Chapter 21

1K 33 4
                                    

Chapter 21:

Mabilis akong lumabas ng room at bitbit ang lesson plan ko. Umay naman oh, kung kailan akala ko pahinga na. Panibagong dagdag na naman ng problema ko.

"Hoy te ah! Galingan mo! Demo mo bukas!" Mabilis na yumakap sa akin si Denise.

"Te, layuan mo nga si Jiro. Walang gagawing tama 'yan sa buhay mo." Tinapik niya ang balikat ko at iniwan akong naguguluhan.

Mabilis na umalis si Denise nang akbayan ako ni Jiro.

"Are you okay?" Tumango ako.

"Kath, may sasabihin ako." Ngumiti siya at hinarap ako sa kaniya.

"Ano iyon?"

"Gusto kita, gusto sana kitang ligawan eh."

Naubos 'ata ang mga natirang hangin sa baga ko.



"Pwede ba kitang ligawan?" 

Hindi ako makapagsalita. Para akong natuod sa isang tabi. Kahit hindi ko alam sasabihin ko, tumango ako.

Dahilan para magbago ikot ng mundo ko simula no'ng niligawan niya ako. Kinikilig ako oo, pero parang iba. Parang alam mo 'yon, parang may mali na ewan. Isang beses, hinalikan niya ako sa pisngi. Sa mismong harap nila Alex na parang may iniinis siya. Hindi naman siya pinapansin ni Alex pero ako iyong naapektuhan.

Madalas kong pinagtatanggol si Jiro kay Denise kasi nalaman niya na nililigawan ako ni Jiro. Nabanggit ko na rin kasi ang tungkol sa amin ni Alex. Kaya pinayagan ko na rin si Jiro at ayon naman ang papaliwanag ko kayla mama. Tapos inaaway at pinariringgan niya si Jiro. Sobrang naguguluhan talaga ako.

Iba rin ang mga titig ni Ice no'ng mga nakaraang araw.

Parang may nagbago kay Jiro, parang may mali talaga. Pero alam ko sa sarili ko na sa araw-araw na lumilipas may nagbabago sa nararamdaman ko. Hindi ko siya mahal pero nando'n na ako sa stage na gusto ko siya. He's always there for me when I need someone to lean on. Simula no'ng araw na iyon, parang gusto ko na lang iwasan si Jiro. Natatakot na naman akong masaktan na baka matulad siya kay Alex.

Alex..

Huminga ako nang malalim at tumingin sa baba mula rito sa 5th floor. Palagi na lang ba akong guguluhin ng mga mokong?

Ayoko na ngang mag-isip! Baba na lang ako! Nagsimula na akong humakbang nang makarinig ako nang bulungan mula sa bodega ng school. Kaya mabilis ako na dumungaw roon at kumunot ang noo ko sa nakita. Pumasok ako at nagtago sa may lamesa.

Jiro? Anong ginagawa niya rito? Nakita ko kung paano siya tumawa at ngumisi. Ibang-iba sa Jiro na nakilala ko. Iba rin ang mga kasama niya, hindi sila Ryan. Parang bago sa mga mata ko ang mga kasama niya. Para akong natulala sa nakita ko, pero mas nanghihina ako sa mga naririnig ko.

"Dude, akala 'ata ng babaeng iyan ay gusto ko siya. Fck her! Hindi ako papatol sa tang4ng iyon!" Sabay ngisi sa mga kasama niya.

"Mahal mo pa ba si Monica?" Nawala ang ngisi niya at napalitan ng galit ang mukha niya.

"Ginagawa ko ito para kay Monica! Tignan ko iyang gagxng Alex na 'yan kung kayanin niya na mas malala ang gawin ko sa ginawa niya kay Kath tangx." Sabay sindi ng sigarilyo na nasa lamesa at sabay hithit.

"Natutuwa ako sa plano ko, actually bibigay na si Kath sa akin. Makakaganti na rin ako kay Alex. Lintik lang ang walang ganti, Salazar." Tumawa silang lahat na para bang mga siraulx. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pigil ang mga hikbi na ilalabas ko. Nanlalabo ang mga mata ko na nanonood at nakikinig sa kanila.

A-Anong mga 'to? Palabas? Kaya ba sinasabihan nila ako na layuan ko si Jiro?

"She's pretty Elijah, bakit hindi mo subukan?" Matagal niyang tinitigan ang lalaki na nasa gilid niya.

"Halimaw ka naman sa kama 'di ba?" Tumawa silang lahat hindi ko alam pero sa pagkakataon na ito, nabigo ako.

Dahil sa halos hindi ko na sila makita ay nasanggi ko ang isang salamin na nasa ibabaw ng bakanteng lamesa.

Mabilis silang natahimik.

"Fck, may tao yata!"

Mabilis silang lumingon sa pinagtataguan ko. May dalang ice pick ang mga ito. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero halos mapasigaw ako nang may humatak sa akin sa madilim na parte ng bodega.

Nagsimula na akong umiyak sa takot na baka nahuli ako ni Jiro. Demonyo pala ang hayop na 'yan! Ginagx nila ako! Tinakpan niya ang bibig ko. Ramdam ko ang malalim na paghinga niya nang lumibot ang mga kasama ni Jiro sa bodega.



"Walang tao pre, siraulx ka na yata!" 

Masamang tumitig si Jiro sa mga kasama niya. Kahit sa malayo tanaw ko ang mukha niya. Umalis na sila sa bodega at pinatay ang ilaw. Parang kapirasong ilaw na lang ang natitira dahil mula sa itaas na mga ilaw.

Para akong natauhan nang bitawan ng taong nasa likod ko ang bibig ko. Ayokong lumingon, baka multo!

"Kath." Lumingon ako.

Mabilis niyang hinaplos ang pisngi ko at niyakap ako.

"A-Alex?"

Lumingon ako sa taong nasa likod niya.

I-Ice??

"He's so fckn sick, fck that bastard." walang ekspresyon na sabi ni Ice kay Alex.

"Sasaktan mo rin ba ulit ako?" Umiwas siya ng tingin at namuo ang mga luha sa mata nito.

"Kath, magpapaliwanag ako sa susunod." Humikbi ako, Alex? Sasaktan mo na naman ba ako? Hinaplos niya ang buhok ko. Parang hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Pero alam kong isa lang.

Isa lang ang alam kong naiintindihan ko. Ginagx ako ni Jiro.

Ginagx ako ng tarantadxng hayop na iyon. 



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now