero wala po akong hilig sa mga ganyan, masaya na po ako na nasusuportahan ko si Jheru" tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala na tatanggihan ko siya well, ibahin niya ako.

"Sige Ms. Drilon, kung sakaling magpabago ang desisyon mo sabihin mo lang kay Jheru at ikaw naman pare please! kumbisihin mo siya para sa akin bilang kaibigan huwag mo ko tingnan bilang manager" tumango lang si Jheru at umalis na ito.

Naiiling na nakasunod ang tingin sa papalayong Mark, "Mukhang tinamaan sayo si Mark" at kinuha na niya ang mga gamit niya para umuwi na. Habang naglalakad kami binati ko siya "Jheru, congrats, wag mong kalimutan ang libre mo sa akin ah?". walang paligoy-ligoy kong sabi, makapal na kung makapal ang mukha kahit kailan hindi ako magkakaroon ng paki hahaha.

"Alam ko na yan, ikaw talaga kahit kailan ang takaw mo, kaya ka tumataba eh" pero parehas naming alam na kahit gaano ako kalakas kumain ay hindi ako tumataba. Sabay kaming napatingin sa isa't isa at tumawa ng malakas.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon