Chapter 8

1.1K 43 1
                                    

Chapter 8:



Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang paborito kong t-shirt at pantalon. Hindi ko pinapansin ang ilang reklamo nila mama na ang tagal ko raw sa kwarto.

"ANO KA BA NAMAN KATH?! HUWAG MONG PAGHINTAYIN SI ALEX DITO!" Dabog akong lumabas ng kwarto at halos tumigil ang mundo ko nang makita ko siya.

Umiwas ako ng tingin, bakit ba ako nagkakaganito?

"Tara na babe! Sige po, aalis na po kami." Hinalikan niya sa noo si mama at tango naman kay ate. Wala si papa rito kaya hindi na kami nakapagpaalam.

"May sakit ka ba?" Para akong nakuryente nang hawakan niya ang noo ko.

"Kahapon ka pa tahimik," mahinang sabi niya, nag-aalala.

Ngumiti lang ako, natigilan siya sa tugon ko. Hindi ko alam pero habang tumatagal ayoko na sa ganitong lagay namin.

"Andito na tayo," masayang sabi niya.

Nilibot ko ang mata ko, ang ganda rito. Parang kahit papaano ay nakalimutan ko ang problema ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan na umupo kami sa damo. Pareho kaming tahimik, ayoko rin magsalita.

"Alam mo, dito ko siya dinadala no'n." Malayo ang tingin niya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Paborito niya rito kaya halos araw-araw nandito kami." Hindi niya pa rin ako tinitignan.

Hindi ako makapagsalita sa mga naririnig ko. Kung dati nagagawa ko pang biruin si Alex tungkol sa ex niya, ngayon ay hindi ko magawa.

"At itong lugar na rin na ito ang dahilan kung bakit pinanghahawakan ko pa rin siya simula noon." putol niya.

"Mahal mo pa rin ba siya?" tanong ko, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob.Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko.

"Ipinangako ko sa sarili ko noon na kapag bumalik ako rito na hindi na ako umiiyak at umaasa. Ibig sabihin, hindi ko na siya mahal."

Hindi ako kumibo, sumandal siya sa balikat ko.

"May bagong minamahal ako." Ngumiti siya at sa malayo nakatingin.

"Sino?" Ngumiti siya, hindi pa rin niya ako tinitignan.

"Kilala mo siya." Tinignan niya ako at niyakap nang mahigpit.

"Natatakot ako na baka mawala siya kapag umamin ako."Umiwas ako sa tingin niya. Nanikip ang dibdib ko sa narinig ko.

Sakit.

"Pwede mo ba akong tulungan kung sakali na aamin ako?" Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Oo naman,"

"Nasa department niyo rin siya." Hinaplos ko ang buhok niya.

Ngayon, sigurado na ako kung sino nga ba siya sa buhay ko.

"Kapag ikaw kinalimutan mo ako, FO na tayo!" singhal ko. Tumawa siya na parang iniinis pa ako.

Natigilan siya sa sunod na ginawa ko, kahit ako natigilan. Nakalimutan ko bigla na nagpapanggap kami.

I kissed his forehead. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa.

"Talaga lang na hindi mo ako gusto ha?" hambog na tanong niya dahila para itulak ko siya.

"YUCK! HINDI TALAGA!" He chuckled, tumayo siya at inalok sa akin ang kamay niya. Inalalayan niya akong tumayo.

"Sorry pala no'ng nakaraan." Binitawan niya ang kamay ko.

"Para saan?"

"Hinalikan kita rito." Tinuro niya gilid ng labi niya.

"Nakuha ko 'ata first kiss mo," halos pabulong na sabi niya, nahihiya. Pero parang nagyayabang pa rin.

"Ikaw nga, kup4l ka eh!" Ngumisi siya.

"Gano'n ba? Teka, may nakalimutan ako."

Halos nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

"Ayos ba?" Ngumisi siya. Tumayo siya sa harap ko at nakangising tinitigan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pisti! Hinalikan niya ako sa labi. Wala na! First kiss ko na siya!

Itutuloy.... 

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon