Chapter 28: Tampo mode

172 14 1
                                    

Natapos na ang Christmas break, kaya naman pasukan ulit. Sa wakas nagkita ulit kami ng bestfriend kong to.
"Namiss kita" niyakap siya ng mahigpit. Pagkatapos umupo na siya. Tumabi naman ako sa kaniya. "May problema ba?" Nag-aalala ako sa kaniya. "Wala" ang tipid niyang sumagot ngayon noh?

"Baka ayaw mo lang sa akin sabihin.
Di naman ganyan ang magiging mukha mo kong wala." Synpre kilala ko to. Umiling lang siya, "Meron nararamdaman ko, naku Jheru bestfriend kita kaya kilalang-kilala na kita". Kampante ako.

"Ayun naman pala eh! bestfriend mo ko dapat alam mo ang dahilan." Nagtatampong sabi niya.
"Kaya nga bestfriend mo ko, para pag may problema ka sasabihin mo sa akin hindi yung sinasarili mo, ano pa ang silbi ko sayo? kaya please sabihin mo na" di pwede sabayan yung tampo nito, lambing kailangan ng lalaking to. Ayaw mong sabihin ah? May kasabihang kung di mo makuha sa santong dasalan, kunin mo sa santong paspasan. Kiniliti ko siya hanggang sa sumuko na siya.

"Oo na, sasabihin ko na sayo, ang kulit mo. Ang sakit na ng tyan ko katatawa" di ko masasabi kung naiinis siya o natatawa. Tama ako, kulang sa lambing hahahaha.

"Di mo kasi sinabi sa akin na kayo na pala ni Janiel, na sinagot mo na pala siya. Nakakapagtampo lang, eh di ba dapat ako ang unang makakaalam nun, kasi ako ang bestfriend mo? buti pa ang iba alam na samantalang ako na bestfriend mo nagmumukhang tanga". Yun lang ikinatampo na niya? Hahahahaha.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Sige, tumawa ka lang dyan ng matuluyan ka na" aalis na sana siya ng bigla kong hawakan ang kamay niya. Habang ako nagpipigil ng tawa.
"Sorry Jheru di ko alam na yun ang ikinatatampo mo eh! Atsaka never ko naman sinagot si Janiel kaya never din naging kami" paliwanag ko habang pigil na pigil ko ang matawa.

"Alam mo naman na ayaw kitang ma issue ulit di ba? halos masaktan ako sa mga naririnig ko kahit na hindi totoo?  Yung iba ang sinasabi sayo ay  Grabe talaga si Mary Claire napaka flirt niya. Di ba niya alam ng dahil sa kaniya kaya nawala sina Jheru at Elizabeth tapos ang pinatulan pa niya bestfriend pa ni Jheru" pagtatapos niya. Masakit ah? bakit kailangan siya pa ang makarinig nun? alam ko naman ng dahil sa akin kaya nagkahiwalay sila ni elizabeth eh.


"Sorry jheru" yun lang ang nasabi ko.

"Wag kang mag-sorry, hindi mo naman kasalanan yun eh! atsaka ako ang nagdesisyon na ikaw ang pinili ko. Masaya ako dun at hinding-hindi ko pinagsisisihan yun,alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sayo diba?" Malambing niyang sabi habang hawak ng isang kamay niya yung mukha ko.

"Crush ko lang si Janiel, hanggang doon lang yun, mas mahalaga ka kaya sa akin" niyakap ko siya. "Galit ka pa ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya habang yakap-yakap ko pa rin siya. Naramdaman kong umiling siya at napangiti ako. "Hindi ka na rin nagtatampo?" Umo-o siya " So it means bati na tayo?" Paninigurado ko.
Akalain mong sumagot ng hindi. "Akala ko ba hindi ka na galit at nagtatampo? Eh bakit hindi tayo bati?" Mataray kong sabi sa kaniya.

"Ano ka ba hindi tayo magbabati kasi, di naman tayo nag-away eh' ang slow mo rin eh noh?" paliwanag niya. Ang sweet ng mokong na to hahaha. At least okay na kami.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant