Epilogue

1.8K 65 5
                                    

EPILOGUE:

"Class dismissed, don't forget to review for your exam tomorrow." Mabilis na tumayo ang mga estudyante ko at nagpaalam na.

Huminga ako nang malalim at ngumiti sa mga estudyante ko na lumalabas na ng room. Ilang taon na rin akong nagtuturo at sobrang mahal ko talaga itong trabaho ko.

Inayos ko na ang gamit ko at nabigla ako nang nahulog ang ring sa ring finger ko. Mabilis ko itong dinampot at sinuot ulit. Lumabas na ako ng room at napansin ko na nakatingin sa kawalan ang isa sa mga estudyante ko.

"Anak may problema ba?" Lumingon sa akin ang bata.

"Ma'am, wala po kasi akong pambili para sa project bukas. Hindi po ako makakabili kaya pwede pong sa susunod na araw ako magpasa?" Ngumiti ako at tumango.

"Thank you ma'am!" Ngumiti ito sa akin at tumakbo na papalayo.

" Ma'am Kath!" Tumakbo sa akin si Monica at niyakap ako.

"Hello, Nurse Monica!" Pareho kaming tumawa at niyakap ang isa't isa. Isa na rin siya sa mga best friend ko.

"Hoy sis! Alam mo ba si Ice? Engaged na sa girlfriend niya! Tapos ito naman si Rya? Kay Jasper pala ang bagsak! Tapos si Denise naman buntis na! Hindi ko kilala boyfriend niya sayang!"

Tumawa ako, chismosa talaga 'tong babae na ito

.

"Tapos ako? May boyfriend na ako!" Mabilis akong lumingon sa kaniya, gulat na gulat.

"Gagx ka? Seryoso ka ba?" Tumango siya.

"Hulaan mo kung sino!" Naningkit ang mga mata ko.

"Sino? Huwag mo na akong pahulaan, gagawa pa ako ng exam ng mga bata!" Tumawa siya. Mabilis na namula ang buong mukha niya.

"S-Si Ryan." Mabilis ko siyang hinampas sa sagot niya.

"Hoy? Seryoso ka ba? Gagx! HAHAHAHA! Balak mo bang mag-alaga ng bata?" Umirap siya sa akin.

"Malay ko bang magugustuhan ko siya!"

Tumawa ako at hindi maiwasan na maging masaya para kay Monica. Isipin mo, si Ryan pala ang magiging boyfriend niya after 7 years!

Lumingon siya sa akin.

"Ikaw sis? Ayaw mo bang mag boyfriend?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Ilang taon mo na siyang hinihintay, Kath. May karapatan ka rin naman na sumaya at magmahal ulit sa pangalawang pagkakataon."

Kumirot ang dibdib ko pero hindi na katulad ng dati. Masasaktan pa rin ba ako kapag nagkita ulit kami?

"Hindi ko naman na siya hinihintay, alam kong hindi na siya babalik."

Mabilis kaming naglibot sa isang mall at bumili ng mga gusto namin bago kami maghiwalay.

"Nakakaloka! Pupunta na naman akong hospital! Sige na sis! Babye!" Tumango ako at ngumiti.

Sa hindi inaasahan, nadaanan ko na naman 'yong park. Ilang taon din akong hindi pumupunta rito. Matapos ko kasing makatapos ng pag-aaral. Lumipat na kami sa ibang lugar para roon na tumira. Sa kasamaan palad naman ay rito ako pinagturo malapit sa lugar na tirahan namin noon.

Umupo ako sa bench at huminga nang malalim.

Tinignan ko ulit ang promise ring na binigay sa akin ni Alex. Hinubad ko ito sa kamay ko

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now