Chapter 5

1.4K 54 2
                                    

Chapter 5:

Halos buong araw lang ako na tulala sa klase at hindi kumikibo. Lumabas ako ng room at hindi ko napansin na sumunod si Denise sa akin. Nasa hallway kami ni Denise nang magsalita siya.

"Kathy, huwag ka sanang magagalit. Pero totoo ba na may kayo ni Alex? Grabe, kalat na kalat kasi ang chismis hanggang sa department natin." Napailing-iling ako, best friend ko naman siya at deserve niya na malaman ang totoo.

"Kasi Denise sa totoo lang." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang kup4l na hindi ko alam ay bigla na lang sumulpot sa kung saan.

"Yes, I'm her BOYFRIEND and she's my girlfriend. May masama ba roon? Chismosa nito. " Napakamot ng ulo si Denise.

"Sungit mo talaga, bahala na nga kayo diyan." Nagkibit balikat ako at inis na tumingin kay Alex.

"Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanila na nagpapanggap lang tayo!" singhal ko na ngisi lang ang tinugon sa akin. Tinaas ko ang gitnang daliri ko sa kaniya dahilan para pitikin niya ang noo ko.

"Bad," singhal niya.

Iniripan ko siya at hinaplos ang noo ko."Masakit 'yon ah!" inis na sabi ko. Tinalikuran ko siya at dabog na lumakad paalis.

"Ihahatid na kita sa inyo, BABE. Huwag ka nang umangal at magdabog." Hinawakan niya ako sa kamay at nagmamadaling lumabas ng gate ng school.

Mabilis kong binitawan ang kamay niya dahilan para tumingin siya sa akin. Nang makalabas kami ng gate napansin ko ang masamang titig niya sa kabilang kalsada. Nang sulyapan ko ito, natawa ako sa nakita ko.

"Mahal pa ang ex," bulong ko.

"Matagal na akong walang feelings sa kaniya. " Tumawa ako nang malakas.

"Ang sabihin mo nagseselos ka lang!" singhal ko dahilan para ngumiwi siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at diretso kami na naglakad. Mabilis ko naman hinampas ang kamay niya pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko dahilan para mas lalo akong mainis. Pikon talaga 'to eh.

Napansin ko na may kinuha siya sa medical bag niya. Ngumiti siya at pinakita sa akin ang stethoscope niya.

"Tignan mo gagawin ko." Nabigla ako nang lapitan niya ako at tinapat ang stethoscope sa dibdib ko. May pinihit siya sa stethoscope niya, hindi ko alam tawag do'n 'di naman kasi ako nursing student. Ngumisi siya at nagulat ako sa sinabi niya.

"Bilis ng tibok ah, sure ako, na ako ang laman niyan." Mabilis akong kinilabutan sa sinabi niya at hinampas ang kamay niya.

"Tigilan mo nga ako! Puro ka kalokohan! Bwisit ka! Diyan ka na nga!" "Hindi ba tayo sasakay?" Umiling siya.

"Babe, sa braso." Kumunot ang noo ko.

"HOY! MANDIRI KA NGA! ANONG BABE?! MASYADO MO TALAGANG PINANININDIGAN NA MAY TAYO?!"

Pumantay siya sa mukha ko dahilan para matitigan niya ako nang maayos sa mata. Bigla akong hindi mapakali. "Huwag kang masyadong maingay. Kasi," Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ako. Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko.

"H-Hoy! Lumayo ka nga!" sigaw ko, mas lalo pa siyang lumapit sa mukha ko dahilan para magtama ang tungki ng ilong namin.

"Hindi ako magdadalawang isip na," putol niya sa sasabihin niya.

"Hoy ano bang sinasabi mo? Doon ka nga!" Tinulak ko ang mukha niya dahilan para mapaatras siya.

"Hindi ako magdadalawang isip na halikan ka kapag patuloy mong pinagkalat na nagpapanggap lang tayo."

Para akong nabingi sa narinig ko.

"A-Ano?" utal na tanong ko.

"Ano naman kasi? Wala naman talagang tayo! Baliw ka ba? At hello? Ayoko nga maging rebound ng ex mo!" Tumayo siya nang maayos at tinignan ulit ako sa mata.

"So may gusto ka na sa akin niyan?" Mabilis ko siyang pinaghahampas sa braso.

"Alam mo kadiri ka! Sobrang labo na magkagusto ako sa katulad mong kupal!" Nagpogi points pa siya na as if biro ang sinabi ko.

"At kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto sa 'yo, Alex. May iba akong gusto." seryosong sabi ko na tanging malakas na tawa niya lang ang tugon.

"Sabi mo iyan ah, I won't say anything against what you've said." Ngumisi siya dahilan para mas mainis ako.

"Alam mo? Kup4l ka talaga, umalis ka na nga diyan!" Tinulak ko siya at nagsimula nang lumakad papalayo. Pero dahil mahahaba ang hiyas ni mokong, halos nasabayan niya lang ako.

"Takbo ba 'yan? Bakit parang lakad ko lang ang katumbas ng mga takbo mo?" Tumawa siya nang malakas na malakas na mas lalo ko talagang ikinais.

BWISIT KA TALAGA SALAZAR!

"I HATE YOU! BWISIT KA TALAGA ALEXANDRO KETH P. SALAZAR!" Huminto ako sa paglalakad at nagdabog sa harap niya.

Hindi ako pabebe, nakakainis talaga 'to! He shrugged and pouted his lips.

Yuck, iw!

"I love you with all my heart, Kathrayne Rose C. Vergara!"Nag heart sign pa siya sabay kindat sa akin.

HELP GUYS! HELP PLEASE! KADIRI!



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now