Chapter 19

1K 39 2
                                    

Chapter 19:

Iniwan niya akong umiiyak sa 5th floor. Ayoko na, last ko na 'to.

"Sa susunod na magkita tayo, sisiguraduhin ko na hindi na ako iiyak. Diretso kitang titigan sa mga mata mo at magagawa ko nang ngumiti na hindi na nasasaktan." sabi ko, umiiyak at pinahid ang mga luha ko.

Lumingon ako sa hallway at halos magulat ako sa nakita

Lahi ba talaga sila ng kabute?

"I-Ice?"

Walang buhay niya akong tinignan at boom! Snob! Hindi niya ako pinansin! Pumunta siya sa pinakadulo na pwesto at nagsuot ng headphones. Parang others!

Infairness, hindi ko pa rin siyang naririnig magsalita.

"K." Iniripan ko siya at hindi pinansin.

Nakakahiya! Nakita niya ba na umiiyak ako? Umirap ako sa hangin at naglakad papunta sa hagdanan. Nagsimula na akong humakbang pababa habang may hinahalukay sa bag ko. P1sti! Nasaan na kaya 'yong folder ko?

Nagulat ako nang may nagsalita sa harap ko.

"Okay ka lang?" Dahil sa gulat namali ako nang hakbang sa hagdan.

Napapikit ako nang mariin dahil alam kong masasaktan ako kapag namali ang bagsak ko.Pero hindi, wala. Dinilat ko ang isang mata ko at halos namula ang buong mukha ko sa nangyari. Mabilis akong tumayo nang maayos at nanghingi ng sorry kay Jiro.

Sht, anong klaseng position 'yong kanina? Halos mahalikan ko na siya sa labi. Buti na lang hawak niya ako sa bewang. Tumawa siya at tiningnan ako.

"Okay ka lang?" tanong niya ulit.

Tumango ako.

"Nakita kita kausap mo si Alex kanina. Iniwan ka niyang umiiyak kaya tumambay muna ako sa 4th floor. Alam ko naman na gusto mong mag-isa." Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya.

"Huwag mo akong tignan nang ganiyan. Tambayan naman nila Ice sa 5th floor." Ngumiti siya.

"Have you seen him?" Tumango ako.

"Hindi niya ako pinansin pero nakita niya akong umiiyak kanina." Nagsimula na kaming humakbang pababa ng hagdan.

"Gano'n talaga si Ice, he's a psychology student too. I mean, halos lahat kami."

Cool, siguro mga manipulative 'tong mga ito.

"We are not." Nanlaki ang mata ko at biglang yumuko.

Putr4gis. Mga weirdo talaga!

"Hindi kami weirdo." Tumawa siya, tawa ng isang anak mayaman.

Umirap ako sa hangin. Sumulyap ulit ako sa kaniya at napansin ko na hindi niya suot ang white uniform niya. Suot niya rin ang eyeglasses niya dahilan para umangat ang kagwapuhan nito. Hindi na ako nagtaka kung bakit ko 'to naging crush.

"Saan ka pala galing kanina?" Sumulyap siya sa akin.

"Kasama ko sila Ryan, galing kami office ng dean. Ipinatawag kami at binati lang kami."Kumunot ang noo ko.

"Kasama kami sa dean's lister."

Pumalakpak ako at natatawang nag congrats sa kaniya. Ibang klase pala ang mga weirdo na 'to. Nang makababa kami ay dumiretso kami sa department nila. Pumasok siya sa isang room at naghintay lang ako sa labas. Nang lumabas siya sa room ay nagtaka ako bakit wala man lang ni isang estudyante rito.

Lumapit siya sa akin at inayos ang suot niyang eyeglasses.

"I don't want to call your first name. Since Alex used to call you Kath. So maybe I can call you by your second name?" Tumango ako.

Nagulat ako nang marahan niya akong hinatak at niyakap sabay tingin sa mga mata ko. A-Anong? 

Naramdaman na may taong naglalakad papalapit sa pwesto namin. Lumingon ako at nasaktan ulit ako sa nakita ko.

Alex at Monica.

Pero nawala ang atensyon ko sa kanila nang yakapin ako ni jiro at hinaplos ang pisngi ko.

"Ang ganda mo, sobrang ganda ng mga mata mo. Hindi ka dapat umiiyak sa TAONG WALANG PANININDIGAN. "

Napalunok ako, naramdaman ko ang titig nilang dalawa.

Salamat, Jiro.

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now