Chapter 2

2.1K 69 2
                                    

CHAPTER 2:

"Pretend to be my girlfriend." Mabilis ko siyang binatukan.

"Ulxl! Umasa ka! Bahala ka diyan Alex! Boang ka 'ata, hindi tayo talo." Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis. Hindi ako tomboy, pero hindi rin ako bisexual. Sinabi ko lang 'yan kasi nahihibang na naman siya.

"Dali na! Libre kita!" sigaw niya, napaisip ako. Libre raw? Sino bang hindi tatanggi sa libre?

"Ano? Hoy! Pumayag ka na kasi!" Naglakad ako pabalik at inakbayan siya.

"Libre ba kamo? Sige, payag ako. Siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak." Ginulo niya ang buhok ko at nag-apir kaming dalawa.

Sabay na kaming umuwi, malamang kapit-bahay ko lang si Alex. Simula bata pa kami ay magkasama na kami palagi at talagang magkasundo kami. Pumasok na ako sa gate at nagulat ako na pumasok din siya sa loob.

"ANO NA NAMAN BA ANG GAGAWIN MO RITO?!" pasigaw kong tanong. Malapad siyang ngumiti at dumiretso na sa loob.

Ang bastos talaga nitong lalaki na ito! Narinig ko na tinawag niya sila mama kaya pumasok na ako. Kumunot ang noo ko nang nakita kong nakangiti sila mama at papa. Ano na naman ba 'tong sinabi ni Alex?

Pumunta kami sa kusina at nakita kong naghahanda na si Ate ng hapunan namin.

"Kain na kayo!" Sumenyas pa si ate na umupo kami. Nakita kong mabilis na umupo si Alex. Ngumiwi ako, bida-bida talaga 'tong si Bebot. Sumunod na umupo sila mama at ako.

Habang kumakain kami ay narinig ko ang paulit-ulit na tanong nila mama.

"Balita ko break na raw kayo ni Monica? Totoo ba?" tanong ni mama. Chismosa talaga ito si mama, kahit kailan talaga.

"Opo, mga dalawang buwan na ang nakalipas. Pinagpalit ako sa kaklase niya, mayaman po kasi." Mabilis na umikot ang mata ni ate.

"Ikaw Kathrayne? Hindi ka ba magjojowa? Naku ka anak, kaya bugnutin ka." Mabilis na umasim ang mukha ko. Tumawa si Alex nang mahina.

"Kath kasi ma! Ayoko pong magjowa, masakit lang sa ulo 'yan." Tumawa si papa at tinignan si Alex.

"Ikaw naman kasi Alexandro! Ayaw mo pang ligawan 'to si kulit!"

"Pa! Malaki na po ako!" Nagtawanan sila ate, kainis talaga! Buti na lang si Alex lang nandito.

Napansin ko rin na umasim mukha ni Alex. Tumawa ako nang malakas, tingin niya ba makakatakas siya. Hoy! Kahit ako? Ayoko sa name ko!

"Sa totoo lang po tatapatin ko po kayo." Mayabang na ngumiti si Alex.

Ano na naman sasabihin nito?

"Kasi po tito hindi ko po talaga gusto si Kath." Iniripan ko siya. Sa tingin niya ba gusto ko siya?

"Yuck! Mandiri ka nga!" Tumawa sila ate, nakita ko ang pagkislap ng mata ni ate sa amin na dalawa.

Ayan kasi si ate, boto na boto kay Alex. Tatapatin ko kayo, gwapo 'yang best friend ko at matangkad. Kasama palagi sa honors no'ng elementary kami hanggang senior high school tapos ngayon dean's lister sa department nila. Kasama pa siya sa banda sa University namin. Kaya siguro hinahabol ng bakulaw niyang ex.

Sinumulan ko nang inumin ang juice na nasa baso.

"Pero nagbago po ihip ng hangin kaya ngayon girlfriend ko na po si Kath." Halos mabilaukan ako sa narinig ko.

ANO?! HINDI KASALI SA USAPAN NA SASABIHIN NIYA KAYLA MAMA NA GIRLFRIEND NIYA AKO!

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now